HIS Side of Story #8

148 4 9
                                    

Chapter 8

And that was where it all started.. AGAIN.

Nung gabing yun, muling nagkaroon ng puwang si Frina sa liver, kidney, cerebrum, hypothalamus, pituitary glands, retina at syempre.. sa PUSO <3 ko J

Hindi na nga kami sumayaw for Prom. Pero nung rehearsal sa Pearl Sapphire, sumama pa rin kami. Ano yun? Kami lang maiiwan sa school?! Hindi pwede yun!

Nasa likod kami banda. Nakaupo ako habang naglalaro ng rubik’s cube ng lumapit sya sa akin.

“Blue!” masaya nyang bati. Ano na naman kaya this time?!

“Anoooo?!” tanong ko.

“Did you know na sumali si Hallie?” tanong nya.

Si Hallie?! Sumali?

Ano naman ngayon?! Hahahaha :D Pero natutuwa ako kaya sumagot ako..

“Talaga?!”masigla kong tugon. Sumali si Hallie.. sana makasayaw ko sya :’)

“Di ba gusto mo syang partner? Puntahan mo na sya?!”

ANOOOOOOOOO? Pinapaalis na ba ako nitong si Frina?! Nyemas. Ano bang nakain nito? Pero mukhang masaya nga yun. Wahahahaha :) Masakyan nga ang trip nya.

“Talaga?!” tumayo ako saka hinawakan sya sa magkabilang balikat. “Salamat Frina!” sabi ko saka hinanap si Hallie.

Pagkakita ko kay Hallie may partner na ring iba. Edi nasayang lang ang effort ko na hanapin sya. Bumalik ako kay Frina pero hindi pa ako nakakalapit e sinigawan na nya ako.

“WAG KANG LUMAPIT SA AKIN! ASUL NA UNGGOY!”

Unggoy daw ako T______T

Patay na. nagalit ata si Frina sa ginawa ko. Umalis sya agad  para umuwi.

Pag-alis ni Frina..

Lumapit sa akin sina Chrissy at Shie. Kinonsensya ako ng bongga.

“Wala kang PUSO!”- Chrissy

“Wala kang LUNGS!”- Shie

“Wala kang LIVER!”-Chrissy

“Wala kang SMALL INTESTINE!”-Shie

“Wala kang HABAG!”-Chrissy

“Wala kang AWA!”-Shie

“Wala kang DANGAL!”-Chrissy

“Wala kang PURI!”-Shie

Hinampas ako ni Chrissy Bully. “Sh.t Blue. Napakainsensitive mo! Hindi mo man lang naisip na hindi ka naman kayang ibigay ni Frina sa iba? DI ba iniyakan ka pa nya? Tapos ano? Sinakyan mo naman agad yung trip nya? Krayola ka talaga sa pagkaslow.”

Ang bobo mo talaga Blue! Kawawa naman nga si Frina T________T

“Ano? Nakokonsensya ka na? Aba dapat lang. Masyado kang nagpapakaobsess dyan sa Hallie na yan! Hindi mo ba makita kung gaano kalamang si Frina? Crap. You’re the dumbest creature ever.”

Sabay walk out nila.

Patay na. Bukas na yung prom. Nag-away pa kami ni Frina.

PAANO NA ITO?!

Blue's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon