#Fear 3: A SERIUN Student

7.3K 170 2
                                    

#Fear 3: A SERIUN Student


Xenzel's POV


Nakaupo ako ngayon sa gitnang bahagi ng classroom namin. Mayroong limang rows ng armchairs na gawa sa matibay na kahoy, at tig-walong upuan sa bawat row, divided by two to create an aisle in the middle. Nasa left side ako, 3rd row. Bakante pa ang dalawang upuang nasa tabi ko. Sabi ni prof, normal lang daw talagang maraming absent sa first class kapag first day sa SERIUN. Naglilibut-libot pa daw kasi yung mga estudyante.


Mga kalahati lang ng klase yung nandito ngayon.


"Okay class, so wala na tayong magagawa sa absence ng mga kaklase niyong excited sa paglilibot sa university. Because almost half the class is not here, I'll just give you a bit of orientation of the new school policies. Are we okay with that?" In fairness ah, ang bata pa nitong professor namin.

"Yes.~" Sabay naming sagot. Loner pa ako ngayon.

"Okay. By the way, I'm Rashid Calvario. I am not your professor in any class course. I am merely your adviser." Seryoso niyang sabi.


Adviser? Pero college na kami diba?


"It's a new policy. It was suggested by the Confederation of Kingdoms, and fortunately, it was approved by the new head of SERIUN. I will only be your adviser. I will meet you before and after your classes." Bahagya siyang ngumiti at kumuha ng chalk, pagkatapos ay sumulat siya sa blackboard.


"RASHID CALVARIO"


"That's my name, so ALWAYS remember that. Remember the spelling and the pronunciation, para kapag may kailangan kayo sa'kin, mabilis niyo'kong mahanap." Ibinaba na niya yung chalk. "Yung second policy na idinagdag ng Confederation of Kingdoms ay ang pagsunod sa highschool schedule style. In short, college na kayo pero magiging highschool ang style ng schedule niyo. Congrats sa naka-notice na. I believe the University Administrators already sent you your schedule after the opening ceremony."


OMG... Andaming pinagbago. Paano naman maiinform ang lahat ng absent ngayon?


Tahimik lang talaga kaming lahat. Walang nagre-react o nagtatanong.


"Pero." Iniangat niya ang hintuturo niyang nakaturo sa kisame. "Hindi ibig sabihin whole day kayo dito. I saw your class schedule at nakasaad doon na every Monday, Wednesday and Friday, you will be staying here, in this exact room, from 7:00am to 12:00 noon, and every Thursday and Friday, you will be in the same room starting 3:00pm to 8:00 pm."


Napalunok naman ako dun. Gabi na kami idi-dismiss tuwing TTh..? OMG.


"Sa ngayon, ibibigay ng SERIUN ang araw na 'to bilang exploration day. Bukas ko na ibibigay ang mga student handbook sa inyo. For now, you may go and enjoy your day exploring the whole renovated Serlande Intercontinental University." Ngumiti na siya nang malaki. "You're dismissed."


Pagkasabi na pagkasabi niya nun ay agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko at sunud-sunod na lumabas.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon