Mga Sulat Para Kay JB

117 0 0
                                    

August 21, 2013

2:26 p.m.

Bahala ka na nga sa pakshet na buhay mo. Bahala ka na kung ayaw mo kong i-chat, ayaw mo kong kumustahin, kung ayaw mo sakin. Bahala ka na.

Hindi ko kelangan ng mga putanginang hindi maka-move on sa ex o mga exes nila. Hindi ko kelangan ng mga confused, mga in doubt, or mga walang bayag. Hindi ko kelangan ng mga taong hindi ako kelangan.

Wala pa namang isang taon mula ng mag-aksaya ako ng oras sa yo. Three months pa lang. Hindi naman kawalan yun sakin. Pero sinasabi ko sayo, tangina mo, isang lifetime with me ang nawala mo. Dahil lang masyado kang choosy, masyado kang takot, masyado kang whatever.

So ayun na nga. Goodbye na. Baka sabihin mo naman na ang arte ko. Para 3 months pa lang na walang ginawa, goodbye na? E ganun talaga. Sorry, pero hindi ako ang tipo na maghihintay. Hindi ako ang taong pinapaasa at aasa, kahit sa meron o sa wala. Nasanay na ko. Hindi ako mag-iinvest kung sa huli ay maiiwan akong talo. Nasabi ko na sayo yun diba? Kung di mo maalala, wala na ko magagawa. Ayoko naman sa pilitan. Hindi ko rin trip ang ipagduldulan ang sarili ko. Nag-effort na ko, yun na yun. Wala ka ng mahihintay pa. Hindi ako ang mag-iinitiate ng date. Hindi ako ang mag-iinitiate ng usapan. Kasi pagod na ako.

Kung interesado ka, ikaw naman. Ikaw naman ang gumawa ng paraan. Kung kelan, wala na akong pakialam.

 P.S. Wag ka na ring mag-attempt mag-English kung mali-mali lang spelling mo. Haay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Sulat Para Kay JBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon