Chapter 2
Kanina pa nagtetext si Haley kay Gian pero kahit yata mag-send sya nang isang milyong text. Hindi parin ito magrereply. She wanted to call him but it seem that his phone was off. So she decided to flood messages for him even if she really looked desperate and childish.
Ilang ara na ba nya itong hinintay na magtext, tumawag sakanya? Dalawampu, tatlumpu, tatlumpu't lima... hindi na nya mabilang?
Nakakatulog sya sa gabing umiiyak dahil kahit alas tres na nang madaling araw, hinihintay parin nya ang reply nito. Kahit na lumalala na yung nararamdaman nyang sakit physically and emotionally... she's being stubborn.
She missed him, terribly.
Kailan ba nito maiisip o maalala na may naghihintay sakanyang magtext? Bakit sa bente kwatrong oras na ginugol nito sa pang-araw araw, ni limang segundo, hindi sya nito binigyan?
Limang segundo lang naman ang hinihingi nya, hindi man lang nito maibigay kahit pa sobrang abalang abala ito sa kung anong ginagawa nito.
8:45: 08 PM
Hi, Gian. How are you there, babe?
9:59: 15 PM
Hey, you busy there? I missed you...
10:30: 21 PM
Ui, anong ginagawa mo? May night shift ka ba? Wag magpapagod ha?
10:53: 36 PM
I know, you're not yet asleep, wala kang load. Bakit hindi kita mareach?
11: 27: 44 PM
Good night babe, I love you.
Haay! Nakailang message/call na ba sya sa maraming araw na hindi nya ito kasama? Kelan ba sila huling nagkasama? Five months ago pa pala...
Nakakapagtampo lang na kahit birthday nya hindi sya nito nagreet. Okay lang sana yun eh pero ang sakit sakit na... Pati 2nd anniversary nila, nakalimutan pa nito.
Oo, ang tanga tanga nya. Kasi kahit alam naman nyang sya lang ang nageeffort sa relasyon nila. Sige parin sya nang sige...
Ang tanga tanga nya kasi kahit ilang beses nyang pinagalitan yung sarili nya na tama na... na wag na nyang gawing tanga yung sarili nya, wala eh! Kasi mahal na mahal na mahal na mahal na mahal pa rin nya ito.
Mahal nya ito kaya kahit sa bawat segundo, minuto o oras na naiisip nya si Gian, wala na syang ibang ginawa kundi umiyak.
Why can't she just let him go?
Yes, she loved him. Pero nagmula nang minahal nya ito, wala na syang ibang ginawa kundi umiyak at masaktan.
Nagpunas sya nang luha na kanina pa bumabagsak sa mga mata nya. Pero kahit na ilang ulit nya pa itong pinunasan, wala paring ampat ang pagpatak eh!
"Tumigil ka na kasi... nasasaktan ka na eh! Ang kulit kulit mo kasi, bakit hindi mo sya magawang kalimutan? Bakit hindi mo sya magawang hindi nalang mahalin?" iyak sya nang iyak habang nakahiga sya sa kama nya at parang baliw na kinakausap yung sarili nya.
Pagod na pagod na sya!
She sighed.
Dahil sa pagiyak nya, hindi nya namalayang nakatulog na pala sya.
(Warning: May parte po itong chap na to na medyo sensitive, wag po kayong magulat, huh? Pero slight lang po, promise. TToTT)
BINABASA MO ANG
Dream Or Reality [Completed]
General FictionHaley Lorraine Castillo was so in love with Gian Russel Navarro. He made her believe in happy endings and in fairy tales. But he made her realize that happy endings are just for fairy tales. And fairy tales were just written in books. Books are made...