Chapter 4
*kring kring*
Shocks! Late na late na sya!
Bakit ba kasi hindi narinig ni Haley ang alarm clock nya.
Ini-set pa nya yung phone nya ng limang alarm pero wala parin.
Hindi naman nya masisisi ang alarm clock. Alas tres na ng madaling araw.
Hindi kasi sya makatulog rather wala syang intensyon na matulog.
Alas otso pa naman klase nya!
Tinignan nya ang relo nya habang paakyat sya ng 3rd floor.
8: 06
Nagmadali syang umakyat kahit na bawal sakanya ang tumakbo...
Terror pa naman ang prof nya sa Pol.Sci.
"You're late again, Ms. Castillo,"
Haay naku! Gusto nyang isapak yung headset nya para hindi marinig ang susunod nyang sasabihin pero...
baka lalo madagdagan ang inis sakanya ni Sir Marco.
Ewan ba nya...
Ang bata pa naman ni Sir para maging terror.
Twenty three palang ata nito pero kung umasta daig pa ang babaeng may menopause.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bawal na bawal ang malate sa klase ko?" He even wore his usual expression.
Gwapo sana si Sir kaso palagi itong nakakunot noo, hindi man lang ngumiti at para syang pinagsakluban ng langit at lupa dahil parang ang laki ng galit nya sa mundo.
Nginitian lang nya ito ng alanganin. "Err, sorry Sir," she was controlling her temper.
"Next time, Ms. Castillo, wag na wag mo ng tatangkaing malate, andami mo ng absences, ilang absence mo pa, madadrop ka na," he even frowned when he saw her gesture.
nag-peace sign kasi sya habang nanenermon ito sakanya.
Fourth year na sya pero nangangabib na hindi sya makagraduate this year dahil sa performance nya.
She barely goes to school.
Kung papasok man sya, palagi pa syang late.
Papasok lang sya kung kailan nya gusto.
She doesn't know what happened to her but since that accident happened to her, nawalan sya ng ganang mabuhay.
Palagi nyang hinihiling na sana mamatay nalang sya.
She committed suicide not only once but many times.
She smiled bitterly.
Hindi na nya mabilang kung ilang beses pero hanggang ngayon, hindi parin sya natutuluyan.
Her mother told her to stop doing that thing but she cannot.
She's been depressed.
Nagstop na nga sya ng isang taon para makapagpahinga sa stress. Pero walang nangyari.
Hindi parin sya nakakarecover.
Haay! Her life sucks!!
"I don't care," bulong ni Haley pero narinig yata ni Sir. Kasi ang sama ng tingin nito sakanya.
BINABASA MO ANG
Dream Or Reality [Completed]
General FictionHaley Lorraine Castillo was so in love with Gian Russel Navarro. He made her believe in happy endings and in fairy tales. But he made her realize that happy endings are just for fairy tales. And fairy tales were just written in books. Books are made...