Chapter 6

358 10 0
                                    


Chapter 6

"Good morning anak..." bati ng mama ni Haley sakanya.

Ngumiti sya ng matamis bago sya lumapit sa mama nya."Good morning too, mom..." hinalikan nya pa ang mama nya sa pisngi.

Ganoon pala ang pakiramdam. Yung ang gaan-gaan ng pakiramdam na gigising sya isang umaga na okay na sya... oo! Masakit parin, pero nakakayanan na nya ang sakit. Nakakayanan nan yang ngumiti kahit na may nakatago paring pait at hapdi sa kaibuturan ng puso nya.

Malaking tulong talaga na nakapag-open-up sya sa mama nya. Yung kahit na makaramdam ulit sya ng panibagong sakit... alam nya na kasama na nya ang mama nya sa hirap na pagdadaanan nya.

"Naglalambing ang anak ko..." tukso ng mama nya sakanya pero wala syang pakialam. Ang sarap kasi sa pakiramdam na nagiging intimate sya sa mama nya. Niyakap nya ito at inamoy amoy. Ang sarap amuyin. Yung kapag naamoy nya ang amoy ng mama nya, pakiramdam nya... super safe sya... pakiramdam nya, walang makakapanakit sakanya.

She smiled. "Where's dad?" she asked after she let go her mom's embrace.

"Maagang umalis nak eh," she looked at her with so much tender in her eyes. "Let's eat breakfast..." aya nito sakanya.

Kung dati siguro... baka tinanggihan nya ang mama nya pero dahil masarap sa pakiramdam na palagi nyang nakikita ang mama nya, nagpaunlak sya.

"What's for breakfast?" she asked. Nakita nya ang pagkagulat sa mukha nito pero napalitan agad iyon ng saya. "fried rice, longganisa, daing, fried chicken and vegetable salad..." masayang anunsyo ng mama nya ang ulama pagkarating nila ng kusina.

Napalatak sya ng marinig nya lahat ng paboritong pang-agahan nya. "Hmm... ang sarap..." para syang batang ngayon lang nakakain ng masasarap ng pagkain.

Kailan ba sya huling kumain ng matinong pagkain? Hindi na nya matandaan... at masaya sya ngayon dahil for the first time after that incident happened, nakuha na nyang maging masaya. Kahit na mababaw na kaligayahan lang.

"Dahan dahan lang anak..." masayang sita sakanya ng mama nya habang nilalantakan ang mga niluto nito.

She smiled while her mouth is full. Nginuya nya muna ang nasa bunganga nya bago nagsalita. "I missed this, mom..." she said sincerely.

Nakita nya ang pagkawala ng luha sa mga mata nito. Alam nyang dahil iyon sa kasiyahan. Agad agad nitong pinunasan ang luha sa mga mata nito bago ngumiti ng malapad. "Namissed ko din ang katakawan mo..." tukso ng mama nya sakanya habang masaya itong pinagmamasdan syang kumain.

She smiled sweetly. "Yeah mom, mana po sayo..." she teased her.

"I know... at least we are both sexy..." they both laughed after her mom cracked a joke. (Which is very very true, haha.)

Natigil sila sa pagtawa ng mommy nya ng may narinig silang tumikhim. "Did I miss something?" it was her dad.

"None, honey..." her mom approached her dad with a hug. Haay! Kahit kailan talaga. Her parents are very sweet.

Ngumiti sya ng tinitigan sya ng dad nya. "Magpapaparty na ba ko, sweetie?" he asked me with disbelief in his eyes.

"Huh?"

"Bukod sa narinig kitang tumawa at nakita kitang ngumgiti..." tumitig ito sakanya. "You're eating in our dining room?" halos manlaki pa ang butas ng ilong nito dahil hindi makapaniwala sa nakikita nito.

"Dad, para kang bata..."

Natawa ang mommy nya sa lintanya nya.

Napansin nya ang palipat lipat nitong tingin sakanya at sa mommy nya.

Dream Or Reality [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon