Chapter 7

328 10 0
                                    

Chapter 7

"Wow... ganito na pala ang ugaling estudyante ngayon... pumapasok lang kung kailan nya gusto..."

Haley smiled when she heard her enemy's voice. Mas naasar pa yata ito sakanya ng makita ang malawak na pagkakangiti.

Walang makasisira sa mood nya ngayon... kahit pa ang pinakamasamang ugali ang itapat sakanya... go lang sya...

"Hi, Ricardo..." bati nya dito na lalong nagpainis dito. Narinig pa nya ang malulutong nitong mura sa kanya katulad ng b***h, wh**e, sl**, etc. pero dahil mabait sya ngayon, hindi nalang nya ito pinatulan...

Inirapan sya nito ng bongga. Tinignan ni Haley ang dating group of friends nya... hindi na kasama ni Ricardo ang mga ito...

Parang dati lang... sya ang naikick-out sa grupo na tinitignan nya ngayon... hindi dahil sa hindi sya mayaman kundi hindi sya nagpakatanga sa bopols nitong rules. Ngayon... sii Ricardo na naman ang napatalsik... yung grupo kasi nito ay dapat galing sa mga may kayang buhay na ang income ng mga magulang ay aabot sa milyon-milyon sa isang buwan... kaya sya napasali dito ng iniyaya sya ni Bianca... ang founder ng group ng mga ito...

Hindi nga din nya alam kung paano nailusot ni Ricardo ang sarili nito dahil hindi man lang ito naibilang sa middle-class family. Sadya sigurong medyo bopols din ang dati nyang mga ka-member.

Napangiti sya ng halos mamutok na ang ulo nito sa sobrang galit ng tumawa pa sya ng nakakaloka. Haha. Good vibes sya ngayon...

"Hindi ko ba naman alam kung bakit nandirito pa ang babaeng yan... e palagi namang wala sa halos lahat ng klase natin...." Puyos ni Ricardo habang pilit na nakikipag-usap sa mga dati nitong kamyembro pero pinagtabuyan lang ng mga ito si ricardo.

"Kung hindi dahil sayo... hindi sana nasira ang friendship namin nila Bianca..." sisi nito sakanya. Natawa lang sya ng sobrang lakas.

"Seriously, Ricardo? Hindi ka naman talaga sana napasali sa 'group' of friends nila kung hindi ka lang nagpanggap na anak ka ng multi-millionaire..." pang-aasar ko sakanya na lalong nagpahiya sa 'maganda' nitong 'pagkatao.'

Hindi nalang ito nakaimik. Hah? Sya ngayon ang nakakamit ng tagumpay. She smiled with a triumph look in her face.

"Wag ka kasing masyadong feeling te... yan tuloy, napapaghalataan na feelingero ka lang talaga at wala ka naman pwedeng ipagmalaki sa 'maganda' mong 'pagkatao...'" parinig nya sa taong pinakanakakainisan nya.

Napangiti sya ng marinig ang paghikbi ng echuserang froglet na dati nyang 'kaibigan.'

She can't even felt guilty because he deserved that treatment... mas malala pa nga ang ginawa nito sakanya noon e...

Pero yung ngiti nyang yun... naglaho nalang na parang bula... kasi nakita nya ang dahilan kung bakit napakamiserable ang buhay nya sa nakalipas na dalawang taon sa buhay nya...

"Hi..." bati sakanya ng taong kararating lang pagkatapos ng bangayan nila ni Ricardo. Umupo pa ito sa katabi nyang bakanteng seat dahil ayaw ng mga kaklase nyang tumabi sakanya...

Nilingon nya ito. Hindi agad sya nakahuma ng makita ang mukha nito... "I'm Cariella... you can call me, Ella..." masigla nitong pagpapakilala sakanya.

Inabot pa nito ang kamay nito at tinanong ang pangalan nya. "Ikaw anong pangalan mo?" tanong nito sakanya na para bang nakikipag-usap sa taong gustong-gusto nito.

She shrugged and did not mind her seatmate. Biglang nawala ang lahat ng good vibes sa katawang lupa nya at nasapian sya ng masamang demonyo.

"Miss..." tawag ni Ella sakanya ngunit hindi nya ito muling tinignan at sinapak ang malaking headseat sa tenga na kaninang suot-suot nya papuntang school. Nag-play na din sya ng metal music para kahit anong sigaw nito, wala syang marinig... hindi pa sya nakuntento... nifull volume pa nya ang phone para wala talaga syang marinig na kahit pagtunog ng mga kaklase nya.

Nakita nya sa periphial vision nya na nakatingin sakanya si Ella na parang nagtataka pero wala na siguro itong magawa kaya hindi nalang sya pinilit kausapin...

**---***

Haley's motto in life... hindi sya pwedeng sumuko dahil lang nasaktan sya... hangga't kaya nya... ipaglalaban nya...

At dahil doon... lumakas ang loob nyang antayin si Gian sa condo nito kahit na ganoon ang kinahinatnan ng pag-uusap nila.

Ilang araw na hindi umuwi si Gian sa condo nito kaya ilang araw din syang nag-stay doon. Naisip kasi nya... bakit pa nito ilalagay ang napakalaking picture nya sa condo nito kung hindi sya nito mahal...

Isa yon sa nagpalakas ng loob nyang ipaglaban ang nararamdaman nya para dito...

Ilang araw ang nakalipas ng madatnan sya ni Gian sa condo nito. Yeah, gulat na gulat ito dahil nabungaran nito ang mukha nya sa condo nito kahit nag anon ang nangyari sa kanila ilang araw na ang nakakaraan.

Pero mas nagulat sya ng makita nyang may kasama ito... si Ella...

Nakita rin nya ang gulat na mukha nito pero binawi nito agad yun at lumapit sakanya... "You're Haley, right?" malambing ang boses ni Ella na nagtanong sakanya. Kung naiba lang siguro ang pagkakataon at hindi ito ang taong ipinalit sakanya ni Gian... baka kaibiganin pa nya ito dahil mukha itong mabait na tao.

"Yeah..." she asked weakly.

Ella nodded. "I'm Ella, btw..." inabot pa nito ang kamay nito para makipagkamay sa kanya. At dahil narin sa kagandahang asal, inabot nya ang kamay nito kahit na ang gusto pa nya ay idapo ang kamay sa mukha nito.

"I'm Gian's unofficial girlfriend..." gusto man nyang ituloy ang balak na pagsampal pero ayaw nyang ipahiya ang sarili nya.

Hindi na nya kailangan tanungin kung bakit unofficial ang description nito sa sarili dahil alam naman nyang sya ang dahilan kung bakit unofficial pa ito kay Gian.

"So, Haley? What do we have here?" malumanay na tanong sakanya ni Ella habang ang kamay nito ay nakapulupot sa braso ni Gian.

Kung kanina... ang lakas lakas ng fighting spirit nya habang inaantay ang pagdating ni Gian... ngayon... biglang na-drained lahat ng lakas at determinasyon na ipaglaban ito... kasi sa tingin palang ni Ella sakanya at sa tingin sakanya ni Gian... wala na syang pag-asa...

Katulad nga ng sugal... talong-talo na sya sa laban... lalo na ng marinig nya ang sinabi nito kay Ella ng mag-I-love-you ito sa soon-to-be- ex boyfriend nya.

"Mahal na mahal din kita, Ella..."

������#�\���(

Dream Or Reality [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon