Chapter 9

306 12 0
                                    

A/N: Hey,There is a part where it has Ilocano Dialect here. But meron pong translation! :D Enjoy readin

Chapter 9



Hello, Haley..." bati ni Ella kay Haley pero hindi man lang nya ito nilingon... hindi naman sa bitter sya kahit na oo, bitter talaga sya pero sa nakikita nya ngayon sa gf ng ex nya, parang nagpapakitang tao lang naman ito sakanya...

Imposible din kasi na hindi sya nito maalala, ilang beses na din naman silang nagkita o nagkapalitan ng ilang salita... pero ngayon? Pakiramdam nya, nagpapanggap lang ito na hindi sya nito kakilala....

Tumingin nalang sya sa labas ng bintana... nasa gilid kasi sya kaya katabi nya ang bintana ng classroom nila.. fave spot nya ang tabi ng bintana kaya every time na first day ng class, doon agad sya umuupo... buti nalang iilan lang ang mga teachers na nagsi-seating arrangement dito sa university namin kaya nakakapili syakung saan anya gustong umupo...

"Haley..." tawag ulit sakanya ni Ella kaya inis syang lumingon dito.

"Pwede ba, Ella... you don't have to pretend..." singhal nya dito na nakapagbigla sa maamo nitong mukha... She admit, Ella's beautiful... yung gandang kahit sinong lalaki, maakit sakanya... yung gandang palaging napapanood sa pelikula at teleserye na hindi ka magsasawa sa ganda...

Nakita nya sa mukha nito ang pagkalito. "W-what are you talking about, Haley?" she asked her but she just shrugged.

"You know what... maka-pa-bwisit kan... madi nak katkatungtunginen..." asar na sabi ko sakanya sa salitang Ilocano. (Translation: Nakakaasar kana... wag mo na kong kakausapin...)

"H-hindi kita maintindihan, Haley..." mahina nitong sabi sakanya kaya napailing nalang sya. Oo nga pala... hindi pala ito taga- Ilocos.

"Aah... never mind..." naiinis sya na nabubwisit. Pero hindi naman nya ito pwedeng sungitan kahit kailan dahil baka ngumawa pa ito sa harap ng kaklase nya.

Nagtitimpi nalang sya sa bawat araw na kinakausap sya nito, naiinis sya at parang tumataas lahat ng dugo sa napakamainitin nyang ulo kaya isang araw habang inaantay nya ang first class nila at napaaga sya ng tatlumpung minuto, at nakasunod lang pala nya itong pumasok sa classroom at kung ano-anong tinatanong sakanya, hindi na sya nakapagtimpi. nabring out kasi nito kung paano daw nagkakilala ang mga ito at ang bf nito which is her ex... proud na proud pa ito na pinagpalit ni Gian ang ex nito para kay Ella.

"ANO BA TALAGANG GUSTO MONG IPAMUKHA SAKIN ELLA? NA ITO KA, NASA ILOCOS SAMANTALANG HINDI KA NAMAN TALAGA TAGADITO AT GUSTO MO LANG ISUPALPAL SA MUKHA KO NA NASAYO NA SI GIAN? SIGE... NANALO KANA... TALO NA KO... NAIPAMUKHA MO NA SAKIN NA MAS DESERVED KA KESA SAKIN PARA SA GAGONG YUN?" galit na galit sya at pakiramdam nya, sasabog sya oras na hindi nya yon nailabas. "So, Ella... masaya ka na ba?" nanghihina nyang tanong dito.

nakita nya ang pagkatulala sa mukha nito at hindi makapagsalita. "Alam mo, Ella... okay na sana ako... I'm trying to cope up with the feeling that he's not mine anymore..." she paused for a bit. "I'm moving on... but you just destroyed that..." ayaw nyang lumuha sa harap ng kaaway pero hind nya napigilan... "Ella, sana naman nakuntento kana sa ginawa mo sakin dati... sana naman nakuntento kana sa pananakit at paninirang ginawa mo sakin para mapasayo lang si Gian..." marahas nyang pinunasan ang luha nya. "Pero kailangan mo pa bang ipamukha sakin na nasayo na sya? kailangan mo pa bang magpanggap na mabait at hindi mo ko kilala para lang saktan ulit ako?"

She sighed and shrugged her shoulder at the same time. "Are you contented now?" tinuro pa nya ang sarili nya. "Ako si Haley Castillo, isang babaeng pinagtaksilan ng ex bf nya kasi ano? Kasi ang rumi rumi kong babae? Ella... tignan mo ko ngayon..." ipinoint-out pa nya ang buong sarili nya. "Wala na yung dating Haley... wala na sya dahil pinatay mo na sya..." she cried herself out loud. "Ikaw ang pumatay sakanya..." napahikbi nalang sya bago sya umalis sa harap ng babaeng sumira sa lahat ng kung anong meron sya...

Akala nya, wala ng mas masisira pa sa araw nya, dahil sirang sira na ito pero nagkamali sya... okay na sana eh na si Ella lang ang makikita nya kahit na masakit... pero kung yung taong pinagmulan ng lahat ng kung anong meron at wala sya ngayon... at kung yung taong ang dahilang kung bakit may nanira sa buhay nyang dati lang ay tahimik, makita nya... na nakita na nyang titig na titig sakanya habang umiiyak... durog na durog na ang pagkatao nya... pati yung puso nya... nagkandasirasira na at nahiwalay sa madaming beses... nadurog ng ilang libong beses.

"I hate you, Gian... I abhor you..."


Dream Or Reality [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon