Chaptet 11
"Haley, saan ka ba galing anak?" tanong ng mama ni Haley sakanya pero ngumiti lang sya ng mapait bago nya hinalikan ang mama nya sa pisngi at nagderertso na sa kwarto nya.
She was tired... physically and emotionally...
Sa pananatili nya sa bahay nila, wala syang ibang ginawa kundi umiyak at tumingin sa kawalan. Hindi sya baliw pero pakiramdam nya nasisiraan na sya ng bait... she became depressed...
Ni ayaw nyang kumain o kumausap ng ibang tao... hanggang sa pati katawan nya, sumuko na sakanya.
She smiled bitterly. Lahat nalang tao, ayaw sakanya... bakit ganoon? Nagmahal lang naman sya... minahal pa nya si Gian ng buong buo pero pinagpalit lang sya nito sa iba...
Napahagulgol nalang sya sa naisip. Gustong gusto na nyang mawala yung sakit na nararamdaman nya. ayaw na nyang masaktan... ayaw na nyang isipin na gigising sya kinabukasan na ganoon na naman sya... miserable at nasasaktan dahil lang sa isang lalaki...
Kaya gumawa sya ng desisyon... desisyon na alam nyang pagsisiihan nya sa bandang huli pero yun lang naisip nyang solusyon...
Sawang sawa na sya sa buhay nya...
Sawang sawa na syang masaktan...
tumitig sya sa isang bote ng sleeping pills... lumunok sya ng ilang beses bago kinuha yon...
After this... hinding hindi na sya makakaramdam ng sakit, hirap, hinagpis o kalungkutan pa man dahil hindi na nya kailangan pang mabuhay sa mundong ito. Hinding hindi na sya mag-iisip kung anong mangyayari sakanya pagkatapos ng gagawin nya ngayon dahil hinding hindi na sya hihinga pa...
She smiled genuinely. Hindi nya alam kung matutuwa sya o malulungkot dahil nakangiti na sya ng totoo... after all these days that she was miserable, at last... she became happy for the last time...
Good bye world...
She opened the bottle and drank all the tablet... after that, all she sees was darkness...
***---***
Dahan dahan nyang iminulat ang mga mata nya. Puro puti lang ang nakikita nya.... she thought she was in heaven but she heard her mom's voice.
"A-anak..." paulit-ulit nya yong naririnig simula ng malaman nyang hindi sya nagtagumpay sa pagpatay nya sa sarili nya pero nagkunwari lang syang hindi pa sya nagigigsing. hindi kasi nya matanggap na buhay parin sya...
Pero ayaw na nyang marinig pang oras-oras nalang na umiiyak ang mama nya.
"M-mom..." gumaralgal pa ang boses nya dahil sa kitang Hale kita nya kung gaano namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak.
Kitang kita nya kung paano bumaha ang kasiyahan sa mukha ng mama nya. "A-anak... Haley..."
Tumulo ang luha sa mga mata nya. "M-mom... I-I a-am sorry..."
"N-no, d-don't be s-sorry..." pinunasan nito ang mga luha sa mga mata nya. "A-ang mahalaga, b-buhay ka..."
"P-pero ma..." her mom shook her head.
"H-hwag ka ng magsalita anak... magiging okay rin ang lahat..."
Haley nodded. "M-mom... ang sakit sakit na kasi... sorry ma..." napahagulgol nalang sya habang parang batang nagsusumbong sa mama nya pero alam nyang nandyan lang ang mama nya para sakanya...
"Anak... okay lang... tahan na..." inalo pa sya nito. "Isang linggo ka na dito sa ospital, magpagaling kana huh? Nag-aalala na ang papa mo sayo..."
She nodded. "Magaling na ko ma... I'm strong as bull..." biro nya dito na ikinatawa nila pareho.
Her mom hugged her tight. "Thank you, mom... thank you for being there..."
***---***
Akala nya din okay na sya... kasi nandyan naman ang mga magulang nya na palaging pinapasaya sya at hindi lumilipas ang isang araw na hindi pinaparamdam ng mga ito ang pagmamahal sakanya...
Move- on? Two words, but were hard to execute... kasi, sa isang tingin palang nya sa taong minahal nya ng buong buo pero sinaktan sya ng sobra sobra, parang bumalik lahat ng sakit... isama pa ang girlfriend nitong hindi nya alam kung anong nangyari dahil umaakto itong hindi sya kilala noon pa man...
"Haay!"
"Ang habang buntong hininga naman yan..." liningon ni Haley ang nagsalita. Si Ivan.
"H-hi, Ivan..." bati nya dito. Isa si Ivan sa pinakamalapit sakanyang kaibigan pagkatapos ng nangyari sakanya noon.
"Problem?" - he asked her gently.
"Wala naman..." sagot nya sa tanong dito.
"Ako pa ba naman, pagsisinungalingan mo?" seryosong biro ni Ivan sakanya.
"Hindi kaya ako nagssinungaling..." kaila nya.
Pabiro nitong ginulo ang buhok nya. "Naku... Hindi na kita pipilitin pang magsalita... ilibre mo nalang ako ng lunch..."
"No way!"
"Ang kuripot mo talaga kahit kailan... sige ako na ang manlilibre sayo!" para pa itong napipilitang ilibre sya.
"Huy... hindi kita pinipilit ilibre mo ko ha?" pinalo pa nya ito sa balikat.
He laughed lively. "Joke lang... basta ililibre kita..."
"Okay... tara..." kinuha nya ang isang kamay nito at hinila palabas ng eskwelahan.
hindi na nya pinansin ang pagigtad nito at masayang naglakad papuntang gate.
"Yehey... it's a frre lunch day..."
Natawa ito sa sinabi nya. "Mukha kang bata..." pero hinigpitan nito ang paghawak sa kamay nya at sumabay sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Dream Or Reality [Completed]
General FictionHaley Lorraine Castillo was so in love with Gian Russel Navarro. He made her believe in happy endings and in fairy tales. But he made her realize that happy endings are just for fairy tales. And fairy tales were just written in books. Books are made...