Chapter 6: Confused

4 1 0
                                    

Isa na namang nakakatamad na araw. Kasabay ko si Drake ngayon. Parang ayoko pang pumasok sa university. Ayoko pang makita si Xix.

Nasasanay na din akong kasama si Drake. Ibig kong sabihin ay masaya din naman pala siyang kasama basta ay huwag lang siyang magloloko.

Lunchbreak na. Hindi ko kinakausap si Xix dahil galit pa rin ako sa kanya. Hindi niya din ako kinakausap kaya si Drake na lang kinakausap ko. Wala naman akong choice.

Napapansin ko lang na parang magkagalit si Xix at si Drake. Kung magnobyo man sila, para silang may LQ. Kasi naman. Kung magtinginan sila ay parang magpapatayan na silang dalawa. Basta hindi talaga sila naguusap. Nakakabored ng kasama itong dalawang 'to. Kung may makakasama nga lang akong iba ay matagal ko ng iniwan itong mga 'to.

Maya-maya ay tumayo si Xix at hinila ang kamay ko. Saan naman kaya ako dadalhin ng mokong na ito?

Kakatayo ko pa lang pero hinila naman ni Drake ang isa kong kamay. Bale hawak nila pareho ang kamay ko. Kung nasa pelikula ako ngayon, siguro ay kinikilig na ako. Pero hindi eh. Ang sakit kasi ng pagkakahawak nila. Madudurog na yata ang mga kamay ko.

Matagal din silang nagkatitigan. Walang bumubitiw sa kamay ko. Matagal pa rin silang nagtitigan. Ano bang meron sa kanila?

"Pwede ba bitawan niyo na ako. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh," suway ko sa kanila.

Biglang bumitaw si Xix sa kamay ko at iniwan niya ko. Hinila naman ako ni Drake pabalik sa upuan ko. Gusto ko sanang sundan si Xix pero hindi pa rin binibitawan ni Drake ang kamay ko.

Nagulat naman si Drake ng bitiwan ko ang kamay niya.

"Sorry pero kailangan ko siyang sundan." Hindi ko alam kung bakit ba ako nagsorry sa kanya. Pagkasabi ko noon ay tumakbo na ako at hinanap si Xix.

Hindi ko alam pero parang nakonsensya ako sa ginawa ko. Parang nakonsensya ako nang iwan ko sa Drake. Naging malungkot ang mukha niya noong iwan ko siya.

"Nasaan ka na ba kasi Xix!" hingal na hingal na ako. Kanina ko pa kasi siya hinahanap pero hindi ko pa rin siya makita. Halos nalibot ko na ang buong campus pero wala talaga siya.

Saan ko naman kaya siya hahanapin ngayon? Ang pahid talaga noon! Kung hindi lang kita mahal este kung hindi lang pala kita bestfriend matagal na kitang iniwan!

Biglang sumagi sa isip ko ang isang lugar na tinatambayan namin ni Xix kapag wala kaming magawa.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa lugar na iyon. Xix sana naman nandoon ka.

Hapong-hapo na talaga ako. Papunta ako ngayon sa rooftop ng Business Ad building. Kailangan ko ng magmadali. Baka tumalon pa ang gagong iyon. Subukan lang niya! Sana naman ay nandoon na siya. Pagod na pagod na kaya ako!

Matapos ang limang minuto ay nakarating na rin ako sa rooftop. Hindi nga ako nagkamali. Nandito siya. Nakaupo siya sa may gilid at nakatalikod. Tumakbo naman ako papunta sa kanya at niyakap siya.

"Xix!" pagkasabi ko noon ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Patuloy lang ako sa pag-iyak ng hawakan niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya.

Tinanggal niya ito at humarap siya sa akin. Siya naman ang yumakap sa akin. Lalo tuloy akong naiyak.

"I'm sorry Xyla. Please don't cry." Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"I will never leave you. Hindi kita isusuko. Pangako." Iniangat niya ang ulo ko at pinunasan ang luha sa mga pisngi ko.

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Suddenly, I felt his lips on mine.

My Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon