Chapter 8: The Return

16 7 0
                                    

"I love you Xyla."

Paulit-ulit na nagpaplay sa utak ko ang mga salitang sinabi sa akin ni Drake. Nagmistulang tumigil ang oras at lahat ng bagay na nakapaligid sa akin. Tanging ang mabilis na pagtibok ng puso ko lamang ang naririnig ko. Kung panaginip man ito, sana ay hindi na ako magising pa.

Nakatitig pa rin siya sa akin. Makikita sa mga mata niya ang takot at kaba. Teka. Ano ba ang dapat kong sabihin? Ramdam kong kinakabahan na siya sa magiging sagot ko. Ngumiti naman ako sa kanya para mawala ang kaba niya kahit papaano. Ngumiti din siya sa akin pero nandoon pa din ang takot na nararamdaman niya.

"Drake," hinawakan ko ang mukha niya.

"I loved Xix for a long time." Biglang nanging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya.

"I WAS in love with Xix for a long time and he's also in love with me."

Habang sinasabi ko iyon ay napansin ko na parang naiiyak na siya. Lalo ko namang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

"At noong nagtapat siya sa akin na mahal niya din ako, nalungkot ako. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa akin na bestfriends lang talaga kami. Na hindi pwedeng maging kami. Everything was so complicated that time. But I know the reason now." Ngumiti ulit ako sa kanya.

"That is because of you. Ikaw pala ang sinasabi ni Xix. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Pero nauna pa niyang narealized na mahal kita before I did. Thanks to Damsel. Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat." Hindi ko alam kung paano at kung bakit. Saglit pa lamang kaming magkakilala pero ang bilis na nahulog ang loob ko sa kanya.

"Anong ginawa sa iyo ni Damsel?" bigla naman siyang kumunot tapos para siyang nagalit. Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako. Hindi ko na lang muna pinansin ang tanong niya at pinagpatuloy ko na lang ang sinasabi ko.

"Kahit na ngayon pa lang kila nakilala, kahit na saglit na panahon lang tayong nagkasama, kahit na napakamoody mo kapag kasama mo ako, at kahit na hindi kita maintindihan minsan..." natatawa na ako habang umiiyak. Pinupunasan naman niya ang mga luha sa mukha ko.

"...mahal kita." Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Mahal din kita. Pero siguro hindi pa ako handa. Ngayon pa lang tayo nagkakilala. Gusto ko munang makasama ka ng mas matagal at makilala kita ng mabuti. Sana maintindihan mo." Tama. Ayoko namang magmadali. Sapat na sa akin ang ganito. Na mahal niya din ako.

"Okay, if that's what you want. I'll wait. Even if it takes a thousand years." Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko makita ang mukha niya pero mukhang masaya naman ang tono ng boses niya.

"Maybe it's not the right time. But what's important is not the status nor the relationship, it's the feeling. I love you Xyla. And thank you for loving me again," he kissed me again. Napakasaya talaga ng araw ko ngayon.

Nasa sasakyan na kami ngayon at pauwi na rin kami. Sinusulyapan ko si Drake pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito. Makikita mo sa mukha niya na sobrang saya niya. Hindi ba nangangalay ang bibig niya? Kanina pa kasi siya nakangiti. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya pag ngumingiti siya.

"Huwag mo akong masyadong titigan, baka lalo kang mainlove sa akin!" Nako! Mind reader talaga itong baklang 'to! Napansin pa talaga niya na nakatitig ako sa kanya kahit nagdadrive siya. Tumingin na lang ako sa may bintana kasi alam kong namumula na naman ako. Bigla naman niyang hinawakan ang baba ko at hinarap niya ang mukha ko sa kanya.

"Mas gusto mo bang tingnan ang view sa labas kaysa titigan ang mukha ko?" nagpout siya tapos kunwaring nagtatampo. Bakit ba kasi sobrang gwapo nito? Hindi ko tuloy matiis na hindi siya titigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon