Chapter 17

9.1K 182 30
                                    

Chapter 17

"Sir, sige na. Ikaw naman ang nagtreat sa amin dito kaya sulitin na natin." Si Angel. Tumawa pa na parang witch.

Di ko tuloy napigilan umirap sa mokong na kausap ni Angel

Nandito na kasi kami sa bagong bar na pinuntahan namin. Let me describe this bar.

Kagaya din ito ng ibang bar dito sa Timog. Nahahati nga lang ito. Ang gitna ng buong bar ay mga upuan, lamesa o couch. Sa kabilang side, mga totally party goers, mga tipong gustong magsayaw, magwala or makalimot sa problema. In short, they are wild there.

Dito naman sa side namin, may mini stage sa harapan na may live band na tumutugtog. Welcome ang mga taong gustong i-share ang talent sa pagkanta.

May mga magaganda ang boses na biniyayaan din ng hitsura at may mga hanggang boses na lang. May mga napagtripan lang kumanta dahil d-in-are sila. Mayroon ding napipilitan at may nagpapapilit. Katulad ng boss namin na ito.

Nakaka-15 minutes na ata ang pagpipilit sa kanya ng mga ka-office mate ko. Sabagay, nakakanta na ata lahat sila. Eto na lang talaga ang nagpapapilit.

"Ikaw nga Veron mamilit. Tiyak na tatayo na yan." Nang-asar pa talaga itong si Gail. Sinamaan ko nga ng tingin pero tumawa lang ang babae.

"Sir, kanta ka na para makauwi na tayo. Inaantok na kasi kami." Diniin ko talaga yung 'kami' para malaman niya yung signal.

And mga kababayan, lumabas na naman ang infamous smirk niya.

Tumayo na siya at inisang lagok yung drink niya. Then dumeretso na sa stage.

Todo hiyawan naman itong mga kadepartment namin.

"Ikaw lang pala Veron eh. Hahaha" bulong ni Loisa sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Hindi na siya nakaharap sa akin. As usual, kausap na naman si Paul.

Hindi ko pa nasasabi kay Loisa ang tungkol sa amin ni Emman kaya bakit niya ako binigyan ng ganung remark. Baka nang-aasar lang ito.

*ehem* *ehem*

May ubo yata ang unggoy. Sana 'di na siya nagpapilit. Di ko tuloy napigilang umirap.

"Good evening. This song is for them." Ngumiti pa ng maloko.

"Langya, may pagka-cheesy pala sa inyo si Sir!" Hagalpak ni Paul sa table namin. Kaya di nila napigilang matawa.

"Uy, Veron baka masanggi mo ang juice mo sa haba ng nguso mo" isa pa ito. Kanina pa ako inaasar ni Gail.

Deep inside, I know who are the 'them' but I'm not going to assume it. Ayoko nga. Bahala siya.

Nung nagsimula na yung intro ng song, napatuwid ako ng upo. Nang-aasar talaga ang loko.

She calls me baby

then she won't call me

says she adores me

and then ignores me

(Jenny, what's the problem?)


She keeps her distance

My Son's Father is my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon