Chapter 13

0 0 0
                                    

"ANG GANDAAAAAAA!" Nagtatatalon ako sa tuwa nang makarating na kami dito sa baler. Ang ganda talaga! Malayong malayo sa pulusyon. Ang sarap ng simoy ng hangin, ang ganda ng tanawin at...

MARAMING GWAPO! Shet!

Nauna nakong mag lakad papuntang beach. Iniwan ko muna sila Keith at hinayaang sila na ang magdala ng gamit ko hehe.

Picture lang ako ng picture. Mukha akong ignorante pero wala akong pake haha! Kailangan kong inggitin si Aubrey dahil hindi siya sumama! Miss ko na siya :((

Marami pa akong nakuhanan ng picture nang tinawag na ako ni Pierce. Kasama niya si Fiona, nasabi ko naman na sa inyo diba? Mag jowa na ang dalawa haha!

"Princess, tawag na tayo ni prof!" Tawag sakin ni Pierce kaya lumapit ako.

"Sab! Mamaya swimming tayo agad!" Masayang yaya sakin ni Fiona. Haha baka payagan siya ni Pierce mag bikini.

Alam ni Fiona na parang maliit na kapatid nako nila Pierce kaya okay lang sa kanya na tawagin nila akong princess. Sabi naman ni Pierce sa kanya ay--

"Babe, okay lang tawagin namin si Sabrina ng 'princess' kasi ikaw lang naman ang nag iisang 'Queen ko'"

Ayun kilig na kilig si loka. Haha! Buti pa siya meron na.

Nagpunta na kami sa isang malaking bahay. Sige ito yung Rest House na tutuluyan namin. Maganda siya, malaki, maganda ang mga designs, at halatang halatang pilipino ang nakatira. Nandito kaming lahat sa dinning table, malaki ito at kasya kaming lahat kaya nagsiupuan na kami. Nasa magkabilang dulo si Mr Delahula at Ms Kandado. Katabi ko sa kaliwa ay si Fiona, sa kanan ko naman ay si Keith. Nasa harapan ko naman si Kaiden at katabi niya ang girlfriend niyang mukhang hipon.

"Okay mga estudyante ng St. Catherine! Malalaki na kayo kaya ingatan niyo ang mga sarili niyo sa aksidente. Nandito tayo para mag saya hindi para magluksa, okay? So let' parteh!" Masayang sigaw ni Ms Kadena at may biglang nagpatutog, nagsimula na kaming magsayawan. Haha ang cool pala ng teacher naman eh!

Narinig ko naman nagyaya si hipon mag swimming. Hala sige mag punta ka na ng beach. Para maging tempura kang hipon ka!

"Tara girls. Let's go to the beach!" Sigaw ni Zoey habang sinasayaw parin si Kaiden na sexy dance. Yuck!

"Let's palit na our clothes para" maarteng yaya naman ni lacey at sabay sabay silang tumingin sakin at umirap.

"Woah, what was that?" Natatawang sambit ni Fiona.

"Wala yun. Haha! Tara ligo na tayo sa beach!" Yaya ko sa kanya.

"Sige sige. Magpaalam lang muna tayo kila Pierce. Baka hanapin tayo ng baliw kong boyfriend haha!" Hinanap na namin sila Keith at nakita namin silang tatlo. Na. May. Kasamang. Babae!

"Ehem, babe diba mag s-swimming na tayo?" Bigla naman lumapit si Fiona kay Pierce at nilayo dun sa babae. Bigla naman akong napatingin kay Keith at Kaiden. Mga taga ibang section 'to ah. Kasama din pala sila? Ay akala ko kami lang.

Si Keith ayun nag papaawa na kunin ko narin siya para malayo dun sa babaeng malulusog ang bilbil. Si Kaiden naman ay walang reaksyon. Siguro nagugustuhan niya yung ginagawa ng babae sa kanya. Kaya si Keith nalang yung hinila ko at nagpunta kami sa labas. Naabutan namin doon sila Fiona na nag aaway.

"Bakit ka may kasamang babae!"

"Babe, nag uusap lang kami!"

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon