Naka-upo sa dalampasigan ang mag fiance' na sina Lance at Crisol. Hinihintay ang unti-unting paglubog ng araw. Nakalatag ang isang red stripes picnic cloth at may basket ng iba't ibang klase ng prutas.
Malakas ang pag-alon ng dagat at damang-dama ang malamig ng simoy ng hangin. Agad-agad namang isinuot ni Crisol ang isang white jacket.
"Nilalamig ako Lance..." sabi nya.
"Naku? Nagpaparinig ba yung prinsesa ko? Gusto mo lang ng akap ko noh? Hehe", pinisil pisil ni Lance ang namumulang ilong nya.
"Siguro nga" sambit nya.
Umakap si Lance sa kanya....... Ngunit tinanggal nya naman at saka sumandal sa balikat nito.
"Feel warm? Hey.. Bakit mo naman tinanggal yung pagkaakap ko sa'yo. Don't you like it?" tanong ni Lance.
"I feel more comfortable if I lay on your shoulders. Lance-------- May gusto sana akong sabihin sa'yo" hinawakan ni Crisol ang kamay nya.
"Yes my princess?? AH! By the way may gusto rin akong sabihin sa'yo. Sobrang excited na ako sa kasal natin sa isang linggo. One week na lang at magiging Queen ka na, at Magiging King na rin ako. At syempre may magiging prince at princess Hehe" ngisi ni Lance sabay kagat sa mansanas.
"Yun nga ang gusto kong pag-usapan natin"
"Ah alright, May problema ba sa nalalapit nating kasal?", pagkunot noo ni Lance
Tumayo si Crisol at saka dinampi dampi ng kanyng paa ang malamig na tubig sa dagat. Sinundan nman sya ni Lance.
" Hey Crisol.. There's something bothering you or what? Tell me"
"I Love You Lance!" sabay tulo ng luha nya.
"I---I love you too" sagot nya ng pautal-utal.
Umiyak si Crisol at saka mahigpit na inakap ang buong katawan ng kanyang fiance' na parang wala ng bukas. Sobrang naramdaman naman iyon Ni Lance at inakap nya rin ito;
"Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong ng binata saka pinunasan ang luha ni Crisol.
"Our wedding is over. Hindi na matutuloy ang kasal natin Lance"
"Huh! Ba--Bakit naman Crilsol?! Wag mo naman gawin sa'kin to. Sobrang mahal na mahal kita :'("
"Kung pwede lang. Pero kahit gustuhin ko di na pwede :'( I'm sorry.." hagulgol ni Crisol.
"WAIT!!" Don't leave me. I love you", muling sabi ni Lance.
Muling inakap ni Lance si Crisol, ngunit pinuwersa pa in ng dalagitang maka-alis . Hanggang sa nahawakan ni Lance ang dulo ng buhok nito... Nalagas.
Lance POV..
- Five Years akong naghintay para hingin ang kamay ng pinakamamahal kong si Crisol. Simula nagkakilala kami sa aming Secret Place sa dalampasigan dahil sa aming sinusulyapan na sunset. Masaya kami sa isa't isa at alam kong walang makapag hihiwalay sa aming relasyon. Soulmates nga ang tawag samin dahil parehas kaming ulila sa magulang, mahilig din sya sa mga prutas kagaya ko, friendly sya, mabait at caring ngunit sobrang sakitin. Ang pinaka gusto kong part ay yung lagi kaming naghaharutan, lalo na yung hampasan ng unan sa bahay nila dahil legal naman ang relasyon namin. Yung pagtawa namin ng parang wala ng bukas, kurutan, at napupunta rin sa sakitan, ngunit nagkaka ayos naman kmi agad. Ewan ko ba kung bakit lahat ng iyon ay muling kinuha ng tadhana.