Anong gagawin mo kapag nalaman mong tinraydor ka ng matalik mong kaibigan, at itinakwil ka ng iyong kinilalang pamilya at kasintahan? Masakit diba?
Isa lang naman si Karly Maverick sa mga taong nasaktan at iniwan. Pero, nang matuklasan niya na may kakayahan pala siyang makagawa ng apoy, o mas kilalang Pyrokinesis, ay wala na siyang inaksayang oras. Nag-ensayo siya ng matagalan, hindi iyon madali para sakanya, pero, nang magising siya, isang umaga, ay kaya na niyang i-kontrol ang apoy. Naging isa siyang miyembro ng grupong Nemesis. Isang grupong gustong sirain ang institusyong Detroit, ang institusyon kung saan nanggaling si Karly.
Magtatagumpay kaya sila?
O, sabay-sabay silang mahuhulog sa kani-kanilang mga bihag?
"Sa mundong ito, isa lang sa limang tao ang mapagkakatiwalaan mo, kaya sana, 'wag mong ibigay ang tiwala mo sa kahit sino lang. Malay mo, diba? Baka isa rin ako sa mga mag-tatraydor sa'yo ." -Frost Adonis
BINABASA MO ANG
Castaway Karma
Science FictionShe's a castaway. And oh, I almost forgot, ladies and gentlemen, her name is Karma.