Chapter III

14 2 0
                                    

******

Hindi ako makatulog noong gabing iyon dahil sa nalaman namin mula kay Sensei.

"Ano po ba ang sinasabi nyong kailangan naming malaman?"
Tanong ni Koe nang matapos naming maubos ang tsaa.

Hindi ko alam kung bakit kailangan muna naming ubusin yung tsaa namin bago nya sabihin sa amin yung kailangan naming malaman. Natatakot ba syang mabugahan ng tsaa sa mukha kapag sinabi nya yun habang umiinom kami? Ewan.

Huminga muna sya ng malalim.
"Alam nyo naman kung ano ang nangyari sa Elites di ba?"

We nodded.

"Dahil sa siyam na pung taon na pananahimik ng Elites, naging komportable na ang iba na mamuhay ng parang normal na tao. Kahit na kakaunti nalang ang mga tulad natin dito sa Heiwa.

Pero ngayon, may lumabas na balita na may isang grupo ng Elites na gustong kontrolin ang gobyerno.. sa hindi mabuting paraan."

"H-Hindi mabuting paraan?"
Tanong ko ng may kaba.

Anong ibig nyang sabihin?

"May balita na may ilang heitai na pinatay sa Minami region. At ang mga suspect ay isang grupo ng mga Elite sa nasabing rehiyon. Ang grupo ng mga Kaー"

"Kage."
Pagputol ni Ishi.

"K-Kage??"
Tanong ni Koe.

Tumango si Sensei.
"Kilala mo pala sila."

"I've heard some people talking about them." Sagot ni Ishi.

"Kung 'shoumei' ang tawag sa atin. 'Kage' naman ang tawag sa grupo ng Elites na ginagamit sa maling paraan ang mga chikara nila. Ngayon, gusto nilang pabagsakin ang gobyerno at pamunuan ang Heiwa sa maling paraan. At ang tangi lang makakapigil sa kanilang masamang hangarin ay tayong mga shoumei..sa pamamagitan ng digmaan."

"War of the Elites."
Pabulong kong sabi. Nakakatakot.

"B-Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin yan Sensei?!"
Sabi ni Koe.

Yumuko lang si Sensei.

"Dahil ngayon ko lang napatunayan na kaya nyo na talaga ang sarili nyo."
Mahinahon na sagot nya.

"So you think we can fight?"
Tanong ni Ishi.

Tumango si Sensei.

"S-So, anong plano mo, Sensei?"
Medyo kinakabahan kong tanong.
Hindi parin kasi nagsisink in sakin yung sinabi ni Sensei.

"We'll go travel to the other regions of Heiwa and find our allies." Seryoso nyang sagot.

"When?" Tanong ko ulit.

"Tomorrow."

Kaya hindi ako makatulog.

Bukas na kami aalis.

Parang kahapon lang nung nagsimula kaming mag training.

Sabi ni Sensei sigurado na daw sya sa kakayahan namin.

Pero para sa akin kulang pa.

Ni hindi ko nga magawang talunin si Ishi sa isang laban.

"Argh!"
Mahina kong ungol.

Kinakabahan talaga ako.

Nakapagpaalam naman na ako kay mama. Kaya naiintindihan nya. Sa katunayan, sya pa nga ang nagmotivate sa akin.

The ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon