Chapter IV

11 1 0
                                    

*********

"Follow me. I'll lead you to her."
Sabi nung lalaki at naglakad papasok.

Sumunod naman kami.

Sa dulo ng daan ay may parang isang lagusan. Pumasok kami doon at ilang saglit lang ay tumambad sa amin ang isang malaking kwarto. May mga tao roon na tila abala sa kanikanilang gawain. Malamang mga Elites din sila.

Lumapit ang lalaki sa isang lamesa kung saan may nakaupong babae na sa tingin ko ay kaedad ni Sensei at abala sa binabasa.

"Sensei, may bisita ka." Sabi nung lalaki sa babae.

Umangat ang ulo ng babae upang tingnan kami. Biglang lumiwanag ang mukha nya at ngumiti nang makita nya si Sensei.

"Kiro!"
Sabi nya sabay tayo at yakap kay Sensei.

Nagulat naman kami nila Ishi at Koe sa nakita namin. Pati na yung lalaking naghatid sa amin.

Niyakap si Sensei nung babae!
At, ano daw?? Kiro??
Yun ba ang pangalan ni Sensei??

Mukhang nagulat din si Sensei sa ginawa ng babae pero ngumiti rin sya.

"It's been a while, Ao."
Nakangiting sabi ni Sensei.

Binatukan naman sya nung babae na syang ikinagulat ulit namin.

Eh?! Ganun ba sila kaclose ni Sensei at basta basta nya nalang ito binatukan??!

"Anong 'a while' ka dyan?! It's been years kaya no!"
Sabi nung babae. So, sya pala si Ao.

Tumawa lang si Sensei.
"Pasensya na."

Nilingon naman kami ni Ao.
At nginitian kami.

"Sila na ba yung kinuwento mo sa akin dati na mga estudyante mo?" Tanong nya kay Sensei.

Tumango si Sensei at ipinakilala kami.

"This is Koe Momura." Turo nya kay Koe.
"The other one is Sei Murasaki. And the guy is Ishi Nagawa."
Sabay turo sya sa amin ni Ishi.

Nagbow naman ako kay Ao.

"It's nice to finally meet the three of you." Masayang sabi ni Ao sa aming tatlo.

"Alam nyo bang dati ko pa kayong gustong makita? Lagi kasi kayong ibinibida sa akin ni Kiro."

Nahiya naman kami sa sinabi nya. At napansin kong ganoon din si Sensei.

"Uhm.. N-Nice to meet you rin po." Nahihiyang sagot ni Koe.

She smiled at Koe.

"So. Ano naman ang pumasok sa isip mo at naisipan mo akong bisitahin?" Tanong ni Ao kay Sensei.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Sensei.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nya kay Ao.

"Hmm. Mukhang seryosong bagay iyan ah." Ao smirked.

Sensei nodded.

"Kino, iikot mo muna ang mga bisita natin sa base. May pag-uusapan lang kami." Sabi ni Ao sa lalaking naghatid sa amin.

Lumakad palabas sina Sensei at Ao.

"Alam mo, bagay sila."
Biglang sabi ni Koe.

Binatukan ko sya.
"Ikaw. Kung anu-ano nalang iniisip mo."

Napakamot si Koe sa parte ng ulo nyang nabatukan ko.
"Bakit?? Totoo naman ah!"

"Ewan ko sa'yo."

Lumakad na pala si Ishi kasama yung Kino kaya hinabol ko sila. Sumunod naman si Koe.

Pumasok kami sa isang pinto at nagulat kami sa nakita.

Mahigit siyam na pung Elites ang nageensayo sa loob ng malaking kwartong ito.

"Ito ang training room namin. Dito nahahasa ang abilities namin at si Sensei ang nagtitrain sa amin.

Ang galing! Paano nagkaroon ng malaking training room dito?!

Grabe! Ngayon lang ako nakakita ng mga Elites na may iba't ibang abilities. Sa amin kase kakaunti lang yung mga nagtitrain talaga para maimprove yung abilities nila.

"Kino!"

Napalingon kami nang may tumawag kay Kino.

Isang lalaking medyo blonde ang buhok at maputi ang lumapit sa amin.

"Uy, bisita mo?"
Tanong nito kay Kino.

"No. Kay Sensei."
Sagot ni Kino.

"Ah."

Nginitian nya kami.

"Welcome sa base namin. I'm Tori." Sabay angat nya ng kamay upang mag-alok ng handshake.

Ano daw? Tori? Yun ba yung parang mataas na building? Tori?

"Koe." Sabi ni Koe at kinamayan nya ito.

"Sei." Kinamayan ko rin sya.

"Eh, ikaw dude?" Tanong nito kay Ishi.

"My name is not dude."
Kunot noong sabi ni Ishi.

Tumawa naman si Tori.

Hala? Tinawanan lang si Ishi?

"Joker din pala itong kasama nyo eh." Sabi ni Tori.

Lalong kumunot ang noo ni Ishi.
Patay!

"Ah-eh..h-hindi sya talaga joker.. hehe.. Ishi yung pangalan nya. Hindi dude o joker. Ishi."
Sabi ko sa kanya. Baka kasi kung saan pa ito umabot eh. Naku.

"Ah ganun ba?" Nakangiting sabi ni Tori.

Buti nalang at umalis bigla yung tore-- este si Tori.

Mukha kasing hindi na mapipigilan si Ishi kapag tumagal pa sya sa harap namin.

"Sya nga pala. Hindi ba alam ng mga heitai itong base nyo? Eh kasi anlaki nito. Paano nyo ito natago mula sa kanila?"
Tanong ni Koe kay Kino.

Oo nga. Napakalaki ng lugar na ito at mukhang imposibleng hindi mapansin ng heitai at usisain kung anong meron dito.

"Nope. They have no idea kung anong mayroon dito. And we're making sure the security of the base. Para hindi basta-basta mapasok ng kung sinu-sino lang. Lalo na ng heitai."

Naalala ko naman yung nangyari kanina. Ninerbyos kaya ako doon. Akala ko katapusan ko na. Kainis!

"Kaya ba muntik mo na akong patayin nung hagisan mo ako ng kutsilyo?" Asar kong tanong.

Naguilty yata sya kaya nagkamot ng batok.
"Pasensya na. Naninigurado lang. Y'know. "

Tsk! Ewan ko sa'yo!

**************

The ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon