****
Chaerin's POV
"What do you want to eat?" Pangatlong tanong na sa akin ni Jiyong yan pero di ko sinasagot. Nakakainis kasi siya. Kita mo nang inaantok yung tao, hinila ba naman ako papuntang convinience store---di naman ako literal na hinila---at anong oras na kaya! Pero ang dami pa ring tao.
Pinagtitinginan na din kami ng mga tao. Buti na lang naka-mask siya at cap, pero nakalimutan niya yata na kilala ng mga tao yung tattoo niya. Pumunta ako sa harap niya para ma-block yung view ng mga tao sa kanya. Naka-sando lang kasi siya at pyjama. Lakas ng loob, ang payat naman -_-
"What are you doing?" Tanong niya.
"Pinagtitinginan ka. Baka lang kasi makilala ka at mabalita sa buong mundo na ang isang sikat na Kwon Jiyong ay sa convinience store lang bumibili ng pagkain." Sabay irap ko sa kanya.
"Tsk! Don't mind them...tell me what do you wanna eat now."
Sinabi ko na Lang sa kanya Kung ano ang gusto ko para matapos na. Naiinis pa din ako. At lalo akong nainis sa ginawa ni Jiyong.
May lumapit na babae kay Jiyong at todo pa-cute. Mukhang staff ata siya nitong store. Grabe yung suot! Nakabukas yung dalawa butones tapos sobrang ikli ng palda. Tumingin ako sa ibang staff, pero di naman ganun kahapit yung suot nila.
"Goodevening, sir...do you need some help?" Malandi niyang sabi. At ito namang si Jiyong,
"Ah, yes..." tapos talagang lumayo pa sila para mag-usap. Naiinis talaga dun sa babae, ang kati kati niya! Ang sarap ihiwalay ng kaluluwa sa katawan tapos sakalin!
Sa inis ko, lumapit ako kay Jiyong at marahas na kinuha yung cup noodles na hawak niya. Halatang nagulat sila pero wala akong pake. Ako na ang nagbayad sa counter nung dalawang cup noodles. Naglalakad na ako pauwi kaya lang hinila ako bigla ni Jiyong.
"Let's eat here." Labag man sa loob ko dahil bilang PA, trabaho ko na sundin siya, err...alagaan siya, at protektahan mula sa mga ssasaeng fans.
Tahimik lang kaming kumain. Ayoko siyang kausapin saka di ko naman alam kung anong dapat kong sabihin kaya kumain na lang ako. "Let's buy some stocks too." Napatingin ako sa kanya at tumango.
Nauna siyang natapos kumain kaya siya na din ang bumili ng iba pang pagkain. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang kinakatakutan ko.
"Si Jiyong ba yun?"
"Oo nga no! Kahawig niya, teka bye picturan natin!"
Nakarinig na ako nang mga flash ng camera at dumami pa lalo ang bulungan. Kahit badtrip ako kay Jiyong, naglakas loob pa din akong protektahan siya. Nilugay ko ang buhok ko para matakpan ang buhok ko habang naglalakad ako papunta Kay Jiyong na hanggang ngayon ay walang kaalam-alam sa nangyayari.
"What the---!" Di na niya natuloy dahil tinakpan ko ang bibig niya. "Nakikilala ka na dito. Alis na tayo. Ako na lang ang bibili sa susunod." Nagulat ako nang tanggalin niya ang cap at mask niya at pinasuot sa akin.
"J-Jiyong..."
"You said, they've already found out. There's no sense if I'll continue to cover my self." Tapos niyakap niya ako at tinago mula sa mga tao hanggang sa makarating sa kami sa kotse niya.
"Baka mapagalitan ka ni YG? Lagot...sorry,"
"It's okay. Issues are always there when you enter the world of showbusiness."
Alam ko, kaya ka nga nakipaghiwalay diba? Dahil sa mga issues? Alam ko, Jiyong. Alam ko.
Aist! Ano bang iniisip ko? Tama na nga!
"Ihinto mo."
"Huh?!"
"Ihinto mo. Baba na ako." Sabi ko. Inihinto niya yung kotse pero di niya ako pinababa.
"Where are you going?" Tanong niya. "Uuwi na ako," sabi ko. "Magpapasundo na lang ako kay Dara. Sige na, ingat ka na lang pag-uwi." Di na siya nagsalita kaya naman bumaba na talaga ako. Umalis na din siya.
Tinext ko na si Dara para sunduin ako. 5 minutes lang bago siya dumating.
"Hindi ka hinatid?" Tanong sa akin ni Dara pagka-sakay ko.
"Ako ang bumaba," walang gana kong sagot. Pagod na rin ako.
"Bakit naman?" Tanong niya ulit.
Umiling ako bago sumagot. "Wala lang. Wala ako sa mood na makasama siya." Tapos pinikit ko na ang mata ko para matulog.
"Yun lang ba talaga? Baka naman..."
"Dara...." pagbabanta ko. Narinig ko siyang tumawa nang mahina bago nagsalita ulit. Mga salita na tumatak sa isip ko.
"Mahihirapan ka lang kapag kinimkim mo. Aminin mo na kasi. Mahal mo pa siya hanggang ngayon.....pero di na yun pwede, Chae. Kalimutan mo na siya. You need to move on. No, you SHOULD."
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)