Kanina pa ako pa gulong- gulong sa kama ko pero di parin ako makatulog. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na hindi ako makatulog, maraming beses na itong nangyari sa akin.
"Ugh" bumangon ako sa kama ko at pumunta sa closet ko at kinuha ang hoodie jacket ko at sinuot ito.
Hindi naman siguro magagalit si mama neto? Tsaka isa pa wala naman siyang sinabing wag akong lumabas ng bahay ng madaling araw. Ang sabi niya lang kasi ay wag akong lumabas ng bahay tuwing gabi.
2:40 am yan ang oras ngayon ng mabilis ko lang pinasadahan ng tingin ang wall clock ko sa silid ko so basically hindi na ito gabi kundi umaga na. Hahahahaha..
Siguradong nanghihilik na sa sarap nang tulog si mama ngayon. Dahan- dahan kong pinihit pasara ang pinto, napayakap ako sa sarili ko ng umuhip ang malamig na hangin. Ziniper ko ang jacket ko paitaas at nagsimula nang maglakad sa kalsada ng subdivision namin.
Bukas pa naman ang ilang mga street lights dito kaya wala akong problema sa dilim. Plano kong pumunta sa 7/11 na nasa kabilang kanto ng subdivision.
Di naman kami mayaman na mayaman talaga, may isang restaurant na pinapatakbo si mama, yung restaurant na yun ay importante kay mama dahil ala- ala iyun ni papa sa kanya.
Regalo yun ni papa sa kanya noong unang anniversary ng kasal nila, pinaghirapan palaguin iyun ni papa kaya ini- ingatan talaga iyun ni mama. Dalawa nalang kaming natira ni mama kasi namatay sa car accident ang papa, binangga ng isang malaking truck ang kotse ni papa noong isang gabing umuulan ng malakas. Nawalan daw ng brake ang truck at masyadong mabilis ang pagpapatakbo neto kaya nahagip niya ang kotse ng papa ko. Sumabog ang kotse kasama si papa at yung truck ng magbangga- an ang mga ito.
At isa pa, wala naman kasi kaming mga family relatives, parehong nag- iisang anak ang mama't papa at ang mga lola't lolo ko ay matagal ng namatay.
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang nagsi taasan ang mga balahibo ko sa batok. At kakaibang lamig ng hangin ang naramdaman ko.
Napalingon ako sa likod ko pero wala akong makitang kahit na anong bagay na kakaiba, kaya nagpatuloy ulit ako sa paglalakad ramdam ko pa din ang mga balahibo kong nagsisita-asan.
"oh shitt" napatakip ako ng baba ko at dali- daling sumandal sa puno at dahan- dahang sumilip sa unahan bahagi ko.
Namilog ang aking mata sa mga nakikita ko, Kinusot- kusot ko pa ito at kinurot ang sarili ko para masigurado lamang na totoo ang mga nakikita ko.
Sa unahang bahagi ko nakatayo ang tatlong taong naka- itim na hood na parang mga cult people. Pero I doubt na mga tao ang mga ito dahil yung isa sa kanila ay merong pakpak..
Yeah right, pakpak as in an angel wings pero kulay itim lamang ang mga ito. At mas lalong namilog ang mga mata ko ng makitang may mga faint light na nagsisiliparan sa palagid nila na tila hinihigop ng dala netong scythe?. Holy beard of santa wag niyong sabihing mga kaluluwa ang mga puting liwanag na iyon at ang tagasundo ang nakikita ko ngayon??
Mamamatay na ba ako ngayon?? At bakit nakikita ko ang tagasundo ngayon?? Wag naman sana,..please ayaw ko pang mamatay di ko pa nakikita ang panganay ko. Di ko pa nakikita ang paglaki neto, ang mag ka anak eto, at ang magiging mga apo ko.. oh please... Dinadasal ko yan habang pinipikit ko ang mga mata ko.
Napatingin ulit ako sa kanila pero wala na sila sa pwesto nila, nilibot ko pa ang paningin ko pero wala na talaga sila. Chi- neck ko muna ang sarili ko kung kompleto pa ito at napa hinga ako ng malalim ng masiguradong buhay pa ako.
Umalis na ako sa pwesto ko at dali- daling bumalik sa bahay.. baka kasi bumalik ang tagasundo at sunduin na ako.. Di na ako tutuloy sa 7/11, baka kasi di na ako masikatan ng araw pag nagkataon.
Takbo ako ng takbo sa kalsada ng biglang umulan ng malakas, oh great.. ngayon pa umulan ng malakas na malapit na ako sa bahay namin.
Nakayukong tumatakbo ako sa kalsada at patawid sa daan ng biglang may rumaragasang kotseng tumatakbo sa pwesto ko.. Oh shiitttt.. sabi ko na nga ba at sinusundo na ako ni tagasundo dahil nakita ko siya kanina lang..
Napapikit ako ng mga mata ko at hinintay ang malakas na pagsalpok ng kotse sa maliit kong katawan.
Tumilapon ako ilang metro ang layo sa pwesto ko ng malakas na bumangga ang kotse, pumreno pa ito pero di na naabot at bumangga na ito sa akin. Nagpaikot- ikot ang kotse hanggang sa bumangga ito sa puno. Wasak ang unahang bahagi ng kotse at umuusok, wasak na din ang windshield neto.
Napahinga ako ng malalim ng marealize ko na nakikita ko ang nangyayari sa kotse na sa katunayan ay dapat na patay na ako dahil sa lakas ng impact neto.
Napabalikwas ako ng bangon sa cementong daan, at nanlalaki ang aking mga mata. Hala, baka naging isang kaluluwa na din ako. Tumayo ako ng mabilis...
"aw.." daing ko, napatakip ako sa baba ko ng marealize na masakit ang likod, balakang at likod ng ulo ko na parang nauntog lang.. Teka, diba ang mga kaluluwa supposedly ay wala ng mararamdaman na sakit kapag patay na??
Nanginginig na lumakad ako palapit sa kotseng sumalpok sa puno at nagsimula ng umusok, di pa ako nakalapit ay bigla nalang merong liwanag na lumabas sa katawan ng driver na nakayuko sa manibela at naliligo sa dugo.
Napa- atras ako ng marealize na kaluluwa ng driver ang lumabas, nanginginig na kinagat ko ang daliri ko.. ibig sabihin patay na ang driver.
Mabilis akong tumakbo papunta sa gate namin di kalayu-an sa pinangyarihan, tuloy- tuloy na tumutulo ang mga luha sa mata ko kahit na patuloy ko itong pinupunasan di ko na nga naramdaman na tumitila na ang ulan at nagsi labasan na ang mga kapit- bahay namin at naki- usyuso sa pangyayari.
Ilang minuto lang at may narinig akong sirena ng ambulansya at pulis. Siguro may tumawag sa kanila, pero napapailing na lamang ako dahil kitang- kita ko pa din ang kaluluwa ng driver na lumilipad- lipad sa paligid na parang maliit na bolang liwanag.
Napa atras ako ng makitang tumingin sa direksyon ko ang isang pulis o akala ko lang na nakatingin ito sa akin, tumibok ng mabilis ang puso ko at nanginginig na pumasok sa loob ng bahay na halos madapa na ako sa pagmamadali.
Mabilis kong sinira ang pinto at tumakbo papunta sa silid ko. Di ko na inisip na baka magising si mama dahil sa ingay ko. Hinawi ko ang kurtinang tumatabing sa bintana ko at sumilip sa pinangyarihan.
Nandoon pa din ang mga pulis at ilang mga residente. At patuloy pa din sa paglipad- lipad ang bolang liwanag.
Napaupo ako sa kama ko at napahilamos sa mukha ko, anong nangyayari sa akin? Una nakita ko ang tagasundo, ikalawa nabangga ako pero di ako namatay o talagang namatay talaga ako? At pangatlo nakikita ko ang kaluluwa ng driver, sigurado akong kaluluwa niya iyun dahil galing yun sa katawan niya at nakikita ko ang mukha neto..
BINABASA MO ANG
INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)
ParanormalDemons are literally powerful than humans and they are merely 10x stronger than a dozen of humans. They are also immortals, I mean how can you kill a demon if they are already spirits? - Bad spirits to be exact. They just turn into a smoke and vani...