Naalala ko pa kung pano tayo nagsimula. Grade 4 palang ako, transferee student at ikaw ay grade 6. yung mga panahon na lesbian pa ako, at dahil sa charisma mo kaya ako nagbago:). Nakakatuwa ngang isipin kase ikaw yung una kung crush, dun ko nasabi na totoo pala ang love at first sight. Nakita lang kitang naglalakad sa school nahumaling na agad ako sayo kamukha mo kase yung dream boy ko eh :)
Naalala ko, dalawang taon ang nakalipas kung pano tayo nagkakilala. Yun yung araw ng foundation day, one week before mag opening, magka team pa nga tayo nun, blue team :) nagpapractice kami for cheer dance then merong ihahagis at nakita mo na walang susupport kaya dali dali kang pumunta dun para saluhin tapos nasalo nyo nga ni kuya kevin yung babae ,then, yung paalis kana patalikod nun ang lakad mo hindi mo nakita na ta- tumbling kami tapos natamaan mo ako at yun ang cause ng pag out balance ko. Yung feeling na kahit ang sakit ng kamay ko pero natameme ako habang nakatingin sa maamo mong mukha habang buhat buhat mo ako papuntang clinic, halong kaba at kilig yung nadarama ko yung panahon na yun at dahil dun mas lalo akong nahulog sayo, at dahil dun nagsimula ang ating pagiging mag best friend.
Sa foundation day nag start ang lahat. Opening up to closing ng foundation day ikaw ang kasama ko. Alam mo yung sobrang saya? Damang dama ko yun yung araw na kasama kita. Sabi nga nila masaya talaga yung unexpected happening. Hindi ko akalain na yung isang varsity at heart robe ng campus magiging close ko makakausap ko, kase kala ko hanggang pangarap at part ka lang ng imagination ko pero ang bait ni god kasi yung pangarap ko binigay nya saken:) you light my world in my darkness side.
Tandang tanda ko pa yung araw na merong night party sa school tapos naka black dress ako nun at maraming 4th year ang naengganyo sa figure ng katawan ko dahil sa fit ng dress na suot ko at dahil doon binigyan ako isa sa kanila ng calling card for modelling. Binalewala ko yun kasi hinahanap ko yung presence mo sa party, nagstart na lang ang MC magsalita pero wala ka parin. Nagstart na ako mawalan ng pag asa sa mga araw na yun na di ka na dadating kaya kumuha nalang ako ng dessert at kumain mag isa sa garden. Habang nag eemote may narinig akong kumakanta ng Tonight by fm static isa sa mga favorite song ko noon kaya sumilip ako sa stage kung sino ang kumakanta kasi ang lamig lang ng boses at ang sarap pakinggan :) lahat ng banda naka wig at yung singer kamukha MO!, napalingon ulit ako nung marinig ko sa mga tiliian ng babae at sinisigaw ang pangalan mo dali dali akong pumunta sa harap at nagsimulang kiligin kasi nandyan ka:) pakshet! Mas lalo akong nailove sa boses mo. After a while, biglang pinatugtog yung it might be you tapos bigla akong nag tago sa c.r kasi tinutulak ako ng mga classmate at teacher ko sayo HAHAHA! Tapos ikaw na yung pumunta dun sa c.r tapos kinuha mo ako dun at dinala sa garden sinabi mo na dun mo nalang ako sasayawin para walang mangasar saakin at di ako mahiya. Alam mo ba yung mga oras na yun parang jelly na yung tuhod ko! Ang sweet mong friendship. Sana di ka magbago. Okay na ako kahit best friends lang tayo basta natatake advantage ko yung pagkakataon na makapiling ka :)
Naalala ko yung panahon na inaway ako ng classmate mo sampal at sabunot palagi ang abot ko sakanila dahil daw sa flirt, panget para maging close sayo. nasaktan ako, yung mundo kong punong puno ng panghuhusga pero nandyan ka para i-cheer up ako. Dahil sayo naging matured at natuto ako.
Yung mga panahon na ikaw yung naging tutor ko sa mga lessons na hindi ko maintindihan, ikaw yung dahilan kung bakit palagi ako pasado sa mga quizes at exams ko. Naalala ko pag nakaka kuha ako ng certificate o award sa mga napapanaluhan ko like writing essay, quiz bee ikaw yung umaakyat sa stage para pangaralanan ako kasi wala namang gagawa nun sakin kasi malayo ang parents ko -_- alam mo all in one kana eh. parang kuya ko kung mag salita, parang magulang kung mag alaga, parang boyfriend kung umasta at best friend kung mag advice. At napakaswerte ko dahil sayo.
Naalala ko yung nagalit ka sakin na para lang kitang papa HAHAHA kasi yung naglaro kami ng mga classmate ko ng black 123 tapos umakyat ako sa gilid ng foutain kaya nahulog ako tapos nadala ako sa clinic dahil sa mga sugat, tapos pinahiram mo ako ng p.e mo para may damit ako. nagalit ka that time kasi di ako nag iingat -_-
Tandang tanda ko pa yung meron tayong night camping at star gazing. yun yung araw na first heartache ko sayo :( nakita ko na sinusubuan ka ni ate Sarah ewan ang sakit para sakin na ang sweet nyong dalawa, maganda sya gwapo ka perfect:( tapos nakita mo ako sa gilid nagtatayo ng tent napansin mo na masama ang aura ko bigla kang nawala tapos pagdating mo may dala ka ng ice pop at siopao na favorite nating dalawa at dahil dun okay na ako.
Christmas party, ang gwapo mo sa suot mong polo shirt at pants, simple pero may dating. Niregaluhan mo ako nun ng stuff toy galing blue magic at ang regalo ko naman sayo nun bag na von Dutch na hanggang ngayon buhay pa.
Hindi ko makalimutan yung araw na sumali tayo sa isang contest exclusive for couples for valentine's day pero sumali tayo nun for trip only tapos sumayaw tayo nun ng SOLO by iyaz ang saya kasi nanalo tayo nun natalo natin yung mga totoong mag couple talaga, tapos yung prize pa natin cash at couple ring. Dali dali tayo pumunta ng 7eleven nun para bumili ng foods galing sa napalanunan natin ang saya lang. :)
Naalala ko yung panahon na pangalawang beses na nasaktan ako nung natopic natin about love at nasabi mong may mahal ka na at naghahanap ka na lang ng tiempo para masabi sakanya. Sobrang sakit para sakin yung mga binitiwan mong katagang iyon. Ayaw mo pang sabihin kung sino. Tinry kong umiwas sayo ng ilang araw kase ayoko ng mag assume pero nagagalit ka pag umiiwas ako :( para ng tinotorture yung puso ko pag tinotopic mo yun sakin pero pinapakita ko lang sayo na happy ako para sa feelings mo para sa girl na yun. 'ang swerte nya' yan lang ang katagang nasabi ko. 'hindi, mas maswerte ako kase alam kong hindi nya ako sasaktan'. Nagulat ako sa sinabi nya, puno ng katanungan yung isip ko kung sino ba yung tinutukoy nya NASASAKTAN NA AKO :( pero wala naman akong karapatan masaktan kase walang tayo isang lamang hamak akong BFF nya -_-
One week nalang graduation na.habang nag papractice di ako makaconcentrate dahil nasasaktan ako. Wala na din kaming time para magbonding. Busy na din kasi sya para sa laro nila. I feel upset for you. Wala naman akong cp para itext ka kasi bawal saakin. March 24 last day of practice. Pag punta ko ng school nagtaka ako bat wala pa mga classmates at teacher ko at nakita kita. Oo ikaw! May dala kang psp nag lalaro sa gilid at parang kung anong butterflies sa tyan ko at saya na nadadama nung makita kita. Nandun ka sa school para lang iinvite ako mag trinoma at nakapagpaalam ka na agad agad sa teacher ko. Ito yung first time kung gagala kasama ka. Pinunta mo ako sa Starbucks nag order ka ng java chips na favorite mo at naging favorite ko na rin. Dun ka umamin at nag tapat sa feelings mo........... SA AKIN! Unexpected na ako yung tinutukoy mo na matagal mo ng mahal. At umamin na din ako, sa feelings kong matagal ko ng nililihim sayo. Hindi na ako nag paligaw sapat na yung ginawa mo saakin sa araw araw para iparamdam na mahalaga ako. agad na kitang sinagot bat pa ako magpapakipot kung parehas natin mahal ang isat isa. Dun sa trinoma sky garden may puno doon at dun natin sinulat yung araw kung kelan kita sinagot na hanggang ngayon nandun pa at hindi kumukupas.
a
BINABASA MO ANG
untold story about us
Romanceang storya na to ay para sa mga hopeless romantic na hindi naniniwala ng forever. enjoy reading readers :) i hope you'll enjoy it :)