An open letter to my "one that got away",
(Mr DEPP)Tatlong taon.
Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng magkakilala tayo.
Tatlong taon na simula ng makapagtapos tayo.
Tatlong taon na sana "TAYO".
Oo, sana "Tayo" pa.Tatlong taon na ang nagdaan pero hanggang ngayon, naaalala pa din kita.
Namimiss pa din kita.
Tatlong taon na pero bakit pakiramdam ko lahat ng nangyari, parang kahapon lang?Tatlong taon.
Sa loob ng tatlong taon na yan, walang araw na hindi ko naisip na sana tayo pa din.
Madami akong gustong sabihin sayo.
Gusto ko malaman kung kamusta ka na?
Kung naaalala mo pa ba ako? Ang mga pinagsamahan natin?
Namimiss mo din kaya ako kagaya ng pagkamiss ko sayo?Tatlong taon na. Pero bakit hanggang ngayon, ikaw pa din?
Tatlong taon na. Pero bakit nakakulong pa din ako sa mga alaala mo? Sa mga alaala nating dalawa?
Sinubukan ko magmahal muli.
Sinubukan ko buksan muli ang puso ko para sa iba.
Pero sa pagtatapos ng araw, sa pagsapit ng gabi, sa oras ng aking pagtulog,
Iba man ang kasama ko sa araw na yon,
Sa bandang huli, ikaw at ikaw pa din ung naiisip ko.Tatlong taon.
Tatlong taon na ang lumipas pero, ikaw at ikaw pa din ang una kong naiisip sa paggising at pagharap sa bagong umaga.
Ikaw pa din pala ang gusto ko makasama.
Ikaw pa din pala talaga.Tatlong taon na mula ng naging tayo.
At tatlong taon na din mula ng iwan mo ako.
Oo, buwan lang ang itinagal ng relasyon nating dalawa.
Pero, sa mga buwan na yun, hiniling ko na sana hindi na lang yun matapos.Tatlong taon na mula ng magdesisyon kang maghiwalay tayo.
Naalala mo ba ung sinabi mo noon ng hinatid mo ako sa amin? Nung araw na naging tayo?
Hawak mo ang aking mga kamay na parang ayaw mo ng bitiwan.
At sabi mo, palagi ikaw ung iniiwan. Ikaw ung binibitiwan.
Pero sa kaso nating dalawa, ikaw ung nang-iwan.
Oo. Ikaw ung unang bumitaw.Naalala mo ba? Nung mga oras na yon habang magkahawak tayo ng kamay?
Habang sinasabi mo sa akin na ikaw ang iniiwan? Na ikaw ang binibitawan?
Naaalala mo ba ung sinabi ko sayo?
Na hindi ako nang iiwan.
Na kahit anong mangyari, di ako bibitaw.
Kasi alam ko ang pakiramdam ng maiwan at masaktan. Kaya hindi ko un gagawin.Habang magkahawak pa tayo ng kamay noon, sabi mo,
"Tingnan mo oh? Sa kamay pa lang natin, parang gusto mo ng bumitaw.."
Sinagot kita noon, at ang sabi ko,
"Nakahawak pa din ako sa kamay mo pero ikaw, unti unti mong niluluwagan ang pagkakahawak mo. Hindi naman ako bibitaw, unless, sasabihin mo"..Pagkatapos nung usapan natin na yon, hinawakan mong muli ang kamay ko.
At mas hinigpitan pa ang pagkakahawak mo dito.
Hanggang sa makababa ako ng bus at makauwi ako.Pero, anong nangyari?
Bakit kailangan umabot sa puntong ito?
Oo, alam ko ang rason mo.
Pero, naisip mo ba kung gaano kasakit na maiwan?
Maiwan ng taong akala mo hindi ka bibitiwan?
Paulit-ulit na lang ba na ako ung maiiwan?Ang sakit.... Sobrang sakit.....
Yung sakit na dinulot mo, dala dala ko pa din hanggang sa ngayon.
Sa lumipas na tatlong taon, walang nagbago.
Ikaw pa din ung gusto ko.
Ikaw pa din ung nilalaman ng puso ko.
At, Oo. Ikaw pa din ung mahal ko.Tatlong taon na. At masaya ako para sayo.
Naabot mo na ung pangarap mo.
Ung rason kung bakit iniwan mo ako.
Oo, naiintindihan ko.
Hindi ko hinadlangan ang pangarap mo.
Kasi, yan ung matagal mo ng gusto.
Pero sana sinabi mo.
Sana sinabi mo, na hindi ako kasama sa mga pangarap mo.
Sana hindi ako umasa.
Sana hindi ako nasaktan ng ganito.Tatlong taon.
Sa tatlong taon na yon, umasa ako.
Umasa ako na baka sakaling, may magbago.
Na baka sakaling, pag hinintay kita, bumalik ung dating "tayo".
Pero malabo na. Sobrang labo na.
Masaya ka na. Masaya ka ng walang "ako" sa buhay mo.
Masaya ka na kahit na ako patuloy na nasasaktan at umaasa sa wala.Tatlong taon.
Siguro, tama na ang tatlong taong paghihintay sa wala.
Tama na ang tatlong taon na pagpapakatanga sa taong hindi naman ako naaalala.
Tama na ang tatlong taon na pagiging masokista at pagiging martir sa taong hindi marunong magpahalaga.
Tama na. Nakakapagod na.Tatlong taon.
Sa loob ng tatlong taon na yan, minahal kita kahit alam kong hindi na tayo.
Kahit alam kong hinding-hindi na pwedeng maging tayong muli.Tatlong taon.
Gusto ko magpasalamat sayo.
Sa pagiging bahagi ng buhay ko.
Sa mga alaala natin na siguro hanggang doon na lang.
Hanggang alaala na lang talaga.
Salamat.Tatlong taon.
Sa ikatlong taon, ngayon, pakakawalan ko na ang sarili ko.
Pakakawalan ko na ang sarili ko sa mga alaala ng kahapon na dulot mo.
Pakakawalan ko na ang puso kong nakakulong pa din sa nakaraan na ikaw ang kasama ko.
Siguro nga, hanggang doon na lang tayo.
Siguro nga, yun na ang ending ng storya nating dalawa.
Siguro nga, hindi para sa atin ung "happy ending".
Siguro nga, wala na.
Wala na talaga.Tatlong taon.
Sa loob ng tatlong taon, ngayon na siguro ang takdang panahon.
Ang tamang oras, para sabihin ko sa sarili ko,
Na tama na. Bitaw na. Tapos na.
Tinatapos ko na. Bibitawan na kita.
Bibitawan ko na ang kaunting pag-asang nakita ko nung huli tayong nagkausap.
Pinapalaya ko na ang sarili ko sa mga masasayang alaala nating dalawa.Tatlong taon.
Sa huling pagkakataon.
Sana mabasa mo toh.
Sana malaman mong ikaw ang tinutukoy ko.
Tandaan mo, palagi kang may espesyal na lugar sa puso ko.
Salamat sa lahat.
Sa huling pagkakataon, sasabihin ko sayo,
Mahal pa din kita pero paalam na.© Ms SAD