No LABEL

594 22 0
                                    

"Ano nga ba kasi talagang meron sa inyo, Julie?" Tanong ni Lannie, isa sa mga classmates ni Julie. They're having their group review.

"Ha? Nino?" Julie asked, confused.

"Sus, sino pa ba? Si Elmo!" Sagot ni Julius.

"Elmo na naman? You know the answer naman na guys. We're friends." Julie answered.

"Oh c'mon, dont fool us, Ja. Tayo-tayo lang naman ang nandito, so tell us, kayo na ba?" tanong ni Rica.

"Guys, hindi. We're just friends. Close friend. Yun lang" pagdedepensa ni Julie.

"Pero hindi yun ang nakikita namin sa inyo. Hindi lang friends." Sagot naman ni Lannie.

"Okay. You tell me guys, ano ba nakikita niyo sa amin?" Panghahamon ni Julie sa mga kasama.

"Iba kasi yung closeness niyo. No doubt, close ka talaga sa mga mates natin pero iba yung nakikita namin between you and Elmo." Ani Pearl.

"Simple lang yung mga act niyo pero may something talaga eh. Na kapag nag-uusap kayo, iba. Na parang may sarili kayong language. Yung mga tinginan niyo sa mata. Ngitian niyo. Iba. Imba!" Mahabang litanya ni Lannie. Ito kasi ang madalas na nagmamanman sa dalawa.

"In short, may SPARK! Yieee" malanding react ni Elie, ang girlalush sa grupo, with matching palakpak and puppy eyes pa.
Sabay-sabay na tumawa ang grupo. Ngunit hindi pa rin doon natatapos ang pang-iintriga ng mga ito sa kanya.

"And you know what? Madalas ko siyang mahuling nakatingin sayo. Tapos kapag lilingon ka na, kikindatan ka niya. Sus, umamin ka na." Sabay sabay na naman na naghiyawan ang grupo sa sinabi ni John,except kay julie na namumula na.

"Stop na guys. Wala talaga, promise. Siguro, di pa talaga kayo sanay sa amin. Ganun na talaga kami since then. We knew each other before pa tayo nagcla-classmates. We are just friends, thats it. So please, stop throwing questions to me. Review na lang tayo." Paliwanag ni Julie sa mga kasama.

"Last question," wala pa ring paawat si Lannie, "pero kinikilig ka?"

Napaface palm si Julie bago sumagot. "Sa kanya? No. Siguro kapag tinutukso lang kami sa isa't isa, syempre babae ako. di naman maiwasan kiligin but I already set my limits. Hanggang dun lang yun. Alam ko kasi di pa naka-move on yun sa ex niya eh" sagot ni Julie at nginitian ang mga classmate niya.

"Awww"

"Ahh"

"Aray ko po"

Iba-ibang reaction ng mga kasama niyo.

"Ano ba guys! Tama na nga. You know, mahirap ma-fall kung alam mong walang sasalo sayo, so habang maaga pa, know your limitations. Tama nang kiligin ka lang. Tsaka, wala pa sa vocabulary ko yang mga ganyan. Studies muna. Lapit na tayong grumaduate oh." pag amin niya sa mga kasama. "And, sanay naman na kami sa mga pangpu-push niyo samin. Hinahayaan na lang namin kayong kiligin. Hahahaha" hindi na sumagot ang mga kasama niyo. Ngumiti na lang ang mga ito and pinagpatuloy ang pagrereview.

Julie Anne San Jose and Elmo Moses Magalona are fourth year college students taking up Business Administration Major in Management Accounting. They are classmates since first year and friends since high school days. They are not best of friends, but they are close friends. Julie is the closest girl to Elmo and vice versa.

They were known as the Pambansang Loveteam of the class. At first, it felt awkward for the both of them but eventually, they got used of it.

- - - - - - - - - - -
"Sama ng tingin natin sa kanila ah" nagulat si Elmo sa biglang pagsulpot ni Nico sa tabi niya.

No LABELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon