Chapter 12 - The Rabbit Porcelain (The Birthday Celebration Part 3)

8 1 0
                                    

*Chapter 12 - The Rabbit Porcelain (The Birthday Celebration Part 3)*

*CLANK*

Bigla akong napatayo pagkarinig ko ng tunog na nabasag banda second floor ng bahay.

Oh no... Sigurado akong si Yujin ang may gawa nun! Ano naman kaya yung nabasag niya dun?

Dali-dali akong umakyat ng hagdan nang biglang may humawak sa'kin. Si Clarence pala. Nilingon ko ito.

"Hindi kita hahayaang umakyat papunta dun."

Napakunot-noo ako sa sinabi ni Clarence, "At bakit naman? Titingnan ko lang kung anong nabasag sa may guest room." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagpatuloy ako sa pagakyat ng hagdan pero hinawakan na naman niya ako sa braso.

"Babe, huwag ka nang pumunta. Ako na lang para kung sakaling may masamang loob na nandun sa loob ng guest room, hindi ka niya masasaktan." Tumingin siya sa'kin ng puno ng pagaalala.

Hay naku, Clarence. Ako ang mas nagaalala sa'yo na kung sakaling makita mo si Yujin sa loob, baka himatayin ka bigla...

"Walang tao dito at mas lalong wala masamang loob na papasok sa bahay bukod sa'ting dalawa. Kaya, doon ka muna sa sala at ako na lang ang pupunta dun, ok?" Paliwanag ko dito.

"Sige, ganito na lang. Sasamahan na lang kita papunta sa dun, ok?"

"Ano?! Hindi pwede!" napalakas na sabi ko dito. Paano na lang kung makita niya si Yujin? Lagot na!

"Bakit naman hindi? Babe, baka may mangyaring masama sa'yo. Sasamahan na kita. 'Wag ka nang makulit." Sabay ngiti pa nitong si Clarence.

Sa ating dalawa, ikaw ang makulit...

"Hindi, kaya ko na 'to. Balik ka na muna sa-----"

Biglang tumunog yung phone ni Clarence.

"Babe, wait for me here. 'Wag kang papasok dyan hangga't di mo ako kasama, ok?" Before he leaved, he kissed me on the forehead.

I touched my forehead...

Oh no... Hindi talaga ako makapaniwala sa confession niya...
Napailing na lang ako. Mamaya ko na lang isipin yung Clarence na yun.

Pumasok na ako sa guest room kahit binilinan ako ni Clarence na hintayin muna siya.

Nanlaki yung mga mata ko sa nakikita ko ngayon, "A-anong nangyari?" hindi ko mapigilang magsalita sa nakikita ko ngayon.

Ang linis...

Sobrang linis...

Walang bubog...

Walang tao, I mean, exotic creature...

As in, wala...

Dito ko lang siya iniwan. Dito rin galing yung tunog na parang may nabasag.

"Babe! I told you not to go in there without me." Bigla na lang sumulpot si Clarence sa tabi ko.

I just can't understand it. So, saan ko iniwan yung Self-proclaimed Guardian ko?

"Nasaan yung magnanakaw? Nakita mo?" tanong niya sa'kin habang iniinspeksyon niya ang buong paligid ng guest room.

I'm very sure na dito ko siya iniwan at dito ko rin narinig yung tunog...

Nilapitan na ako ni Clerence, with a worried face, "Babe? Are you ok? Is there something wrong?"

Yes, there is... "Ahh... Ehh... Wala. I mean, guni-guni lang siguro natin yung narinig natin kanina."

"I think so, too. Wala kasi akong nakita bubog dito o kaya any object na nahulog."

Biglang humangin ng malakas dito sa kwarto, hangin na galing sa bukas na sliding window ng guest room. And Clarence went to the window and closed it.

"I think, natumba lang nang hangin yun bagay na nahulog." Ngumiti lang sa'kin si Clarence.

I smiled back, "Yeah.. Siguro nga." Tumingin ako sa wrist watch ko, "Let's go. Baka ma-late pa tayo sa schedule natin."

Napatingin din siya sa wrist watch niya, "You're right, let's go?"

Tumango na lang ako at unti-unti kong sinarado yung pinto.
Dinala ko yung mga gamit ko na nasa sofa at ni-lock mabuti ang pinto ng bahay bago sumakay sa kotse ni Clarence.

Habang nasa byahe kami, Clarence suddenly broke the silence. "Medyo malayo yung bahay mo, at wala ka pang kasama dun. Ayaw mo bang kumuha ng katulong?"

"May katulong talaga ako, kaso nag-leave muna siya kase dinalaw niya yung kapatid niya na may-sakit sa Mindoro. But I'm fine kahit na wala akong kasama sa bahay ngayon. I can manage naman eh."

"I see. Pero from now on, if something serious happen, just call me, ok?"

Napatango na lang ako kahit na space-out ako ngayon at tumingin na lang sa may bintana ng kotse.

Bintana...

Napakunot-noo ako, at may bigla akong na-realize.








Nawawala yung rabbit porcelain sa may bed-side table ng guest room.



___________________________________
Kumiko the Witch's CURSE:

Hihihi!
Ehem, I know.
Nababaliw na ang cute na mangkukulam na 'to. Why?
Kase po bigla na lang akong nag-update dito sa Kitsune, imbes na yung main priority ko which is MSIAG.
Why?
Well, like what I've said, nababaliw na talaga ako. Hihihi!

Alright, trip ko lang talagang i-update ito kahit na walang sense yung chappy na 'to. Pabayaan niyo na, at pagpasensyahan niyo na.

reinmiracle <---- siya po ang sisihin niyo kung bakit na divert yung attention ko sa pagupdate ng ibang story. Hahaha. *wink*
Thank you pala, dahil pinaalala mo na may iba pa pala akong stories na sinusulat. Hahaha. Komawo, Ma 😉

____________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kitsune [ON-HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon