Disclaimer: This short story came from author's idea and imagination. Any character's name, places, situation are fully fictitious. (Ps. Pictures came from pinterest.)
Coleen POV.
"Badtrip! Kahit kailan talaga self hindi mo maiwasang hindi makipag daldalan sa katabi."
Nagwawala ako sa loob ng Science Laboratory namin habang nakaupo sa sahig. Bwisit naman kasi e, kung alam ko lang na nakatingin pala yung prof. namin sakin kanina edi sana nasa bahay na 'ko nakahiga at nag f-facebook. Padabog kong nililigpit yung mga upuan ng biglang may narinig akong nabasag.
*SPLASH*
Bumalik ang thoughts ko sa nabasag na cylinder sa bandang kaliwa ko. Agad naman akong napatingin doon. Hindi ko alam pero bigla 'kong kinabahan.
Tinignan ko ang relo ko, it's already 8:30 pm. Kanina pang 7:30 pm labasan namin.
Mahigit isang oras na pala ako dito sa science lab. Tumayo ako at tinangkang lumapit kung saan nahulog yung cylinder.Dahan dahan akong yumuko at isa isang dinampot ang mga piraso ng cylinder na nabasag at nilagay sa tissue.
*FOOTSTEPS*
Biglang napaderetsyo ang katawan ko at tila naninigas sa sobrang kaba. Napalunok ako at napatingin sa may reflection ng salamin. Jusko lord! Ayoko na!
Dahan dahan akong tumingin sa likuran ko kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula. Sa pag lingon ko, napasigaw ako ng malakas sa lalaking nasa harapan ko.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Halos mabingi ako sa sarili kong sigaw. "Wag po!wag niyo po akong papatayin marami pa po akong pangarap sa buhay. At tska g-gusto ko pa pong maka experience ngㅡng basta SPG e! please po yung mama ko mag isa na lang siya huhu pag nadedbol ako wala na siyang cute na anak na makakasama hanggang pag tanda."
"Ano ba'ng pinag sasabi mo??"
Nagulat naman ako sa nag salita at agad agad na napamulat. Tao?
"Tao ka??" Nilapitan ko siya at sinundot ang tiyan. Napahawak siya sa katawan sa gulat sa ginawa ko. Okay. Confirmed! Tao nga. Thank you lord, hindi ko pa oras.
After ko mahimasmasan, naalala ko mga pinag sasabi ko. Bigla naman nag init ang pisngi ko sa hiya.
"Anong ginagawa mo dito? Anong oras na ah." Malumanay na tanong niya sakin.
"Ano kasi uhhㅡinutusan ako ng prof. ko na ayusin ang mga gamit dito." pag sagot ko habang dinadampot ng dahan-dahan ang bubog sa lapag.
"Ahh. May kasalanan ka no?" Sumandal siya sa lamesa at nag cross arms. Napangiti lang ako ng pilit at tska tinapon sa trashbin ang hawak kong bubog na nasa tissue.
"Wait!" Pag habol ko sa kanya palabas ng laboratory at pinatay ang ilaw.
Habang nasa hallway, tahimik lang kaming nag lalakad. Patingin tingin ako sa paligid dahil medyo nakakatakot. Dumikit ako ng bahagya sa kanya at medyo nagulat dahil ang lamig niya.
"Ang lamig mo naman, may sakit kaba?" Pag tatanong ko. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.
Tinitigan niya lang ako at sumenyas sa left side. 'Andito na pala kami sa labas ng school.
"Uhh, Thank you sa pag sabay palabas ng school. Pasensya ka na sa mga nasabi ko kanina." Napakamot ako sa batok sa hiya at minura ang sarili sa hangin sa kahihiyan.
"Okay. Bye." Tinalikuran na niya ako.
"Ako pala si Coleen!" Pag sigaw ko. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Soulmate
Short StoryWARNING: THIS IS A TWO SHOTS STORY. A story of a girl Coleen who met a guy Shaun under the waiting shed one rainy afternoon.