Chapter SEVENTEEN: The Unexpected Guest
Habang kumakain kami ay pansin ko na nagiging magaan na rin ang loob nina Fuma at Sonia sa isa't isa..
"Parang ang hirap ng sitwasyon mo noh?" bulong sakin ni lider at tinignan ko lang siya na may halong pagtataka.."Kahit hindi mo sabihin sakin o sa kahit na sinong tao sa loob ng cottage na toh'.. May nararamdaman ka talaga kay Fuma, tama ba?"
"Wala.." matipid na sagot ko.
"As I've always expected, undenial prince.." sambit niya sabay subo ng isang kutsarang kanin.
"Ako? Undenial??! Prince pwede pa!" biro ko't natawa na lang kaming dalawa.
"Fuma, wag kang masyadong kakain ng mga makeso o creamy baka tumaba ka nyan'.." narinig kong sambit ni Sonia't panay tango naman si Fuma.
"Eh ito?? Pwede?" tanong ni Fuma sabay taas ng chicken.
"Yung laman pwede pa, pero wag yung balat.." sagot ni Sonia.
"Pwede silang magkapatid.." bulong naman ni Junior sakin.
"Mga bubuyog ba kayo??" tanong ko't nagkatinginan sina JB't Junior.
"BAKIT??"
"Bulong ng bulong kayo sakin eh?!!"
"Guys may videoke dun!" bulalas ni Bambam.."Kantahan tayo!"
"TARA!" sigaw ni Youngjae at nagsipuntahan na nga silang lahat sa videoke.
Nakinuod na lang ako sa pagsasaya nilang lahat habang kumakain..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang makaramdam na ko ng pagkabusog ay naisip ko munang maglakad-lakad para bumaba ang kinain ko..
Hanggang sa nakarating na nga ako sa may dalampasigan. Napapikit na lamang ako sa sobrang sarap ng simoy ng hangin..
..
...
"Nalulungkot ako.."
Napalingon ako bigla sa likod ko't nadatnan si Fuma..
"Bakit ka naman nalulungkot?" tanong ko't dahan-dahan siyang lumapit sakin.
"Mark.." sambit ni Fuma sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.."Nararamdaman kong malapit na kong umalis.."
Natigilan ako sa mga sinabi niyang yun..
"Gano' kalapit?" tanong ko't bigla niya kong niyakap ng mahigpit.."Fuma.."
"Wag ka munang gumalaw..Gusto pa kitang yakapin.." sambit niya.
Hindi nga ako kumilos ng mga sandaling yun. Ang tanging alam ko lang ay niyayakap ko din siya pabalik..Maya-maya pa'y siya na rin mismo ang bumitaw sa pagkakayakap sakin..
"Babalik na ko sa resort kuya.." nakangiting sambit niya't napatango na lamang ako.
Habang naglalakad siya papalayo sakin para bang bigla akong nakaramdam ng lungkot..
BAKIT PARANG MAY MALI??..
Pero ano ang mali?..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Dahil nauna nga sakin bumalik si Fuma ay mag-isa akong dumating sa resort..
Nadatnan ko si Sonia na nakaupo sa isang bench. Nagkangitian kami't agad naman akong umupo sa tabi niya..
"Babe.." sambit ni Sonia't napalingon ako sakanya.."Masaya ka bang kasama ako?"
"Oo naman.. anong klaseng tanong yan??" natatawang sagot ko't bigla siyang tumahimik.."May problema ba tayo Sonia??"
Huminga siya ng malalim sabay tayo.."Sabihin mo lang sakin Mark, kapag handa ka ng magpakatotoo sa sarili mo.."
Natigilan ako sa mga sinabi niyang yun..
ANO BANG IBIG NIYANG SABIHIN??..
Ngumiti siya na may halong pangingilid ng luha't napatayo na lamang ako sabay lakad palapit sakanya..
PERO..
"NO!"
"Sonia ano bang nangyayari sayo??" naguguluhang tanong ko.
"Hindi ako ang may problema Mark.. IKAW.." sagot niya sabay lakad palayo saakin.
Ano ba talagang nangyayari??..
"ANO BANG NANGYAYARI SA MGA BABAENG TOH?! Kanina si Fuma, ngayon naman si Sonia?!" inis na bulalas ko't napaupo na lamang ako sa bench.."Masisiraan na talaga ko ng bait!!ASAR!"
..
...
"Tinatanong pa ba yan?.."
"Jackson??" gulat na sambit ko.."K--kanina ka pa ba dyan'??"
"Sinundan ka namin ni Sonia sa beach at nakita namin kayong magkayakap ni Fuma.." sagot niya sabay lakad palapit sakin.
"Mali kayo ng iniisip!" apela ko't bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko.
"Mali nga ba?" bulong niya't natigilan ako.."Sino ba talaga ang mahal mo Mark? At sino ba talaga si Fuma sa buhay mo?"
"Jackson.."
"Alam kong madami na kong kasalanang nagawa pero kasalanan din ang magmahal ng higit sa isa, di ba?" seryosong sambit niya.."Ngayon, pinagbibigyan ka na ni Sonia ng pagkakataong pumili..Pag-isipan mong mabuti.."
YOU ARE READING
FUMA027
خيال (فانتازيا)FUMA027 by yamadarie Mark Yuan (normal teenage boy) suddenly meets a girl with a very mysterious identity, Fuma (whom he believed is an alien or what he calls UFP: Unknown Foreign Person) in a bridge. He is bound to help her to fixed ten peo...