Chapter NINETEEN: Forbidden Love
Nang umaga ring yun ay nagcelebrate kami para sa tagumpay ni Bambam..
Itinaas ni JB ang isang basong softdrink.. "Para sa bunso nating malapit ng maging teen idol.."
"CHEERS!!!"
"Guys.. hayaan nating mag-speech muna si tiyanak!" bulalas ko.
"TAMA! TAMA! TAMA!" sigaw naman ni Junior na panay ang higop ng buko na may straw.
"BAMBAM!! BAMBAM!!"
Agad namang tumayo si Bambam at nagsitahimik naman kaming lahat..
"Unang-una sa lahat guys, gusto ko lang magpasalamat sa 100% na suportang binibigay niyo. Alam ko namang naririndi na kayo sa pagbubroadcast ko na gusto ko talagang maging artista since birth pa.." sambit niya't nagtawanan kami.."Pwera joke, thank you talaga sa pasensya.."
"SUS! Since birth pa lang nasense ko ng makakakilala ako ng isang tiyanak na katulad mo.." biro ni Yugyeom.."Prepared na ako tol.."
"Natouch ako dun ah??" pabirong sagot ni Bambam.."At siyempre, thank you kay Lord. Kasi dininig niya na yung prayers ko na mag-artista.. THANK YOU LORD! I LOVE YOU!""THANK YOU LORD!" sambit namin at sabay tingala sa langit.
(MGA GOOD BOYS PO TALAGA KAMI..Promise!)
"Siyempre sa anghel-- I mean mga anghel na gumagabay at tumulong saking makamit ang pangarap na toh!" sambit niya sabay tingin kay Fuma at saakin. MUKHA NA BA AKONG ANGHEL??! HAHAHAH! (di nga?!)
"PALAKPAKAN!" biglang sigaw ni Jackson at nagpalakpakan nga kami.
"Kainan na!" sigaw ni Youngjae at napangiti na lamang ako.
"Ang saya naman natin.." sambit ko't napalingon silang lahat sakin.. "May mababait na nanay at tatay (ngumiti ako kina JB at Junior), may bumalik (ngumiti ulit ako kina Jackson at Yugyeom), may nadagdag sa grupo (nginitian ko si Youngjae),at bagong pamilya (gets na nina Fuma at Sonia yun)..AT NGAYON, magiging artista na ang bestfriend ko (sabay yakap kay Bambam).. Love you bro'.."
"Love you too bro!"
"AAAWWWW.."
"OKAY!!" biglang sigaw ko.."PARTY!PARTY!"
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya ay pansin ko na parang lumilipad ang isip ni Fuma??
OKAY LANG BA SIYA?!!Pasimple akong tumabi kay Fuma pero parang hindi ako pinapansin ng isang toh?! ANYARE??!
"Uuyy si Mark nagpapacute kay Fuma!" tukso ni Bambam at agad naman siyang binatukan ni JB sabay turo kay Sonia.
"Okay lang guys!" nakangiting sambit ni Sonia na tila nahalatang pinagtsitsismisan ng mga loko-loko.."Nagbreak na kami ni Mark"
Napatikom lang ako ng bibig..
"HUH??!" bulalas ni Bambam.."Kelan pa?! When? Where? How? Why?!"
Ngumisi lang si Sonia tumingin sakin at kay Fuma.."Mahal kasi ni Mark si Fuma.."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sonia.."WALA KONG SINABING GANUN??"
"M--mahal mo ako?.." naiilang akong lumingon kay Fuma.."Totoo ba yun Mark? Mahal mo ko?"
"Ahhhh guys.. ang awkward naman ata sa dalawang toh kung nandito tayo.." sambit ni Junior at sinenyasan ang iba na umalis muna sa cottage.
"Tara! Magswimming muna tayo!" sigaw ni Sonia't agad namang sumang-ayon ang lahat.
Tatayo na sana ako para sumama sa dagat nang bigla na lang akong pinigilan ni Jackson.. LOKO TOH AH?!!
"Wag ka ngang duwag?!" sumbat sakin ni Jackson at natigilan na lamang ako.."Tignan mo si Fuma.."
Napalingon ako kay Fuma na tahimik lang na nakaupo pero parang batang kinakalikot ang kamay..
"Please lang, maging honest ka na para matapos na toh?!" sambit ni Jackson sabay sunod sa iba.
..
...
At naiwan nga kaming dalawa ni Fuma na hindi man lang umiimik..
"Ah-- mga loko-loko talaga ang mga yun..heheh.." sambit ko sabay hawak sa batok.."Okay lang tayo di ba?"
Bigla siyang tumayo at naglakad palayo saakin..
"Fuma.."
Mabilis kong hinablot ang mga kamay niya't para kaming mga batang hindi makatingin ng diretso sa isa't isa..AYOKO NG GANITONG ILANGAN?!!
"Mark..k--kailangan ko ng matapos ang misyon ko.." sambit niya na hindi pa rin tumitingin sakin.."Bago pa ko tuluyang mawala sa mundo niyo.."
"Anung ibig mong sabihin?.." malungkot na tanong ko.
"Pakiramdam ko kasi.."
Tila nag-aalangan siyang ituloy ang sasabihin siya. Hanggang sa napansin ko na lang na lumuluha na siya..
"Fuma.."
YOU ARE READING
FUMA027
FantasíaFUMA027 by yamadarie Mark Yuan (normal teenage boy) suddenly meets a girl with a very mysterious identity, Fuma (whom he believed is an alien or what he calls UFP: Unknown Foreign Person) in a bridge. He is bound to help her to fixed ten peo...