Chapter TWENTY ONE: 143
Habang nagpapatuloy kami sa maha-mahabang biyahe ay naisipan naming magkantahan sa loob ng van..
"Bastat tayo'y magkasama, laging mayrong' umagang kay ganda!
Pag sikat ng araw may dalawang liwanag sa ati'y pag-asa.. WOAAAAHH!!!
Haharapin natin! Haharapin natin!
WAAAAHH!!"
(Mga frustrated singers po kami mga kaibigan..)
"Ang weird o'?!" sambit ni Sonia sabay turo.."Hindi naman umulan pero may rainbow??"
"Oo nga noh?!" manghang pagsang-ayon ni Junior.."Tara guys magpapicture tayo na may rainbow background!"
"GAME!"
Agad naman kaming nagsibabaan para magpapicture habang may bahaghari..
"Fuma, Mark.. kayo sa gitna tapos gawa kayo ng isang heart!" sigaw ni Youngjae na cameraman na cameraman ang dating.
"HUH?? Kailangan ba talagang may ganun?!" reklamo ko't bigla akong inakbayan ni Yugyeom.
"Ipakita mo sakanyang mahalaga siya habang nandyan pa siya.." bulong sakin ni Yugyeom.
"Oo nga! Kesa naman magsisi ka pa sa huli?!!" sabat ni JB.
"TSISMOSO SI LIDER O'?!!" sigaw ni Yugyeom.Maya-maya pa'y nagkanya-kanya ng pose ang mga loko-loko habang nasa gitna namin kami ni Fuma. Para akong engot na tinuturuan si Fuma gumawa ng kalahating puso gamit ang isang kamay..
"Ganito ba?" tanong niya sabay pakita ng kalahating puso.
"Oo ganyan nga..tapos ipagdidikit natin yung mga kamay natin.." sagot ko sabay dikit ng kamay ko.."TADAH! May puso na tayo.."
"Bakit siya tinawag na puso?" nagtatakang tanong niya sakin.
"Kasi hugis puso siya.." nakangiting sagot ko't bigla siyang napakamot ng ulo.
"Eh hindi naman ganyan ang hugis ng totoong puso di ba??"
"Makisama ka na nga lang?!!" masungit na sagot ko. WALA KONG MAISIP NA PALIWANAG!
"Opo.." nakangiting sagot niya sabay turo sa noo ko.."Nagsasalubong na naman yung dalawang kilay mo o?!!"
"WOW?!! Nagsalita yung hindi nagsasalubong yung kilay?!" sumbat ko't nagsalubong nga ang dalawang kilay niya.."O' kita mo na!"
"Ikaw kasi!!" bulalas niya't bigla kaming napatigil nang napansin naming walang umiimik sa paligid. ANYARE??!Napalingon kami sa iba pa naming mga kasamahan.. HINDI SILA GUMAGALAW?!!
"Pinatigil mo ba ang oras Fuma?" tanong ko.
"Hindi! Wala akong ginagawang kahit na ano.." sagot niya na tila naguguluhan sa mga nangyayari.
"Pero bakit hindi sila gumagalaw pero tayo gumagalaw??!"
"Hindi ko talaga alam Mark!"
Nang bigla na lang lumutang si Fuma!
"MARK!" natatakot na sigaw niya't agad kong hinablot ang mga paa niya.."Parang may humihila sakin pataas!"
"Hindi pwede!" sambit ko habang pilit siyang hinahatak pababa.
"Bumitaw ka na Mark! Madadala ka lang pataas!"
"PA--PAKE KO! Ugh! Eh di sasama na ko sayo! UGH!!"
Binibigay ko ang lahat ng lakas ko nang mga sandaling yun..
"HINDI KITA BIBITAWAN!"
"BITAWAN MO NA KO! MAPAPAHAMAK KA LANG SA GINAGAWA MO!" sigaw niya na tila naluluha na.."Bitawan mo na ko Mark.. pakiusap.."
"AYOKO!" naiiyak na sigaw ko.."AYOKONG MAWALA KA SAKIN!"
"Alam mo namang darating tayo sa puntong toh' di ba??!"
"DI KO KAYA..
..
...MAHAL NA MAHAL KITA FUMA!"
"Mark..""Mahal mo rin ba ko Fuma??!" tanong ko't bigla siyang lumuha.."Wag mo munang sagutin baka kunin ka na nila sakin!"
"MAHAL NA MAHAL DIN KITA MARK!"
"Wag mo sabing sagutin eh?!" naiiyak na bulalas ko.
Mas lalo pang lumakas ang pwersa! Hanggang sa naramdaman kong malapit na rin akong matangay!
"MARK!! BUMITAW KA NA!! MAMAMATAY KA KAPAG HINDI KA BUMITAW MARK!!"
Napapikit na lamang ako nang mga sandaling yun..Bahala na kung tangayin pa ko ng hangin!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang bigla na lang..
MAY NARAMDAMAN AKONG YUMAKAP SA LIKOD KO!
"Jackson??" nagulat na lamang ako nang makita kong nakayakap sakin si Jackson.
Nakayakap kay Jackson si Bambam..
Nakayakap kay Bambam si Sonia..
Nakayakap kay Sonia si Junior..
Nakayakap kay Junior si Youngjae..
Nakayakap kay Youngjae si Yugyeom..
Nakahawak sa damit ni Yugyeom si JB..
Habang pilit na niyayakap ni JB ang malaking puno gamit ang kanyang mga binti't isang braso..
"Walang iwanan hanggang sa huli.." sambit ni Jackson.
YOU ARE READING
FUMA027
FantasiFUMA027 by yamadarie Mark Yuan (normal teenage boy) suddenly meets a girl with a very mysterious identity, Fuma (whom he believed is an alien or what he calls UFP: Unknown Foreign Person) in a bridge. He is bound to help her to fixed ten peo...