Chapter 3 - My Blue Eyes baby!!

458 19 4
                                    

Jiro's POV

Nagulat ako nung makita ko yung babae kanina sa Chow King. Mas na-shock ako nung lumabas ng bahay si mama tapos tinawag yung babae ng Ryzelle. Ano bang nangyayari?? Wala akong maintindihan. Sabi ni mama sya daw yung susunduin ko sana?? Kaasar. Ibig sabihin itong loka-lokang 'to ang dapat sana eh sunduin ko?! Tapos pinaghintay nya ko dun nang dalawang oras?! Langya!

Ngayon naman pinagbuhat ako ng gamit nung Ry nayun. Ang sama din makatingin ng bruha palibhasa kasi probinsyana. Alam ko iniisip nya tingin nya sakin boy sa bahay. Tss. Hindi kasi marunong kumilatis nang tao eh. Sasabog nako sa pagka-inis sa kanya!! Narinig ko pang sinabi nya.

" Tita bakit ang bastos nung boy nyo? Hindi ata marunong gumalang sa amo eh. Ang sama pa makatingin..." sabi nung Ry.

Abat-! Tong babaeng to. Narinig kong tumawa si mama. Naman!! Ano ba 'to!! Bakit ba ako napagtri-tripan nila??!! POTEK!!

" May nakakatawa po ba sa sinabi ko Tita? " sabi ni Ry.

AMP TALAGA!! Ang sarap sapakin nitong babaeng to pasalamat sya't babae sya...Kung hindi kanina pa'ko hindi nakapagpigil na sapakin sya.

" Wala naman Ry kaya lang kasi....(giggles) Hindi boy dito si Jiro. Anak ko sya. Pasensya ka na kung medyo bastos syang magsalita bad-trip kasi yan ngayon. 'Wag kang mag-alala mabait naman yan. "

O.o <-- Ry's face

Shock yung mukha nya tapos namutla rin sya. Tss..'di siguro sya makapaniwala sa narinig nya kay mama. Tch. OA nya mag react 'di bagay sa kanya mukha syang ewan. Hahaha

" a-A-ahh. G-ganun po ba? P-pasensya na po kayo Tita medyo iba kasi features nya sa mukha eh..t-tsaka..blue eyes po sya. Pasensya na po. "

Malamang iba features ko kasi mas GWAPO ako kaysa kay papa noh? Tss. Ibang klase tong babaeng 'to. Na-utal pa syang magsalita. Ganun ba epekto nang ka-gwapuhan ko? Hahahaha. 

" Oh, no need to apologise iha. Okay lang yun sa papa kasi nya sya nagmana kaya ganyan features nang mukha nya. "

Nang makapasok na kami sa bahay umakyat kagad ako sa itaas para ilagay mga bag nya sa kwarto nya. Argh. Nangawit kamay ko ang bigat kasi. Nung bumaba nako nag-ke-kwetuhan parin sila. Lumabas nako nang bahay para gumala. Ayokong manatili dun masyado na kasing masikip.

Na-isipan kong pumunta 'kila Gian, pinsan ko sa side ni mama. Herrera ako eh, sa lahat nang hindi nakaka-alam hindi ko kilala ang tatay ko mag-isa akong binuhay ni mama. Ayoko rin syang makita baka maspak ko pa sya. Tss.

Ry's POV

Sobrang na shock ako nung malaman kong anak pala ni Tita Jazz si Jiro.. Na inakala kong BOY NILA!! Gosh! Nakakahiya kung ano-anong pinagsasabi ko kay Tita. Humingi ako nang tawad kay Tita kasi 'lam kong medyo na-offend sila sa sinabi ko. Nasa likod lang din kasi namin yung Jiro. Wala rin akong paki-alam sa ungas na yun. Bastos sya, wlang modo at higit sa lahat ang lakas mang-insulto.

Ang dami naming napag-kwentuhan ni Tita. May narinig akong nagbukas nung pinto, tingin ko lumabas sya. Alam ko na kung bakit yun lumabas... Mag-lalakwatsa. Nabigla ako sa sinabi ni Tita.

" Mag-lalakwatsa na naman siguro yun. Haaay naku. Talaga yung batang yun. "

See? Nanay na nung ungas na yun ang nagsabi LAKWATSERO yung lalaking yun.

" Baka naman po magpapahangin lang.. " sabi ko nalang.

" Ay! Naku hindi. Mag-lalakwatsa yun, pustahan. Mommy nya ko kaya alam ko ugali nung kumag na yun. "

'Di nako kumontra kay Tita kasi totoo naman. Pagkatapos naming mag-usap pumanhik nako sa kwarto ko. Ang lamig nang kwarto. Kinuha ko yung kumot tapos binalot ko yung sarili ko. Naramdaman ko nalang na bumukas yung pinto. Hindi ko na dinilat mata ko sa pag-aakalang si tita Jazz. Tumabi sya sakin. Naramdaman ko yung pagbagsak ng katawan nya.

Can't say &quot; I Love You&quot;[ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon