[Tiffanu's POV]
Pagkatapos ng competition, madami nang mga tao ang lumalapit sa akin... yung iba, binabati ako, yung iba nagpapa autograph, tapos yung iba, nagpapapicture. Hala sila!!! Mukang bumenta talaga yung sayaw namin ah... Ay
oo nga pala! Dianne got the 3rd place dahil sa pagkaka tumba niya... sayang nga eh. Ang galing pa man din niya dun. 2nd placer yung group ballet category namin, kami ni Rupert, 1st placer ang lola niyo! Hahaha!!! 3rd ulit kami
sa group choreography ang ako? Wala eh... I just won the
.
.
.
.
I WON THE FIRST PLACE MGA TSONG!!! WAHAHAHAHA!!!
Kaya nga madami na ding nakakakilala sa kin ngayon dito sa school eh... hehehe
Sa gitna ng pagmumunimuni ko dito sa lobby ng school, bigla na lang may nagtakip ng mga mata ko...
"Sino to?" kinapa ko yung kamay niya... panglalaki to ah... lam na kung sino to... tsss...
"Rupert?" tanong ko sa kanya. Eh siya lang naman kasi ang gumagawa sa akin niyan eh...
"Siya lang ba talaga ang lalaking gumagawa sa yo niyan?"
HALA!!! SI NATHANIEL PALA!!! Tinanggal ko agad yung kamay niya mula sa mga mata ko at humarap sa kanya... siya nga... at naka pout pa. Ang cute naman niya. Hehehe!!!
"Uy Nathaniel! Sorry na. Siya kasi madalas na gumagawa sa akin niyan eh..." explain ko sa kanya habang nakahawak ako sa braso niya. Pero... ngayon ko lang napansin na naka focus lang pala ang atensiyon ng mga tao sa aming
dalawa at this time, mga nakangiti na sila... ibig sabihin ba nito, tanggap na nila ang tandem namin? hehehe... Mediyo nahiya naman ako...
^///^
"So ibig sabihin, siya na agad gumawa sa'yo? Di mo man lang naisip na may manliligaw ka na din ngayon... tsss." pagmamaktol niya habang naka cross arms. Uy!!! Selos ba siya? kinikilig naman akoooo... ^///^
"Sorry na... ha... please..." pagmamakaawa ko naman...
"Ewan!" nakapout padin siya tas naglakad palayo sa akin... Naku naman... bakit kelangang nag papacute pag nagtatampo? Tumakbo ako para habulin siya at nang maabutan ko siya, hinila ko yung braso niya pero di pa din siya
huminto sa paglalakad... ni tingin, wala!
"Uy.. sorry na..." naks... wala talaga... ayaw man lang tumingin sa akin...
"Pansinin mo na ako oh... Please???" pagmamakaawa ko... kaso wa epek.
"Sige! Ano na lang gusto mo, bibigay ko pag kaya ko..." pagkasabi ko nun, huminto din siya sa paglalakad at humarap sa akin sa wakas!
"Talaga? kahit ano?"tanong niya sa akin habang ngiting ngiti...
.
.
.
.
.
.
HANG CUUUUTTTTEEEE!!! >__<
Manliligaw ko ba talaga to? Di ako makapaniwala!!! Hahaha!!!
Tumango na lang ako sa kanya as a response... Speechless ako sa kapogian niya eh...
"Ahmmm... Gusto ko, ipagluto mo ako." sagot niya... Ha??? Yun lang ba?
"Ha? Eh anong pagkain naman ang gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"kahit ano basta ikaw ang nagluto." sagot niya sa akin.
"Ngek! Di ka ba choosy sa pagkain?" tanong ko ulit. Malay mo di niya magustohan ang iluto ko... sayang naman diba?
"Hindi. Kahit ano kaya kong kainin lalo na kung galing sa'yo." sagot niya.
>///<
Bakit ba ang sweet pakinggan ng mga salitang iyon? Aiiisssshhh!!!
Nagulat na lang ako nung hawakan niya ang kamay ko tapos tinignan ako habang nakangiti.
"Picnic tayo bukas ng 3pm. ^__^" sabi niya sabay hatak sa akin papuntang room.
.
.
.
.
Niyayaya niya ba akong makipag date?
O///O
>>Vacant<<
Ano kaya lulutuin ko??? Hmmm...
"Hoy bakla!!!" tawag sa akin ni Becky sabay kapit sa braso ko. "Sa amin ka muna sasabay ngayon sa ayaw at sa gusto o!" then hinatak niya ako papuntang canteen. Same seat, same people.
Nung makaupo ako, di na ako pinapansin ni Rupert. Bakit??? Anyare?
"Hoy friend! Umamin ka nga! Kayo na ba ni Papa Nathan?" Pagkatanong ni Becky sa akin, napa tingin naman sa akin si Rupert.
"N-no... not yet." sagot ko sa kanya.
"Not yet? So papunta din kayo dun?" tanong naman ni Jenny.
"Hhhmmm... Kino-consider ko pa ang mga bagay bagay eh... (^_^!)" sagot ko naman. talaga tong si Jenny oh! Makatanong, wagas!
"Gusto mo ba siya?" Napatingin kaming lahat kay Rupert nung bigla siyang mag salita. Nakatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa pagkain niya.
"Ahh... ehh... hhhmmm..." ano nga ba ang isasagot ko?
Bigla namang tumayo si Rupert na parang nawalan ng gana... "Sige! Una na ako." paalam niya sa amin.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"May practice lang ulit kami ng mga kabanda ko." sagot niya.
Pagkaalis niya, hinawakan ni Becky ang mga kamay ko.
"Ipagdarasalko na maging masaya ang love life mo friend." nakangiting sabi ni Becky.
"Good luck friend!" cheer naman ni Jenny.
**************************************************
Maiksing UD lang po. hehehe!
BINABASA MO ANG
Assuming Frog
Teen FictionMy fault, not yours... I don't blame you for the hurt I am feeling right now... It was just all because... . . . . . . . . . . . . . I am ASSUMING FROG.