Chapter [24.]

670 38 8
                                    


Chapter Twenty Four

Taehyung

--

Na-set na ang mga magkapartner kaya pinapunta na kami ng P.E teacher namin sa gym para makapagsimula na kaming makapagpractice para sa ballroom.

'Di ko alam kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad papunta sa gym. Parang konting konti na lang sasabog na puso ko sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi 'to normal, 'di naman ako tumakbo o nagpagod para magkaganito ako. "Oy alien! Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Jimin hyung, sinamaan ko na lang siya ng tingin. Maka-alien 'to akala mo naman hindi pandak.

"Pakyu, lubayan mo nga akong pandak ka." Inis na sabi ko sa kanya, bahagya siyang natawa at tinapik pa ang balikat ko. "Partner mo lang si Aren eh." Pang aasar niya. Napailing na lang ako.

"Sabi ng lubayan mo ako eh. Makakasapak na ako ng pandak dito." Napailing si Jimin hyung kasabay n'on ay ang mahina niyang pagtawa. 'Yon nga ba talaga ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako?

Hindi, king ina.. HINDI PWEDE.

Napatingin ako kay Aren na kasama na naman 'yung syota niyang hilaw. Paker, nakakasira ng araw tsk. Nilibot ko na lang ang tingin ko para hanapin si Jace. Nakakaimbyerna.

Pagkakita ko kay Jace, lalapitan ko na sana siya pero parang nawalan ako ng interes na lapitan siya kasi masaya naman siyang nakikipag usap kay Jungkook. Kaya sa huli 'di na lang ako lumapit sa kanya. Pagkarating namin sa gym agad kaming inutusan ng teacher namin sa P.E na lapitan na ang mga partner namin.

Heto na naman ako, parang biglang natatae sa sobrang kaba. Hindi ako gumalaw, tumingin lang ako kay Aren na palapit sa akin. Huminga ako ng malalim, ang ganda niya pa rin kahit kailan.

Agad naman na kumunot ang noo ko ng mapagtanto ko kung anong nasabi ko. King ina? Nasabi ko ba talaga 'yon? Napailing ako, hindi, wala ng mas gaganda pa kay Jace..

Nang makalapit na sa akin si Aren nagkatitigan muna kami mata sa mata at parang may naramdaman na naman akong kakaiba sa dibdib ko, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

"Okay ka lang ba Taehyung?" Nagising na lang ako sa aking ulirat ng bigla niya akong tanungin. Tumango na lamang ako. "Tara na." Inaya ko na siyang makisama doon sa mga kaklase naming nagtitipon na doon.

"Okay class stay wherever you are now, and please leave some spaces ng 'di kayo nagkakabanggaan." Sinunod namin ang sinabi niya.

"So for this day I will only teach you the basic steps for the ballroom. Just follow me." Nagsimula na si ma'am sa pag tuturo habang kami sinusundan lang siya.

"Na-gets niyo ba?" Tanong ni ma'am. Madali lang naman matutunan kasi basic lang kaya nakuha ka agad naming lahat.

"Chicken ma'am!"

"So let's all try with our partners. Hold your partner's hands now, please lang walang pabebe." Tumingin ako kay Aren na parang wala lang 'yung sinabi ni ma'am kasi agad niyang hinawakan ang kamay ko.

Para na naman akong na-estatwa sa pagkakahawak niya sa kamay ko kasabay pa niyon ang pagtitig ng diretso sa mata ko. Tipid siyang ngumiti sa akin tsaka siya yumuko upang gabayan ang paa niya sa pag galaw.

"Taehyung." Napatitig na naman ako sa kanya.

"Relax. Relax ka lang." Aniya. Tumango na lang ako, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, pakiramdam ko gusto ko ng sumabog.

"Gawin na natin 'yung pinapagawa ni Ma'am." Sabi niya ulit. Tumingin ako sa kanya ng diretso. Pinigilan ko na ang sarili kong manginig at sinubukan ko ng umakto ng normal sa harap niya. Hindi pwedeng nagkakaganito ako, ang bakla kasi.

"Sige." Matapos namin iyong gawin ay bumitaw na siya. Dumistansya ka agad siya sa akin, ganoon din ang ginawa ko. Pa-sulyap sulyap lang ako sa kanya. Maling mali 'tong nararamdaman ko.

Nasapo ko na lang ang noo ko. "Okay do the second step with your partners again." Agad na may humawak sa kamay ko, pagtingin ko si Aren na naman. Tumango siya sa akin.

"Ganito 'yung step, napansin ko kasing hindi ka nakikinig." Sabi niya, pasimula pa lang siya sa pagtuturo sa akin ng may biglang humila sa kanya palayo sa akin. Muntikan pa siyang matumba.

"I'LL BE THE PARTNER OF TAEHYUNG. Sa ayaw at sa gusto niyo." Matigas na sabi ni Jace, lahat kami napatingin sa kanya. Pati ang teacher namin.

"Ms. Jace, what are you doing? Go back to your partner." Utos sa kanya ni Ma'am kaso umiling siya. Ano bang problema ni Jace? Ba't bigla na lang niyang hinablot si Aren palayo sa akin? Nagseselos ba siya sa kanya? Dahil kung oo, bakit kailangan niya pang umabot sa masaktan si Aren.

"Noona, ayos ka lang?" Pagkalapit na pagkalapit ni Jungkook sa kanya, iyon agad ang tinanong niya sa kanya. Lumapit na rin si Vernon sa girlfriend niya.

"Aren, may masakit ba sa'yo? Gusto mo bang dalhin na kita sa clinic?" Tanong niya.

Umiling si Aren. "Ayos lang ako. Sige, okay lang swap na lang kami ng partner ni Jace." Nakayukong sabi niya.. Tumango na lang si ma'am.

"Aren, ako 'yung partner ni Jace." Nilapitan siya ni Wonwoo. "Bro, ako na bahala sa kanya." Sabi ni Wonwoo, tumango na lang si Vernon.

"Okay go back to your partners. Jace Lee let's talk after the class." Tumango na lang si Jace.

'Yung kaninang ginagawa namin ni Aren, ay ginagawa namin ni Jace ngayon. "Ayos ka lang ba Jace? Ba't mo naman ginawa 'yon?" Tanong ko.

Umiling siya, "Huwag na lang natin pag usapan 'yon." Malamig na sabi niya, gaya ng sinabi niya 'di ko na siya tinanong. Alam ko naman na nagseselos lang siya kaya niya 'yon nagawa.

Matapos ang P.E period namin, lahat kami maliban kay Jace ay pinabalik na kami ng guro namin sa classroom, pero bilang mapagmahal na boyfriend ni Jace ay tumambay na muna ako sa labas.

Maya-maya pa ay lumabas na si Jace na bagsak na bagsak ang balikat.

"Huy." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin pero agad din niyang binalik ang tingin sa paa niya. Ako na lang ang kusang lumapit sa kanya.

"Hindi ko kayang makipag ayos kay Aren babe. I care about my grades but I just can't.." Umiling siya.

"Hindi ko kayang makipag ayos sa kanya. He's your ex and I can't change the fact that you loved her.."

--September 01, 2016 || 10:18 PM--

A/n: guysue I'm so sorry, it's been two weeks, that I haven't updated this. Jusmeeeyoo! Haha namiss ko kayo! Hope this update will make you happy.

And before I forget, Happy birthday Kookie-yah!

★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]Where stories live. Discover now