1

11 0 2
                                    

3:00am na. Hay grabe, hindi ko pa tapos tsekan etong mga test paper na to'. Naiiyak na naman tuloy ako. Mukha kasing ewan 3 years na ang nakalipas pero parang kahapon lang noong maghiwalay kami ni Vincent. Engaged na kami pero dahil sa nag-abroad siya, kaya ayun, eto pa rin ako naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Ang tanong, may babalik pa kaya? Hindi ko nga alam kung babalikan pa niya ako. Malamang may nahanap na yun na may itsura, mayaman at sexy. Charito Solis lang. Hindi ko talaga alam. Nasaan na kaya siya?

Ako si Dems Dy. Ang gara ng pangalan ko diba? Pangmayaman. Huwag kayong maconfuse kasi lalaki po ako- biologically.ahahaha. Pero hindi talaga ako straight. I'm 25 years old. Isang teacher sa isang private school. I'm not the typical gay na nababasa ninyo sa watty. Di ako ganung kagwapo, hindi rin ako yung tipong palagi sa gym na kinababaliwan ng mga beks ngayon. Basta more jogging more fun lang ako para iwas ako sa paglaki ng tiyan. Sa loob ng classroom, respetado naman ako at walang pakialam mga bata sa orientation ko as long as nagtuturo ako nang mabuti sa kanila.

..........................
3years ago
.........................

Date namin noon. Ang saya-saya pa nga kasi sinundo pa niya ako nun sa bahay. Malamang nakanga-nga na naman ang mga kapitbahay namin. Bumaba ba naman sa pulang Ford niya. Tapos akala mo artista eh. Eh totoo naman. Artistahin talaga tong si Vince. Ewan ko ba kung paano nainlove sa akin tong si mokong. Matangkad, moreno, mala-Christian Grey ang itsura. Wahhhh.jackpot kang bakla ka.jowk lang po pero totoo po.hahaha

"Tita, babalik po kami agad ni Dems. Manunuod lang po kami movie sa mall, then dinner na rin po", sabi ni Vince.

"Basta Vince uuwi kayo agad ah. May tiwala naman ako sa inyo eh. Huwag mo lang sisirain ang tiwalang ibinigay ko sa inyo ng anak ko".Hala  siya oh, ewan ko ba kung anong pinakain ni Vince sa nanay ko. "Dems huwag abusado ah. Wala akong kasama sa bahay. Kawawa naman kami ni JB dito. Alam mo naman si kuya mo palaging may date yun". Yung totoo mama, sino sa amin ni Vince ang tunay mong anak.

"Opo mama. Love you po. Aalis na po kami" .

Sa loob ng restaurant..

"Mahal, nag-enjoy ka ba?",sabi ni Vince habang walang pakialam na nakahawak sa kamay ko.

"Oo naman, Mahal ko. Palagi naman masaya eh kahit medyo particular si mama sa oras.Bakit?" Hindi kasi nagtatanong ng ganito tong lalaking to tuwing lumalabas kami.Medyo weird lang .

"Wala naman. Masama na ba magtanong tong gwapo mong asawa?" hirit pa ni Vince. Ano daw?Asawa? Milyun-milyong boltahe ang naramdaman ko dun ah. Nakakakilig. Ang sarap pakinggan sa tenga. "Huy, Mahal!Mahal?!", pagpapabalik sa wisyo ko. "Ok ka lang ba? NAtulala ka diyan? Alam ko gwapo ako at alam mo naman na sa iyo nakalaan ang kagwapuhan kong to." Ano daw? Tinamaan ng malakas na hangin ang loko.Ang yabang! Infairnes may ipagmamayabang naman kasi.

"Mahal, ang sarap kasi pakinggan na tinatawag mo akong asawa mo." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Dapat masanay ka na kasi engaged na tayong dalawa. Atsaka ikaw naman talaga ang forever ko eh. Ikaw ang dahilan kung bakit ang saya-saya ko araw-araw. Sa trabaho, ikaw ang inspirasyon ko, kaya energetic ako magtrabaho nang magtrabaho para hindi ka na magtratrabaho at para mapakasalan kita sa gusto mong simbahan." Hala siya oh. Di ko kinakaya tong pinagsasabi ng asawa ko.Charmander.Feelingera.ahahaha

"Wala na.tunaw na ako dito.Over-over na sa pagpapakilig Mahal. Kinakagat na ako ng mga langgam. Sana sinabihAn mo agad ako para nakapagdala ako ng pangtepok sa langgam.hehehe. Love you talaga. Love you ng bongang bongga." Biglang lapat ng labi niya sa labi ko.Syemai..daming tao dito sa loob ng resto.

"Ayan para matigil ka.hehe.Dami mo kasing sinabi mahal ko. Love you. I love you Mr. Dems Dy- Victorino." Sabay ngiti ng wagas ng loko. Im so happy talaga na siya ang makakasama ko sa buhay ko. Maya- maya biglang nagseryoso ang expression ni Vince. "Mahal ko, may sasabihin pala ako. Baka kasi makalimutan ko eh. Eto talaga yung dahilan kung bakit kita niyayang lumabas ngayon." Patay eto na. Kaya pala medyo weird.

" Anu yun?Kinakabahan tuloy ako."

"Eh kasi Mahal, ..." Anak naman ng teteng nahiya pang sabihin. Mas lalong kumakabog yung dibdib ko.

"SAbihin mon a po mahal ko. Huwag kang mag-alala." Pagpaparelax ko sa kanya. Pero nakikita ko na sa mata niya na hindi toh magandang balita. Yung lungkot ng mata niya.

"Punta ako sa Qatar for 1year."

" Ah Punta ka lang pala sa Qatar for 1 year." Wait? Qatar? 1 Year? Ano daw? @.@. "1 year?Qatar?"

" Opo.sorry Mahal ko." Nakayuko siya ngayon. Panu na to.Di ko kasi alam ang dapat na reaction ko. Alam ko kasi eto yung matagal niyang pangarap yung Qatar branch ng company niya. Tapos 1 year pa na mawawala sa tabi ko.

"Vince uwi na tayo."

" Mahal ko. Let me explain po. Please." Oh no vince. Huwag ganyan. Huwag kang iiyak. Magpakatatag ka Dems.Huwag kang magbreakdown.

" Vince uwi na muna tayo please." Ganyan nga Dems iwasan mo muna. Mag-isip ka muna

Pagdating sa bahay,Dire-diretso lumabas sa kotse na walang paa-paalam kay Vince. I need to do this kasi iiyak na talaga ako. Isang tawag niya lang sa akin, hahagulgol na akong parang bata sa harapan niya.Malamang mas mahirap para sa kanya na Makita ako na ganun at baka lalong hindi pa tumuloy yun sa Qatar.

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak buong magdamag sa loob ng kwarto ko. Alam din ni Vince yun na umiiyak ako malamang kasi until 4am ay tumatawag at nagtetetxt pa rin siya sa akin.Ilang oras ko na ring kina-cancel yung tawag niya. Ayoko sagutin ang tawag at text niya. Gusto kong makapag-isip. Gusto ko ibigay yung gusto niya.Yung matagal niyang pinangarap sa buhay.

ikaw at akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon