It Started with a Game (One Shot Story)

230 13 9
                                    

Ang buhay parang laro.

Minsan panalo,

Madalas talo..

==========================

It Started With A Game

Written By: FallingSlowly

"Break na tayo." Sabi ni Kaiser.

"Teka lang!" habol ko sa kanya ngunit hindi nya ako pinansin.

Hindi sana ako umiiyak at nasasaktan ngayon kung hindi ako pumayag.

Nagsimula ang lahat sa isang laro na hindi ko inakalang magdudulot saken ng sobrang sakit dito sa puso ko.

"May gusto ka saken ano?" eto na naman ang peste sa buhay kong si Kaiser.

"Ang kapal ng mukha mo ah! Hindi ako maiinlove sayo. As in N-E-V-E-R!" sigaw ko. Pinagtitinginan na naman kami ng mga classmate ko. Lagi kaming nag-aaway wala syang ginawa kundi asarin ako.

"Talaga? Gusto mo pustahan tayo eh!" nang-aasar na sabi nya.

"Sige ba, para mapahiya ka lang." sagot ko. Akala nya papatalo ako.

"Sige magiging girlfriend kita simula ngayon at kapag na-inlove ang isa sa atin Break na tayo." Ha? Siraulo ito pinagsasabi nya.

"Ang ma-inlove talo." Dugtong nya.

"Ayaw ko, di pa ako nasisiraan noh!" sagot ko.

"Edi parang inamin mo na din na ma-iinlove ka nga saken? Hahahaha! Sabi na eh may gusto ka saken." Ang kapal ah. Tss!

"Ayieeeee!!!!" sigaw ng mga classmate ko.

"Tse! Tigilan nyo nga ako. Hoy! Lalaking mukhang ewan sinabi ng wala akong gusto sayo." Sagot ko.

"Kung wala, edi pumapayag ka na?" ang kulit. Sigurado namang hindi ako magkakagusto sa kanya. Bwisit sya sa buhay ko. Lahat na yata ng ayaw ko nasa kanya na.

"OO, at ipapamukha ko sayo na hinding hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo." Tse! Makaalis na nga.

"Narinig nyo yun ah! From now on Girlfriend ko na si Khaye Fontanilla. " naghiyawan ang buong klase. Nakakainis! Mark this day Kaiser Crisostomo, sinisigurado kong matatalo kita bwahahaahha!

This past few days ang weird nya. Hindi na nya ako inaasar, tapos hatid sundo ako sa bahay. Minsan nga ang sweet pa eh. Pero dahil hindi ako pinanganak kahapon, alam ko ang dahilan kung bakit sya ganyan. Hindi mo makukuha ang loob ko you jerk! Bwahahahaha...

"Your acting is great, bakit di mo try mag-artista." Sabi ko sa kanya.

"Hahahaha! Ang cute mo talaga." He pinched my nose at umupo na sa upuan nya. He's really getting into my nerves. Mas okay pa yung nakikipagsagutan sya saken eh. Nakakainis!

Lumipas ang isang buwan at kami pa rin. Habang tumatagal nakikita ko ang other side ng isang Kaiser Crisostomo. Hindi lang pala sya basta bully. Isang lalaking mabait, sweet , mapagmahal sa magulang, matulungin, maalalahanin, basta lahat ng may "MA" hehehehehe. Pero teka mali, tama bang purihin ko sya? And I have this feeling everytime na tinitignan nya ako bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman siguro nagugustuhan ko na sya diba? Wahhhhh! Bakit yung utak at puso ko hindi na nagkakasundo? Pinipilit ng utak kong hindi ko sya gusto ngunit bakit yung puso ko iba ang sinisigaw? Am I falling for him? Nalulungkot akong isipin na kapag natapos ito maghihiwalay na kami.

Nandito kami sa rooftop at pinapanuod ang paglubog ng araw.

"Naaalala mo ba, dati para tayong aso't pusa hehehehe" si Kai

"Oo, kasalanan mo naman eh. Wala kang ginawa kundi pikunin ako." Sagot ko naman.

"Ang sarap mo kasing asarin eh! Hahahaahah!" sabi nya.

"Kaya naman pala nating magkasundo noh? " at kaya ko rin palang ma-inlove sayo. Should I tell it or not? Pwede bang maging selfish muna? Alam ko naman na laro lang ito. Pwede bang sulitin ko muna yung mga araw na magkakasama pa kami?

Isang linggo na akong iniiwasan ni Kai, pero bakit? Ano ba ang ginawa ko? Kailangan ko syang makausap.

"Renz, nakita mo ba si Kai?" tanong ko sa barkada nya.

"Nasa rooftop yun." Sagot nya.

"Sige, salamat." Patakbo akong umakyat ng hagdan papuntang rooftop. Tama nga si Renz nandito sya.

"Kai, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko. He just nod.

"Bakit mo ako iniiwasan?" ako.

"Panalo ka." Sabi nya.

"Ha? Panalo saan?" nagtatakang tanong ko.

"Break na tayo." Sabi ni Kaiser.

"Teka lang!" habol ko sa kanya ngunit hindi nya ako pinansin. Ibig sabihin ba nito. Mahal nya din ako? Pero bakit ganun imbis na matuwa ako, nasasaktan ako?

I've been trying to call him, pero walang sumasagot. Ang daya naman eh, ganun na lang yun? Walang paliwanag? Hindi klaro ang lahat? Basta nakipag-break. Ang sakit sakit naman eh. Hindi ko maramdamang nanalo ako.

Hindi ako pumasok kinabukasan, hindi pa ako handang makita sya. At ayaw ko ding makita nya na miserable ako. Maghapon lang akong nagkulong sa bahay. Walang ganang kumaen. Ganyan naman yata lahat ng broken hearted. Pinipilit ko na din ang sarili kong tanggapin ang nangyari. Hindi man yun ganun kadali pero kakayanin ko. My first heartbreak.

"Khaye, may bisita ka!" tawag saken ni mama. Sino naman kaya yun? Hindi kaya si Kai? Nagmamadali kong inayos ang sarili ko at bumaba. Pero sa halip na si Kai, si Renz ang nandito.

"Oh, ikaw pala Renz. Napadalaw ka? Pinapunta ka ba ni Kai?" tanong ko.

"Hindi ka kasi pumasok, may ibibigay ako sayo." Ano naman kaya yun.

Iniabot nya saken ang isang sulat. Nagpaalam na din sya agad. Umakyat ako ng kwarto at sinimulan iyong basahin.

Dear Khaye,

Alam mo kaya lang naman kita inaasar kasi nagpapapansin ako. Mahal na kasi kita dati pa, pero ang laki kong torpe noh? Kaya ko naisip yung laro na yun para makasama kita ng hindi tayo nag-aaway. Siguro habang binabasa mo ito, nandito na ako sa America. Sorry kung iiwan kita sa ganitong paraan. Sorry kung hindi ako nagpaalam ng personal. Sorry kung nasaktan kita. Pero sana huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita.

-Kaiser

Ang buhay parang laro. Minsan panalo, madalas talo.

It Started with a Game (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon