Chapter I - Alpha's Clan

18 3 0
                                    

Hale's Tribe at North Pole, America.

Habang naghahapunan lahat ng pinakamatataas na opisyal ng mga alphas, biglang pumasok ang mensahero ng kanilang tribo. si Musni.

"Mawalang galang na ho mga mahal na pinuno." panimulang bati nya sa mga matatandang pinuno ng Hale. hingal at habol hininga syang yumuko bilang pagbibigay galang.

"Huminahon ka Musni. Ano ba ang nais mong sabihin at kaylangang istorbihin mo ang aming hapunan?"
Sambit ng matandang may mahabang puting balbas na si Cazar.

"Paumanhin po. Hindi ko intensyong istorbohin kayo ngunit may masamang balita ho ang aking nakuha."

Nagtaka ang matatandang pinuno sa sinabi ni Musni.

"Magpatuloy ka mensahero." sambit ni Quiloa, ang pinakamatanda sa lahat. kung tatantsahin ay mahigit limang daang tao na ito.

"Kanina'y napadaan ako sa bungad ng ating tribo. sa di kalayuan, may nakita akong Itim na uwak na nakadapo sa balon ng yelo. nakita ko sa paanan ng uwak ang isang papel at ng buksan ko ito, isang mensahe ang nakasulat dito na nakasulat gamit ang dugo ng hayop. Narito ang mensahe."

Iniabot ni Musni ang sulat sa pinaka mataas na pinuno na si Malacias. siya ang pinakamataas na pinuno sa lahat ng alpha sapagkat sya ang tanging alpha na nakatalo sa pinuno ng kalaban nilang lahi. ang mga Fox.

"Ano ang nakasulat sa mensahe mahal ko?" tanong ng asawa nitong si Tamarra.

"We will come unexpectedly,

We will reign our victory.

Against all Hales, we are nothing.

Against all Hales, we are dying.

But time comes, we will came

We will reign and brought you in vain

We will shed your clan by blood,

We will brought darkness into your tribe."

Lahat ay nakatingin lang ng seryoso kay Malacias matapos niyang basahin ang nakasulat sa papel.

Walang umiimik at tila ba lahat sila'y may malalim na iiniisip.

Biglang pumula ang mata ni Malacias at lahat ay napatingin sa kanya ng may halong kaba.

Alam kasi nilang bibihira lang pumula ang mata ni malacias. At nangyayari lang ito kung may masamang mangyayari o sobrang galit si Malacias.

"Maghanda kayo."

"Maghanda saan?" tanong ni Zaccariah. Ang kanang kamay ni Malacias.

"Isa itong babala! ano mang oras, maaring lusubin ang tribo natin. at sinisiguro kong balak nila tayong ubusin." seryosong sambit ni malacias habang ang mata nya ay nananatili paring pula ang kulay.

"Pero hindi ba't wala namang makakapantay sa lakas ng ating angkan? sa tingin ko'y wala namang dapat ikabahala."
Pangangatwiran ng pinunong si Lorcan.

"Hindi natin alam ang pwedeng mangyari, lorcan."

"Pero paano kung may nangloloko lang saatin? Paano kung tama si lorcan at wala naman talagang ikabahala?" pagsang-ayon ni Cazar kay Lorcan.

"Ihanda ang buong tribo! Iyon ang utos ko!" galit na sumigaw si Malacias dahilan para lahat ay matahimik at kabahan. Ibinagsak nya ang kanyang mga kamay sa dinning table kaya't lahat ng plato, baso, kutsara at tinidor ay nabasag at nahulog.

Pulang pula ang mga mata at lumabas na ang pangil ni malacias.

"May paparating na digmaan sa pagitan ng ating angkan at ng iba pang angkan kaya't dapat tayong maghanda! Pagkatapos na pagkatapos ng selebrasyon ng kaarawan ng aming unica hija bukas, ipapatawag ko lahat ng alphas, maliban sa mga edad labinlima pababa."

Umaalingawngaw sa buong pasilyo at sa loob ng kwartong iyon ang galit na boses ni Malacias kaya't nabahala na nga ang lahat.

"huminahon ka lang Malacias."
agad namang nilapitan ni tamarra ang asawa upang pakalmahin.

"Ama? ano pong problema?"

Nagulat si Malacias ng makitang nasa gilid nya ang kanyang prinsesa, ang kanyang unica hija na si Zemairah.

Agad namang nawala ang pagkapula sa mata ni Malacias ng makita nya ang kanyang anak. binuhat nya ito at hinalikan sa noo.

"Wala namang problema aking prinsesa. Naghahanda lang kami para sa selebrasyon ng kaarawan mo bukas."

"Talaga po ama? Yey!!" masayang masaya naman ang bata habang buhat buhat ni Malacias.

Lumabas na ng silid na iyon si Malacias at ang kanyang mag-ina at nagtungo sila sa kanilang silid.

"Zemairah. Halika nga dito anak."
Lumapit naman ang bata sa kanyang ama at kumalong ito dito.

"Alam kong kinabukasan pa ang kaarawan mo pero ibibigay ko na agad sa iyo itong regalo ko."

"Ano iyon ama?"

Kinuha ni Malacias ang kahon sa ilalim ng kanilang higaan at iniabot ito sa kanyang anak.

"Buksan mo." nakangiting sambit niya sa anak.

nang buksan ni zemairah ang kahon, isang kumikinang na kwintas ang nasa loob nito.

"Ang Alpha's Amulet..." gulat na reaksyon ni Tamarra.

"Akala ko'y wala na ito?" tanong nya sa asawa.

"Maraming nagnanais na kunin at agawin ang kwintas na 'yan kaya't sinabi kong wala na ito. Masyadong makapangyarihan ang Amulet at kaya nitong gawin ang mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo."

"Talaga ama? Parang mahika?"

Napangiti naman si Malacias. natuwa lamang sya sa sinabi ng anak. sa totoo lang ay higit pa sa mahika ang taglay nito. At wala pang nakakaalam kung ano ang kaya nitong gawin dahil ayon sa propesiya, Isang Alpha lamang ang may kakayahang gamitin ang Amulet na 'yon. Isang Alpha na may magandang hangarin at busilak na puso. Isang Alpha na nakatakda sa propesiya na syang magliligtas sa kanilang angkan.

"pagdating ng araw, malalaman mo rin ang halaga nyan, zemairah.  kaya sa ngayon, suotin mo muna ito at ipangako mong kahit anong mangyari ay hindi mo ito iaalis sa katawan mo."

Sinuot ni malacias sa anak ang kwintas at biglang nagpula ang mata ng bata na kasing pula ng kulay suot nyang kwintas.

"Nakita mo iyon malacias? Nagkulay pula ang mata ni Zemairah!"
Tuwang tuwang sambit ni Tamarra.

"Iyan ang unang beses na nagkulay pula ang mata mo anak. Napaka aga para sa edad mo."

Sa mga alphas kasi, sampung taon ang tamang edad para maging pula ang kulay ng mata ng mga bata. at magpipitong taon pa lang si zemairah.

"Ikaw, ina? Anong regalo mo sakin?"

"makakalimutan ko ba naman 'yon? Eh ikaw ang prinsesa namin ng ama mo. Halika nga dito Zem."
Lumapit naman ang bata sa kanyang ina.

Iniabot nya ang isang locket na hugis parisukat na may litrato nilang tatlo sa loob.

"Wow! Napaka ganda naman nito ina!"

"Alam mo bang ako mismo ang humulma ng locket na 'yan? At may may nakaukit pang pangalan natin sa likod nyan.

Malacias, Tamarra & Zemairah Hale.

Inilagay ni Tamarra sa Amulet ang Locket na regalo nya sa anak.

"Perfect!" masayang sabi ni Zemairah.

Bagay na bagay kay zemairah ang Amulet na may locket na picture nilang pamilya.

"Pwede bang payakap sa aming unica hija?" tanong ni Tamarra.

"Oo naman po! Halika Ama! Group hug po!"

"Salamat Ama, Ina. Salamat at kasama ko po kayo!"

Napangiti nalang ang mag-asawa. kahit sa loob nila, alam nilang may mangyayaring hindi maganda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last HaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon