Chapter 11: Soul Reaping

5.6K 246 0
                                    


Ang bilis lang nang oras at tapos na ang second subject ko. Alam ko na din ang ibig sabihin ng mga pin colors. Naka base ang pin colors sa kung anong level kana, white para sa mga novice. Ito yung mga baguhan palang, noob o yung mga newbies kung tawagin at hindi pa nagkaka level- up at nandito ako nabibilang. Pangalawa ang green para sa mga apprentice, lumevel – up ng isang hakbang sunod naman ang yellow for warriors sunod naman ang red for knights at ang panghuli at pinakamataas na level na pweding makuha ng mga estudyante dito ang black para sa mga reapers.

Ang mga naka black pins ang siyang pinapadala sa labas at siyang kumukuha ng mga soul sa iba't- ibang lugar. Sila din yung mga binibigyan ng mga mission kung meron man. At sila din yung nakita ko sa kalsada sa subdivision namin noon.

Mabuti lang nga at binasa ko yung hand- book ka gabi. Alam ko na din kung paano magagamit ang black watch na binigay sa akin. Mag ka- count down lang naman ang watch kapag meron isang tao na malapit sa kinaroroonan mo ang nakatakda ng mamamatay. Magbli- blink lamang ito kapag nakaharap mo na ang taong iyun, at babalik lang ito nang kusa sa pagiging simpleng wrist watch kapag nalayo kana sa taong iyun.

Kinilabutan nga ako nang mabasa ko ang tungkol sa black watch, ibig lang nun sabihin may mamamatay sa mga kapit- bahay ko. Lahat din ng mga estudyante dito sa university ay merong black watch para na daw masanay na sila.

"Faster, novices.." rinig kong sabi ng class pres namin, yup meron parin ditong class pres pero class pres lang at wala na. Para lang naman may mamuno sa isang class. Papunta kasi kami ngayon sa soul doom, doon daw kami mag tre- training kung paano kumuha ng mga pure souls o strays at doon din kami mag tre- training kung paano patayin ang mga bad souls o yung tinatawag nilang aedis (ey- deis).

Syempre ako yung nasa pang huli, ayaw ko lang kasing mapalapit sa kanila. At syempre wala akong paki kung hindi ako maging reaper dito sa university na ito, ang purpose ko lang naman dito ay matutunan ko ang pamamara-an nila.

Pumasok kami sa isang malaking stadium at ang nasa gitna ng stadium ay isang malaking bilog na mayroong force field na naka palibot at kitang kita sa loob ang mga nagliliparang mga aedis at konting strays. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga iyun o hindi. Pero siguro hindi iyun totoo kasi dapat nasa nirvana na ang mga strays.

Ito ang una kong training dito, remember bagong pasok lang ako dito at ilang buwan ng nag start ang pasukan dito at late na late ako. Pero okay lang daw iyun kasi mayroon akong make- up class with miss liza pagkatapos ng class ko.

Umupo na sila sa mga bleachers na nakapalibot sa force field at umupo din ako sa pinaka hulihan. Ilang minuto lang at pumasok ang prof namin para sa training, nag umpisa na siyang magsalita sa harap at nakikinig lamang kami sa kanya.

"You will be group in five, at ang unang grupong makakuha ng maraming strays sa loob ang siyang mabibigyan ng malaking puntos pero hindi by group ang puntos kundi individual, titingnan lang natin ang kakayahan nyo kung paano kayo mag- isip at dumiskarte." Yan ang narinig kung sabi ni sir at nagsimula na siyang mag sambit ng mga pangalan na magkakasama sa isang grupo. Mabuti nalang nga at nasa pinaka huling grupo ako napasok.

"Hindi dapat kayo magsawalang bahala, dahil ang mga aedis na nasa loob ay totoo pero ang mga strays na nandiyan ay mga peke lamang. Alam nyo naman na pinapadala ang mga strays sa nirvana para sa purification. Ngayon, ang gusto kong gawin ninyo ay palabasin ang inyong mga scythe para ma protektahan kayo pero aatake lamang kayo kapag inaatake kayo ng mga aedis. Ang goal lang ninyo ay kunin ang lahat ng mga strays na nasa loob ng force field. Ang mga earings ninyo ang bahala kapag nawalan kana ng malay sa loob o bumagsak kana matra- transport ka neto palabas sa force field. Goodluck novices.." yun lang ang narinig ko at nag- umpisa nang pumasok ang unang grupo sa loob ng force field. Kita ko pa dito ang panginginig ng iba at ang takot sa kanilang mga mukha.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon