**********
Halos isang oras naming hinintay sina Sensei bago sila bumalik.
Mukhang seryoso pa sila nung makita namin.
"Sa tingin ko mas mabuti kung magtitrain muna ang mga estudyante mo with my students." Sabi ni Ao.
Ano daw? Training with her students?
"Mukhang magandang ideya nga iyan." Sang-ayon ni Sensei.
At talagang pumayag sya huh. Tsk.
Tinawag ni Ao sina Kino at Tori kasama ang isang babae.
"I guess you already met each other." Sabi ni Ao sa aming tatlo nila Ishi at Koe.
We nodded.
"Opo. Maliban po sa kanya."
Sabi ni Koe sabay turo sa babaeng katabi ni Tori.Napatingin naman kami sa babae. Kulay itim ang mahaba nyang buhok. Sa palagay ko ay kaedad rin namin dahil magkasing tangkad lang kami.
Oo nga. Isa sya sa mga nagsasanay dun sa training room kanina pero hindi namin alam ang pangalan nya.
"Ah. Ganun ba?" Sagot ni Ao.
Nilapitan nya yung babae at ipinakilala."Her name is Yuka."
Yuka smiled.
She stepped toward us and offered a handshake.
"I saw you earlier. Sorry kung hindi ako agad nagpakilala. Anyways, it's nice to meet you."
Tinanggap naman namin ang kamay nya.
"It's nice to meet you too." Sagot ko naman and smiled back.
"So, ngayon na magkakilala na kayo, maaari na kayong magproceed sa training room para mag-ensayo."
Sinunod naman namin ang sinabi ni Ao at nagtungo sa training room ng base nila.
Suddenly i felt uncomfortable.
Di kasi ako sanay na may ibang tao sa paligid ko, maliban kina Koe, Ishi at Sensei, habang nag- eensayo.
"Sya nga pala, Kiro. Sino nga pala sa mga estudyante mo ang sinabi mong nakakagamit ng yelo sa pakikipaglaban?"
Tanong ni Ao nang makapasok kami sa training room.Nanlaki ang mata ni Tori sa narinig nya at nilingon kaming tatlo.
"Woah! Really?! One of you knows how to use ice as a weapon?!" Mangha nyang tanong.
Natawa naman si Sensei sa reaksyon ni Tori.
"Yes. And it is Sei who can do it."
Sagot ni Sensei.Nahiya naman ako nung lahat sila ay nakatingin na sa akin.
"So, sya pala."
Ao smiled.Bakit? Ngayon lang ba sila nakaencounter ng Elite na gumagamit ng yelo as a weapon?
Nagsimula na kami at nagkanya-kanya munang ensayo.
Medyo awkward kasi pinapanood kami ng ibang mga Elite na nandoon sa training room, including Ao and Sensei.
Yung tatlo namang estudyante ni Ao ay nagsasanay na rin.
Focus Sei! Kailangan mong mag-ensayo ng mabuti para lumakas.
Nag-focus ako sa pagrerepel at pagkokontrol ng mga malalaking gulong ng sasakyan na naroon sa loob ng training room. Yun siguro ang ginagamit ng mga Elites dito sa pag-eensayo.
Sina Koe at Ishi naman ay mukhang seryoso rin sa pag-eensayo.
Nagulat naman ako ng biglang nag-apoy ang isa sa mga gulong na minamanipulate ko.
BINABASA MO ANG
The Elites
FantasyWe were cursed.. We were avoided.. We were hated.. But now.. We will change everything.. We will change history. We are T h e E L ♟T E S