-

60 2 8
                                    


Bago magsimula, may munting sasabihin lang ako. Chos. Para sa mga naguguluhan, parang sequel to ng "Pagsuko" boom pak genern.

-----------------

Papatawarin kita.


Papatawarin kita sa mga katagang sinabi mong "Mahal kita" kahit ang totoo hindi naman talaga. Congrats, napaniwala mo ako. Papatawarin kita sa mga sinabi mong kasinungalingan, katulad ng "Ikaw lang, walang iba." Congrats ulit, napaniwala mo ulit ako. Papatawarin kita sa bawat pagbabalewala mo sa akin. Papatawarin kita sa bawat luhang nabuhos ko ng dahil sayo, dahil mas minahal ata kita kaysa sa mismong sarili ko. Papatawarin kita sa pangloloko mo saken, ang galing mo, di mo lang binilog yung utak ko, nakuha mo pa pati puso ko. Papatawarin kita sa bawat sayang mo ng oras ko kakahintay sayo. Papatawarin kita kahit hindi ka humihingi ng tawad. Papatawarin kita sa mga gabing hindi ako makatulog dahil ikaw ang iniisip ko. Papatawarin ulit kita sa mga pagkakataong binigay ko sayo, pero sinayang mo. Mas lalo mong pinamukha mo sa akin na, hindi ka karapat-dapat bigyan neto. Papatawarin kita sa mga banat o mga pagpapakilig mo na kung saan nahumaling at nahulog ako. Papatawarin kita sa mga binigay mong alaala na ngayon ikaw mismo ang gumawa at bumaon at tuluyang nakalimot. Papatawarin kita sa pagsayang mo ng pagkatataong binigay ko sayo. Lahat lahat naman binigay ko. Mapa-puso man o tiwala ko, buong buo kong binigay sayo. Pwe, corny pakinggan. Papatawarin kita sa mga sinabi mong mga pangako, na tuluyan nang napako. Pangakong mamahalin mo ako, aaalagan, di sasaktan, at ituturing na isang prinsesa.

Papatawarin kita sa pagpapaasa mo saken na hindi mo ko iiwan, at iba ka sa mga lalaki. Pero anong ginawa mo? Pinatunayan mo din. Pinatunayan mo din saken na isa ka sa kanila, walang pinagkaiba. Papatawarin kita dahil napagod ako. Napagod ako kakahintay sayo. Ni hindi ko man alam kung babalik ka pa ba o tuluyan mo na talaga kong iniwan at kinalimutan. Papatawarin kita sa paglimot mo sa akin. Kahit kating kati akong tanungin ka na ganun ba kadali? Ganun ba kadaling kalimutan mo ako? Pft. Papatawarin kita sa mga kilos mong halatang nagsasabi na wala na, wala ng pagasa. Ika nga nila, pag mahal mo, bibigyan mo ng oras. Papatawarin kita sa hindi mo pagbibigay ng atensyon sa akin. Kahit 30 minutes man lang na kausapin mo ko, di mo magawa. Tao lang din naman ako, nangangailangan ng atensyon at gustong maramdaman na pinapahalagahan. Papatawarin kita sa pagsanay mo sa akin na andiyan ka parati. Kaya eto ako ngayon, hinahanap hanap ka. Mahirap hanapin ang isang tao na tuluyan ng nawala sayo ng walang pasabi.


Papatawarin kita sa unang pagbitaw mo habang ako'y nakakapit pa. Papatawarin kita kasabay ng pagpapatawad ko sa aking sarili, na inaamin kong ako'y nagkamali, nagkamaling mahalin ka. Nagkamali pero hindi nagsisisi. Dahil napasaya mo din naman ako. Papatawarin ko ang aking sarili dahil hindi ako makahanap ng rason kung bakit minahal/mahal kita. Papatawarin ko ang sarili ko dahil tingin ko sobra na. Sobra ng masaktan. Sobra na magpakatanga. Sobra na maghintay sa wala. Sobra ng magmahal. Papatawarin ko ang sarili ko dahil nagmumukha na kong tanga kakahintay palagi sayo. Papatawarin ko ang sarili ko at papatawarin kita. Papatawarin kita dahil gusto kong gumaan na ang pakiramdam ko. Papatawarin kita dahil gusto ko ng maging totoong masaya. Papatawarin kita dahil nakakapagod na. Papatawarin kita dahil ayoko na ng may kinikimkim. Papatawarin kita dahil gusto ko ng magbagong buhay na kung saan wala ka. Papatawarin kita dahil gusto ko ng maging malaya, dahil sakal na sakal na din ako. Papatawarin kita dahil gusto kong sabihin na kaya ko ng magisa at hindi na kita kailangan pa.


At ang pinakahuli, papatawarin kita....papatawarin kita dahil handa na akong sumugal ulit at magmahal ng iba. :)






Sincerely,

babaeng-iniwan-mo.
April 22, 2016 :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagpapatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon