15. Mimic

697 59 29
                                    

CHAPTER 15

January 5, 2011

"Happy birthday, bro." Pagbati ni Meynard kay Ulysses gamit ang kanyang cellphone.
"Salamat bro. Daan ka mamaya sa bahay, ha at may kaunting salu-salo dito. Tapos kung may time ka, punta tayo sa Lab, may ipapakita ako sayo," sagot ni Ulysses sa kabilang linya.
"No probs, tol. Namimiss ko na rin nga ang Lab eh. See you then."

Matapos ang kamustahan ng pamilya ni Ulysses at matapos ding makapagmeryenda, nagpaalam sila para pumunta sa Lab. Mahigit dalawang taon na ring hindi nabibisita ni Meynard ang kanilang Lab. Namangha si Meynard sa laki nang ipinagbago nito. Madami nang kagamitan ang nadagdag at karamhihan ay hindi n'ya alam kung ano at saan ito ginagamit. Maging ang tatlong computers ay nadagdagan pa nang tatlo. Halos sumayad ang baba ni Meynard sa pagkamangha sa nasaksihan.

"Holy shit! Para sa ano ang mga gamit na ito? At... Uls nasa spaceship ba ako?" Lumapit s'ya at maingat na hinipo ang isang apparatus na animo'y tutuklawin s'ya nito. Malakas na tawa lang ang isinagot nito.

"Paano ka nito nakagawa at para saan nga ang mga ito?"

"Para sa DNA.." hindi na natapos ni Uls ang pagpaliwanag nang sumingit kaagad ang kaibigan.

"WHAT?! As in capital D-N-A?"

"Correct."

"I know you are a genius fart my friend far better than me, I guess, but... come on Uls, you're not a mad scientist."

"Try me..." at ipinaliwanag nga ni Ulysses ang mahigit limang kaalamang pangsiyensyang pinagsama-sama gaya na lang ng bioinformatics, genetic engineering, string searching algorithms at iba pa. Maging ang nanotechnology na ala pang kamalayan ang Pilipinas ay sinusubukan na rin nila itong i-incorporate sa project. Hanggang sa magsilutangan na sa ere ang mga salitang gaya ng DNA profiling, deoxyribonucleic acid, genome, codons, amino acids at iba pa. Hindi ito kinayang isiksik sa utak ni Meynard dahil basic lang ang alam nito sa DNA na kadalasang ginagamit lang sa forensic examination at biological or paternal testing.

"Wait, wait wait! Please stop. Baka sumabog ako bro. Hindi ko kayang i-absorb lahat yan. Dyosmiyojiho, paano mo 'yan lahat natutunan?"

"Nakikita mo ba 'yang hilera ng mga libro? Pwede ko 'yan ipahiram sa'yo."

"Pakingshet! No way."

"Brother, sa tingin mo ba gusto kong masiraan ng ulo? S'yempre hindi. Eh hindi ko naman 'yan linya. Gusto ko lang naman maintindihan nang kahit kaunti ang tungkol sa DNA."

"So, may ka-partner ka dito? Kanina kasi sabi mo 'namin'.. sino siya?"

At ikinuwento na nga ni Ulysses ang tungkol kay Art at ang mga karanasan nito.

"Madapaker! Malupit pala ang credentials ni Mang Art. Kala ko simpleng photographer lang s'ya.

"Yeah, yun din nga ang akala ko."

"Okay, so paano at kailan mo nalaman ang sekreto ni Mang Art?" tanong n'ya habang muling sinusuri ang iba pang kagamitan habang nakasunod naman si Ulysses sa kaliwa at ipinagpatuloy ang pagsalaysay.

"Two years ago nang isama n'ya ako sa kanyang rest house sa Tagaytay. Three days kaming..."

Napahinto ito sa pagbusisi sa mga gamit at napatingin sa kaibigan, "Wow, may rest house s'ya?"

"Oo, at grabeeh, ang laki nang bahay... materyales p'wertes. Ganda pa ng view tanaw ang Taal volcano. Yun nga, to make the story short.. pagpasok namin, hindi ko na ikukwento ang loob ng bahay ha at baka maglaway ka sa sobrang ganda, umupo ako sa sofa na kakaiba ang design. Para siyang..."

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon