Ara's POV
Nagdridrive na ko pauwi. Ang traffic talaga grabe. Kaya eto ako ngayon nganga, buti nalang may radio. And guess what, ang song na nagplaplay ngayon is Stay by Daryl Ong.
"I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again"PUCHA NAMAN OH. BAKIT SA LAHAT NG KANTA ETO PA NATAPAT. DI KO MAPIGILANG MAPALUHA, NAALALA KO KASI YUNG SAMIN NI DEN.
***
FLASHBACK
Yes! Today is the day! (FRIDAY) Magtatapat na ko kay Lazaro. Di ko na kaya itago pa tong nararamdaman ko. And I can feel it, I know she loves me too. Yun ang pinaparamdam niya sakin.
Nasa rooftop ako ngayon ng isang abandoned building na lagi namin tinatambayan ni Den if ever malungkot kami, or gusto naming mapag-isa. This place, this is our safe haven.
I've arranged the rooftop, nilinis ko, I've arranged several flowers around the place. I want this day to be special. For her and for me. Nagpatulong din naman ako sa mga kaibigan ko, they know I'm gonna tell Denden my feelings for her today.
Hapon na, 5pm ang usapan natin dito and it's already 4:30. Kinakabahan na ko. But I'm sure I'm ready for this. Super ready.
Minutes passed by, and there she is. Kitang kita sa mukha niya ngayon yung pagka-amaze sa set up nitong place, she's so surprised yet may look din ng pag ka confused. Maybe she's wondering what's all of these for?
"Galang bebe! Ano to? May occasion ba? Friendsary ba natin ngayon? I totally forgot, I'm sorry." Denden
I love it talaga when she calls me Galang bebe. Hahaha cause she's my Lazaro cutiepie. Lumapit ako sakanya at kinuha and dalawa niyang kamay at dinala siya sa gitna.
"AHAHAHAHA. Hindi natin friendsary ngayon. Kalma ka lang cutie." Pininch ko yung nose niya after kong sabihin yun, an cute niya kasi.
"Eh anong meron? Ano to?" tanong niya
Huminga muna ako ng malalim. Eto na, hawak hawak ko parin ang dalawa niyang kamay.
"Dennise Michelle Lazaro, my bestfriend. Marami na tayong pinagdaanan, may mga masasaya, malulungkot, exciting, nakakakaba, nakakatakot, nakakakilig, minsan pa nga lahat yun nararamdaman ko all in one pag kasama kita. I know the next words I'm about to say to you may not sink in to your thoughts immediately but please know this, ................
I. LOVE. YOU. Not as my bestfriend but I love you because you are you. MAHAL KITA DEN. Hindi ko kaya, hindi ko kayang hindi ka makita o makausap man lang sa isang buong araw. Gusto ko alam ko lagi ang mga ginagawa mo, kung sinong mga kasama mo. Nagseselos ako sa tuwing may umaaligid sayo na mga asungot. Naiinis ako kapag may nakakapagpatawa sayo ng higit pa sakin, kasi gusto ko sakin mo lang binibigay yung full force mong tawa. Ayokong nakikitang malungkot dahil doble ang sakit na nararamdaman ko. Lahat ng magpapaiyak sayo bubugbugin ko. MAHAL NA MAHAL KITA."
"I want to formally court you, liligawan kita. Will you let me?"
Nakikita ko medyo namumutla na siya. Is she scared? Bakit ganito, nabigla ko yata siya.
"Den, please say something."
.........
"NO" tinanggal niya yung mga kamay niya sa pagkakahawak ko
"What?" Nabigla ako. Bakit niya to sinasabi. Ayaw niyang magpaligaw eh daig pa nammin magsyota sa mga kilos namin.
"I said NO. You can't and you won't court me." madiin niyang sabi