Rebecca's POV
"Tahan na best. Wag ka ng umiyak." Jennifer
"Ang sakit eh! Sana hindi na lang siya bumalik. Sana hindi na lang kami nagkita ulit. Sana.. Sana.." Queenie
Iyak ng iyak si Queenie.
"Best, wag ka ng umiyak." Hyacinth
"Best, tama lang na nagkita-kita ulit tayong lahat." Ako
Napatingin silang lahat sa akin.
"Para matapos na ang lahat ng sakit ninyo. Alam ko naman kasing nasasaktan pa rin kayo sa nangyari noon. Alam kong mahal niyo pa rin sila at kaya hindi kayo nagpaligaw dahil sila ang hinihintay ninyo. Pero wala tayong magagawa kasi ito ang kapalaran natin. May saya at may lungkot. Kung hindi natin sila nakita, patuloy kayong masasaktan at aasa na sila pa rin ang para sa inyo. Pero kung nakita natin sila, magkakaayos ang lahat at mapag-uusapan ang mga dapat pag-usapan. May magkakabalikan at may hindi magkakatuluyan. Ano man ang resulta ng pagkikita ninyo, saya man o sakit sa puso, dapat nating tanggapin. Yan ang itinadhana sa bawat isa sa atin. Let's just go with the flow and keep moving forward." Ako
Pinahiran ni Queenie ang luha niya.
"Tama si best Becca. Whatever the result, face it. Walang magagawa ang pag-iyak ninyo. Kausapin niyo sila ng maayos at wag kayong magpadala sa emosyon ninyo." Emerald
"Keep calm." Ako
"Six years na rin kasi eh. Matagal na yun kaya may magbabago talaga." Emerald
"Tama. Charilou at Queenie, makipag-usap kayo ng maayos sa kanila. Pakinggan ninyo ang side nila. Si Alex gustong makipag-usap sayo Lou. Ikaw naman Queenie, hindi mo pinakinggan ang paliwanag ni Kim." Ako
Tumango silang dalawa.
"Pero sa tamang panahon kayo makipag-usap. Yung handa na kayo at gusto niyo ng makinig sa kanila. Hindi ko kayo pinipressure at wala akong dinadapigan sa inyo. Sinasabi lang namin ni best Em ang kung ano ang tama kasi kami rin ang nakakaalam sa sitwasyon ninyo." Ako
Tumango sila.
"Kayo namang tatlo, bests?" Emerald
Tumingin kami kina Jennifer, Hyacinth at Nicole.
"Okay na ba kayo?" Ako
"Ahh.. Okay lang." Nicole
"Bati na kami ni Oliver." Hyacinth
"Friends na rin kami ni Christopher." Jennifer
"Okay." Emerald
"Kung ano man ang desisyon ninyo, sana masaya kayo at walang hinanakit. Desisyon niyo pa rin naman yan. We're here to support you. Okay?" Ako
Nag-group hug kaming pito.
"All is well." Ako
Napanood ko lang yun sa Three Idiots. Ang ganda ng movie na yun kasi nakakainspire.
"All is well." Sagot nila
Charilou's POV
Tama si best Becca. Dapat ko ng harapin si Alex.
Akala ko pagagalitan talaga ako ni Becca kanina kasi tinawag niya ang pangalan ko ng kumpleto at walang best sa una. Pag ganyan si Becca na walang best sa una ng pangalan namin, galit na yan o wala sa mood.
Nanatili ako sa living room. Si Queenie, matutulog raw ulit. Sina Jennifer, Nicole, Hyacinth at Emerald naman ay maliligo daw muna.
Naiwan kami ni Becca dito.
BINABASA MO ANG
He's Mine. She's Mine.
Novela JuvenilSundan ang story ng mga magbabarkadang sina Rebecca, Queenie, Hyacinth, Jennifer, Nicole, Charilou, at Emerald kasama ang pitong nagagwapuhan na mga lalaki na sina Tristan, Kim, Christopher, Alex, Oliver, Jack, at Ricco.