Amethyst's POV
"Amethyst? Gising ka na ba?" he asked outside my room while knocking the door, "Mangengealam na 'ko sa kitchen mo para sa breakfast natin ah." he added.
Nagtalukbong ako ng kumot at di sumagot. Leche, talaga bang dito pa niya balak mag-breakfast? Dito na ba siya titira? Aish. Kainis na lalakeng yun! Nang dahil sa kanya kaya di ako nakatulog ng maayos e. OMG! Baka may eyebags na 'ko at ito pa ang makasira ng beauty ko, huhu.
I tried to close my eyes again for the nth time pero agad ko ring idinidilat dahil paulit ulit na pumapasok sa utak ko yung...yung eksena kagabi.
"I love you...Aileen."
Napabangon ako ng wala sa oras at nasampal ko ang sarili ko. What the hell is happening to me? Bakit ba kasi paulit ulit din na nag-e-echo sa tenga ko yun?
"Aileen daw. Psh. Ako ang hinalikan niya tapos si Aileen pala yung nasa isip niya. Ang unfair niya, ah." I said irritated to myself. Oh my gosh! Ano ba 'tong pinagsasabe ko? Hindi ako disappointed noh—Hindi.Hindi.Hindi! Aish, sige na nga. I'm a little bit disappointed, konti lang naman as in konti. Asa naman yung unggoy na ulap na yun. Baka isipin pa niyang gusto ko siya. Eww, over my drop dead sexy gorgeous body.
After doing my morning rituals ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Lintek lang, ba't ba 'ko kinakabahan e unit ko naman 'to? Pagkalabas ko ay nakita ko siyang busy sa kitchen kaya di ko na siya inistorbo at dumiretso akong sala saka ako sumlampak sa sofa at binuksan yung TV.
Nakatutok ako sa TV pero di ko rin naman naiintindihan yung show. Ugh, walang pumapasok sa utak ko. Ano ba kasing nangyayari sa akin, e wala naman akong sakit?
"C'mmon Amethyst, fix yourself. Erase all your thoughts which is not necessary to think. What happened last night was just nothing. It's nothing. You're not even Aileen, mas maganda ka dun okay? Kaya wala yun..." I whispered again to myself. Napa-praning na talaga ako.
"Anong wala lang yun Amethyst?"
Tila na-freeze ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses niya at maramdamang nakatayo lang siya sa likod ko. The hell. Bakit ganito ka-abnormal yung tibok ng puso ko? Bakit kinakabahan ako sa kanya e unggoy kaya yan. Tss.
"H-huh? Uhm...w-wala ka na dun." I answered stuttering.
"Okay. Ready na yung breakfast, kain na tayo." he said.
"Ah, sige una ka na. Busog pa 'ko." sabi ko pa ng di pa rin siya hinaharap. Naka-indian sit ako sa sofa at nagpapanggap na nanonood ng TV kahit na wala naman akong maintindihan.
Nagulat naman ako at napasandal sa sofa ng wala sa oras ng sumulpot siya sa harap ko at bahagyang yumuko para maging magka-level kami. Ay, jusko ang lapit niya ho sa akin!
"Ano bang nangyayari sayo? You're acting weird." kunot noong tanong niya saka ako tinitigan sa mata.
Napatingin ako sa...sa labi niya at napalunok ako before I diverted my gaze somewhere. Gosh, yung heartbeat ko parang 200 beats per minute sa sobrang bilis. Hindi na 'to normal, may malalang sakit na ata talaga ako. Agad ko siyang tinulak para makalayo siya sa akin atsaka ako madaling tumayo, "Anong weird pinagsasabe mo? Nababaliw ka na naman, tss." I said then I went directly to the kitchen and heaved a deep sigh.
"Nagluto nga pala ako ng soup, medyo may hangover pa ko e, kuha ka lang kung gusto mo. Para naman sa ating dalawa 'yan." he uttered smiling bago siya umupo sa harap ko at nag umpisang magsandok sa pinggan niya.
BINABASA MO ANG
My Naughty Bratinella (Completed)
Teen FictionKONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? it's given. TALENTED? Gosh, it's a fact. MATALINO? Pwede na. KINABABALIWAN? Oh, come on--You should know that! Meet me! *ehem* I am the supe...