Ang buhay ng tao ay mahalaga at mahiwaga, ngunit hindi natin alam kung hanggang saan at kailan ito magtatagal. Maraming mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Masaya, malungkot at minsan nga isang kakaibang pangyayari. Sa ating buhay hindi natin napapansin, nauunawaan ang mga taong lubos na nagmamahal sa atin. Ang mga maliliit at mga simbolong bagay ng pag-ibig.
Sa isang mahangin at tahimik na lugar eto ako naghihintay kay Kiel. Si Kiel na aking kasintahan at mahal na mahal ko. Nag-iisa at walang magawa kundi tumingin nalang sa mga bituin na animo’y nakatangin sa akin.Hindi ko alam kung bakit lagi nalang ako ang naghihintay sa kanya.
“Hi! Kath” isang boses ng lalaki ang aking narinig sa aking likuran.
“Kiel! Happy 5th Anniversary!!” sigaw ko sa kanya.
“Huh? Anniversary ba natin?” tanong nya na mukhang walang alam.
Hindi ako umimik at ang tangi ko lang nagawa ay tumalikod sa kanya.
“Kath, biro lamang hindi ko naman nakalimutan. Ang totoo nga e may regalo akong siguradong ikatutuwa mo” panunuyo sa akin ni Kiel.
“Talaga! Ipapakilala mo na a ako sa magulang mo?” isang ngiti ang ibinigay ko pagharap ko sa kanya.
“Huh? Ah....ehh...kakaalis lang ulit ng magulang ko pupunta silang hongkong para sa isang business. Pero eto talaga ang regalo ko sayo” sagot ni Kiel habang ibinibigay sa akin ang isang maliit na kahon.
Naku! Ano kaya ito? Magpo-propose na ba sa akin sa Kiel. Naku hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang laki ng ngiti sa aking mga labi ng kuhanin ko ang maliit na kahon. Dali-dali kong binuksan at……..
“Ano to? Tatlong susi?” isa uling simangot sa aking mukha ang namuo.
Subalit napangiti lamang sa akin si Kiel.
“Alam mo Kiel! Hindi ako nakikipagbiruan sayo, wag mo ngang gawing biro ang relasyon natin. Ipinadadama ko sayo na mahal kita pero ikaw!........pagpapakilala lang sa magulang mo hindi mo magawa lagi nalang may trabaho, at wala silang panahon. Hindi ko alam kung nagsasabi ka pa ng totoo at ngayon itong susi? Ano ba to isang biro? Pwes hindi nakakatawa!” sinabi ko Kiel ng buong galit sabay tapon sa tatlong susi.
Hindi umimik si Kiel sa halip hinanap nya ang mga susi kung saan ko itinapon. Hindi ko matanggap ang mga nangyayari kaya tinalikuran ko sya at naglakad papalayo. Isang mainit at nakakapasong pakiramdam ang aking nararamdaman at doon nakita ko mula sa kalangitan ang isang bolang apoy na papalapit sa akin.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isang liwanag galing sa bintana ang aking naaninag, umaga na pala. Isang kakaiba at mukhang makatotoong panaginip subalit ang lungkot ko naman. Naramdaman kong sobrang tahimik datirati ay naririnig ko ang boses ng aking kapatid mula sa loob ng aking kwarto. Lumabas ako at nagtungo sa kusina, nadatnan kong kumakain ang magulang ko at ang aking kapatid.
“Magandang umaga!” bati ko sa kanila. Ngunit walang sumagot at isang malungkot na mukha ang aking nakita. Hindi na muli ako nagsalita at biglang may kumatok sa pintuan ng bahay. Tumayo ang aking ina at binuksan ito, sumambulat sa kanya Kiel na may dalang puting bulaklak niyapos siya bigla ng aking ina ngunit hindi ko marinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Umalis na si Kiel na hindi man lang nagpapakita sa akin, bakit? May problema ba? Nais ko maliwanagan sa mga nangyayari ngunit wala namang nais magsabi. Sinabayan ko sa paglalakad si Kiel ngunit para syang wala kasama, ni hindi nya ako pinapansin at parang wala syang nararamdaman sa mga tapik ko sa kanyang balikat. Hanggang sa makarating kami isang puntod, inilapag nya ang bulaklak sa tabi at nagsindi ng kandila. Maya- maya pa’y tumulo na ang mga luha ni Kiel. Ako’y lubhang nangamba sa kanya at ilang tanong ang aking nasambit ngunit wala ni isang sagot mula sa kanya. Kinuha nya ang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Laking gulat ko nang kahawig nito ang kahon sa aking panaginip. Nang buksan nya ito tatlong susi rin ang nakalagay at kahawig nito ang susi sa panaginip.
“Kath! Patawarin mo ako, hindi ko sinasadyang saktan ka. Humihingi ako nang tawad dahil hindi ko naparamdaman sayo kung gaano kita ka mahal” biglang sagot ni Kiel.
“Kiel?” tanong ko.
“Pasensya na kung hindi kita magawang ipakilala sa aking magulang, ang totoo’y marami lang talaga silang ginagawa pero ang lagi kong kinukwento ikaw sa kanila. Kilalang-kilala ka nila at mukhang palagay ang loob nila sayo. Lagi humihingi sa akin ng paumanhin ang aking ina dahil wala silang panahon pero lubos na ipinangako nilang darating sila sa kasal natin” tugon ni Kiel habang pumapatak ang kanya mga luha.
“Kiel, patawad…….patawad kung hindi kita naunawaan” sabi ko sa kanya.
“Ang unang susi ay simbolo ng bahay na matagal ko nang ipinundar para sayo, pangalawa ay ang kumpanyang ibinigay sa akin ng aking magulang para sa ating dalawa at ang pangatlo sana ay ang singsing na magbubuklod sa ating dalawa habang buhay. Ngunit hindi ko na ito mapapakita at magagawa sayo. Patawarin mo ako” tugon ni Kiel
Isang tanong ang namutawi sa aking isip. Bakit? Tumingin ako sa puntod at binasa kung sino ang nakalibing at doon nakita kong nakaukit ang aking pangalan.
“Hindi…..Hindi….Kiel!.....Hindi……” sigaw ko.
Unti-unting binabalot ng dilim ang buong paligid at naramdaman kong lumalayo ako kay Kiel. Umalis si Kiel nakatungong lumuluha sa daan habang isang sasakyan ang paparating at biglang nabalot na nang dilim ang buo kong paligid. Wala ni isang bagay akong makita at kahit si Kiel wala rin. Tumulo ang luha sa aking mga mata at bigla ko nalamang tinawag si Kiel. Nang biglang........
“Kath....Andito na ako” boses ng isang lalaki.
Tumingala ako at nakita ko si Kiel na nakangiti sa akin.
“Kiel, patawad at maraming salamat” sabi ko sa kanya.
“Patawad rin nagkulang din ako, mahal na mahal kita” tugon nya sabay hawak sa aking kamay.
Isang liwanag ang aming natanaw at doon kami’y nagtungo ng may ngiti sa aming mga labi.