Hi,guys! :)) This is my first ever story. hahaha. Comment kayo . tatanggapin ko lahat ng panlalait. hahah Since ngayon palang naman ako gumawa. Thank youuu! sana basahin nyo. *Half-meant yung iba dyan :)))
-----
(Play the song on the multimedia)
“Ang tunay na pag-ibig hindi nakikita sa Slow Mo kundi sa Fast Forward. Dahil kapag kasama mo ang taong mahal mo ang bilis ng oras, ang bilis ng pangyayari, nakikita mo kaagad ang future ninyo. At dun mo lang malalaman at masasabi na ito ay MBL- Must Be Love.”
Love? Ano yun? Sabi nila ito daw yung nararamdaman mo sa isang taong gusto mo laging makasama, yung taong gusto mo laging maka-usap lalo’t higit sa mga panahong nangangailangan ka ng iintindi sayo,yung taong walang segundo,minuto,oras o araw na hindi mo iniisip,yung taong kahit napakasimple lang ng pabor na ginawa sayo abot langit na ang ngiti mo at higit sa lahat ito daw yung taong makakapagparamdam sayo na kahit kulang ka kapag siya ang kasama mo solve na solve ka na. Na malilimutan mo ang lahat ng problema sa mundo dahil sa sobrang saya.
Sabi rin nila kapag kasama mo yung taong nagparamdam sayo nung “love na yun ay makakaramdam ka ng spark. Yung bang may kakaibang enerhiyang dumadaloy sa iyong mga ugat na parang may kung anong kiliti kang nararamdaman kapag tumingin,ngumiti o kinausap ka niya. Bigla na lang mamumula ang iyong pisngi at iinit ang iyong pakiramdam.Yung “kilig factor” ba na tinatawag nila.
Pagkatapos mong sumaya at kiligin sa mga unexpected "the moves" niya sisimulan mo ng hingin yung number niya sa kaibigan mong ka-close niya. Mag-gi-GM ka ng "Good Morning! :D" pero ang totoo sa kanya mo lang talaga ni-send.Kasunod nun kikiligin ka dahil nag-reply siya kahit ang sinabi lang naman niya "Sino to?". At dyan ka na magsisimulang gumawa ng kwento na may nag-send lang number niya sayo or kung hindi naman may nag-plugged ng number nya kahit hindi naman siya nagpapa-plugged.
BEST FRIENDS.
Ilang linggo pa lamang kayong magkatext iba na agad ang status nyo sa isa't isa,"BEST-FRIENDS" na agad-agad. Ni hindi kayo dumaan sa label na "text-mate". Hindi pa nga kayo nag-uusap sa personal eh kahit nag-promise kayo sa isa't isa (sa text) na mag-uusap or magbabatian kayo sa personal kapag nagkita kayo sa school. Pero walang nangyari, nagkakahiyaan pa rin kayo sa isa't isa. Ni isa naman kasi sa inyo walang gustong maunang mag-usap kapag magkaharap na. Para bang isa kayong "Pipi". Tapos sa text magsisisihan kayo kung bakit hindi kayo nakapag-usap nung nagkita kayo. Wag ng magturuan parehas naman kayong may kasalanan.
I MISS YOU and I LOVE YOU.
Mga katagang parehas ninyong binitawan sa bawat isa (sa text). Hindi man sa personal pero para sa iyo (Girl) ang laki ng impact dahil isang malaking pag-ASA ang ibinigay niya (boy) sa iyo na merong patutunguhan ang label nyo bilang mag- BEST FRIEND. Inaasar na nga kayo sa eskwelahan ng mga barkada ninyo. Pinipilit na aminin ninyo na KAYO na talaga. Pero wala naman talagang namamagitan sa inyo hindi ba? Oo maaaring ikaw (girl) mahal mo siya (boy) ng higit pa sa pagiging BEST FRIEND pero ganun din kaya ang nararamdaman niya (boy) sayo (girl)? Pero hindi naman masama kung isipin mong gusto ka rin niya (boy) hindi ba? Sabi mo pa nga may mga pagkakataong ikaw lang lagi ang gusto niyang ka-text. Yung tipong gusto ka pa sanang ipakilala sa mga magulang niya nung nagkaroon ng festival sa lugar ninyo, ang masaklap lang doon hindi natuloy dahil busy ka sa school-club activities nyo. Hindi ba't nagpalit rin siya (boy) ng number at ikaw ang unang sinabihan nito. Ayaw pa nga niyang ipagkalat mo sa iba ang tungkol dito. Ito nanaman ikaw (girl) kilig na kilig. Pero mukhang minalas ka ng biglang masira ang bagong sim niya. Ikaw (girl) rin naman ang tinawagan niya (boy) noong nagkaroon sila ng family outing. Ang dami ninyo ngang napag-usapan eh. Mga konting problema tungkol sa selosan at pang-aaway sayo (girl) ng mga taong may gusto sa kanya (boy). Pati yung tawagan nyo sa isa't isa na kina-inggitan,kinakiligan at kinainisan ng iba ay pinag-usapan ninyo rin. Hindi ba't ang perfect ng lahat para sa inyo?
GOODBYE.
Katagang pinaka-ayaw mong marinig o sabihin sa lahat. Pero kung nalaman mo bang hindi ka niya kayang mahalin ng higit sa pagiging BEST FRIEND, itutuloy mo pa ba? Kahit nagmumukha ka ng tanga? Kahit nasasaktan ka na ng sobra? Anong pumipigil sayo(girl) kung bakit nahihirapan kang sabihin ito sa kanya (boy)? Dahil ayaw ka(girl) niyang lumayo sa kanya(boy)? Pero para saan pa hindi ba? Hindi ka naman niya kayang mahalin ng higit pa sa gusto mong mangyari. Kung papatagalin mo pa yang ugnayan nyo na iyan ikaw lang ang mas mahihirapan. Masakit pero kailangan.
AFTER ILANG MONTHS COMES A GOOD NEWS.
"Hey friend! may sasabihin ako sa iyo. Nakakwentuhan ko si Boy kanina."
"Oh? Anong meron?"
"Eh ayaw mo atang malaman yung sinabi niya eh. Hindi ko nalang iku-kwento. Bahala ka baka pagsisihan mo."
" De! Joke lang. Sige ano ba yun?"
"Tinanung ko kasi siya kung nagustuhan ka ba niya? Kung naging crush ka niya? Sabi nya Oo naman daw. Sino ba daw hindi magkaka-crush sayo. Ang bait bait mo daw,cute tapos ang sweet sweet mo pa nga daw. Natatandaan pa nga daw niya yung tawag mo sa kanya dati eh. Hindi ba't siya daw si Moon at ikaw si Star kasi daw kahit ano daw mangyari babantayan mo siya."
Ilang gabi mo rin pinaglamayan ang nawala nyong friendship. Ginusto mo (girl) rin naman iyan hindi ba? Para hindi ka na masaktan kahit na hindi mo kaya. Pero noong narinig mo ang lahat ng sinabi ng kaibigan mo gugustuhin mo pa rin bang mag-move on?
You're the perfect reason to be inspired
Let me dream that one day you'll also look at me
The way I look at you. ♫♪♫
Eto na yung "One day" na sinasabi sa kanta. Yung "One day" na malalaman mo at mare-realized niya(boy) na parehas kayo ng nararamdaman para sa isa't isa.
Unheard feelings I can't bear anymore
What should I do for you to hear them?
I think I need a loud hailer for you to hear me?
To hear me what I'm saying.♫♪♫
Pero ano ng gagawin mo(girl)? Handa ka na bang sabihin sa kanya(boy)? Marahil ito na yung tamang panahon para sabihin mo(girl) ang tunay mong nararamdaman para sa kanya(boy) ng sa gayo'y bumalik na ang dating siglang dati sayo'y nawala. Sobrang saya mo(girl) at sobrang kinikilig ka pa rin sa mga nagyayari.Hindi ka makapaniwala sa lahat ng nagyayari.
PERO.
Pero sasaya ka pa kaya at kikiligin, kung alam mong yung taong dahilan ng lahat ng ito ay may mahal ng iba? Kung hindi ka ba lumayo sa kanya dati kahit alam mong hanggang best friend lang ang tingin niya sayo, posible bang..
...Ikaw ngayon ang kasama niya sa mga restaurants and fast food chains?
...Ikaw kaya ang tinatanong ng "Kamusta ka na?", "Anong ginagawa mo?".
...Ikaw kaya ang naging prom date niya?
...Ikaw kaya ngayon ang hinahatid-sundo sa bahay?
...Ikaw kaya ang ipinakilala sa mga magulang niya bilang "soon-to-be"?
...Ikaw kaya ngayon ang binibigyan ng flowers and chocolate?
...Ikaw kaya ngayon ang sinasabihan ng "I miss you, I love you and Ingat"?
...Ikaw kaya ang sasabihan niya ng "Together, Forever"?
Pero sabi nila hindi pa huli ang lahat. Marami pang pwedeng mangyari at pwede pang magbago ang lahat kung gugustuhin mong aminin ang tunay mong nararamdaman sa kanya.
"Pero paano? Ayokong makasira ng relasyon nila. But I hope that that one day will come for me to say those words. I'm willing to wait for forever until he finally HEAR ME saying that I LOVE HIM."