Chapter 46: Unplanned

118 4 0
                                    

Tristan's POV

Pagdating ko sa apartment namin.

"Tristan, buti dumating ka na. Kakasimula lang naming maghapunan. Halika na." Christopher

"Mamaya na ako." Ako

"Okay." Christopher

"San ka pala nagpunta kanina?" Jack

"Oo nga. Bigla na lang kayong umalis ni Kim." Oliver

"Sa labas lang ng mall." Ako

"Bakit naghiwa-hiwalay ba kayo?" Alex

"Sayang wala ka dun Alex! Para kaming nanood ng movie. Hahahah" Oliver

"Sira! Tumigil ka nga jan!" Ricco

"Ano bang nangyari?" Alex

"Eh kasi tong girlfriend ni Kim, ang sweet sa kanya, nagselos ata si Queenie, naabutan naming sinigawan ni Queenie si Becca tapos sinabi ni Kim kay Queenie na mahal niya pa rin si Queenie. Ayun hindi namin maintindihan tong si Kim kaya nasuntok ni Tristan. The end." Ricco

"Eh bakit ka ba kasi nagkakaganyan Kim? Bakit ka naghanap ng girlfriend kung mahal mo pa rin pala si Queenie?" Alex

"Hinintay mo na lang sana si Queenie. Mabuti pa kami ni Nicole. Maayos na maayos na kami." Jack

Inihampas ni Kim ang kamay niya sa mesa.

"Wala kayong alam!" Kim

Tumayo siya at papunta sa kwarto niya.

"Edi magkwento ka para may alam na kami!" Oliver

"FUCK! CAN YOU JUST PLEASE SHUT YOUR MOUTH?" Kim

Tumayo si Oliver.

"EH GAGO KA PALA EH! IKAW NA NGA TONG PINAPAKWENTO PARA MATULUNGAN KA NAMIN, IKAW PA TONG GALIT!" Oliver

Inawat ni Ricco si Oliver.

"AAAAAAARGHHHH! DAMN IT!" Kim

Sinusuntok niya ang dingding ng tatlong beses.

"KIM!" Chris

Awat ni Chris.

Pumasok si Kim sa kwarto niya.

"Hayaan na muna natin si Kim." Alex

"Tsk!" Oliver

Umupo ako para kumain.

"Akala ko ba mamaya ka pa kakain?" Chris

"I changed my mind." Ako

Ayoko lang na makasabay si Kim kasi nga hindi pa kami bati.

Pumasok siya sa kwarto niya kaya kakain na ako.

Pagkatapos naming kumain, saktong may tumawag kay Alex.

"Babe." Alex

Si Mich.

"Hah? Wala siya rito. Huli ko siyang nakita kanina lang nung hinatid nila tayo dito sa apartment. Bakit? Hindi pa umuwi? Baka nasa bahay na nila? Wala? Tinawagan niyo na ba siya? Sige, sandali lang tatanungin ko sila." Alex

Tinignan niya kami.

"Nakita niyo ba daw si Becca?" Alex

"Huli ko siyang nakita sa mall." Chris

"Diba sumama siya sa ibang friends niya kanina?" Ricco

"Wala daw sa apartment nila." Alex

Wala si Becca sa bahay nila? Hinatid ko siya dun ah?

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon