Si Z po sa multimedia ^^
~~~
(Kinabukasan)
Kahit napakasama ng pakiramdam ko eh pinilit ko paring pumasok . ayoko sa bahay , andun si kuya.
Nakasalubong ko naman si Besty sa hallway.
Mukhang bangag nanaman to ah.
Tsk."Morning besty ."
Bati nya sakin.Pilit ko naman syang nginitian kahit mapait .
Nahagip naman ng mata ko si kyle at ung punyetang transferee.
Hindi yata ako napansin ni kyle .
Tangina lang.
Tinapik ni Z ung balikat ko,
Saka dinaluhan ako pumunta sa room namin.Kaklase ko nga pala si kyle ngayon.
Huminga ko ng malalim bago pumasok ng classroom.
There i saw them together .
Flirting each other.Pumunta na kami ni Besty sa upuan naming dalawa .
Nakita naman ako ni kyle,
Tinignan ko rin naman sya.Pero hindi ako tumigil sa paglakad ko,
At pag upo sa tabi nya.Bakit ? Dito ko nakaupo eh.
"Haaaaay, kay agang landian."
Si besty, kunyaring naghikab pa ang gaga.Inisnob lang un ni kyle .
Nakita ko namang napatingin ng masama ung transferee sa gawi ni besty.Ahahaha, nice one besty.
Di nagtagal eh pumasok rin ung prof namin .
"Good morning class , okay so may bago kayong classmate .. I heard that she's a transferee from Italy. So please , miss. Introduce yourself here infront."
Tumayo naman ung katabi ni kyle na transferee , saka pa-pretty'ng naglakad papunta sa harap.
"Ang landi naman, sows kala mo kinaganda mo yan ?."
Si Besty , hindi sya sumigaw pero sapat ung lakas ng boses nya para marinig ng mga kaklase ko ung sinabi nya .
Tsss . haha nagu-good vibes ako sa katarantaduhan ni besty .
Saka naman natawa ung mga kaklase ko.
Ung iba napatingin sa gawi namin ng nakangiti.
Humarap naman ung coloring book sa harap saka umirap.
Pssh. Kala mo naman kagandahan.
"My name is Shane, 21 years old, a super hot model back from italy."
Pakilala nya."Pornstar for short . ahihihi "
By that napatingin si kyle sa panig ni besty.Nilagpasan nya ko ng tingin na tila wala ako dito sa tabi nya.
Arouch .
Bumalik na sa upuan ung shane.
Tapos hinawi ung baba ni kyle papunta sa kanya, para sa kanya lang nakatingin si kyle.
Tsss. Tae.
Nagpatuloy ang klase namin pero hindi ko matake ung paglalandian ng dalawang to.
Nasa pangalawang row kasi kami sa likod eh.
Tapos wala pang nakaupo sa last row.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
ContoBasta gawa gawa lang to . Katamad gumawa ng description Fis . ^_^v