I don't know where I am.
I can hear people screaming.
"Run!"
I smell blood.
"Run!"
They are everywhere.
I don't know what to do.
"What the hell Frey, run!"
Nabalik sa realidad ang isipan ko. Tama kailangan namin tumakbo.
"Anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Laurel habang patuloy na tumatakbo.
Umiling lamang ako bilang sagot. Kailangan namin umalis dito ngayon. Kailangan namin makalayo dito. Mayroong mga nagbabarilan. May mga dugo sa kalsada. May mga taong wala ng buhay na nakahandusay sa aming dinaraanan. What's happening?
Hindi namin alam kung anong nangyayari. Hindi namin alam kung saan kami pupunta. Basta kailangan namin makalayo dito.
Napatigil si Horus sa pagtakbo. "Kuya, ano yun?" sabay turo sa mga kumpol ng taong naglalakad na duguan.
Mas lalong lumakas ang mga sigawan at putok ng baril.
"Hi. . Hindi ko alam." sagot ko. "Kailangan nating makaalis dito."
Patuloy kaming tumakbo. Kaliwa't kanan ang putukan. Maraming tao din ang mga nagtatakbuha. Bata. Matanda. Lahat sila gustong makaalis dito. May mga nakikita akong nagpapatayan. May mga . . . may . . . I don't know. I don't know what's happening.
"Tulong!! Tulungan niyo ako!" sigaw ng isang lalaking nakabulagta sa kalsada.
Huminto kami upang tignan ang kalagayan nito. Hindi na ito makatayo dahil sa bitak ng sementong nakadagan sa mga paa nito.
Iniabot nito ang kamay niya. "Tulong. Tu . . . Tulungan niyo ako."
Tinignan ko ang katawan niya at nakita ko ang isang napakalaking sugat na patuloy ang pagdugo. Pinipilit nitong makatayo ngunit hindi nito kaya. Hanggang sa lumabas ang sariwa niyang dugo mula sa bibig nito.
"Tulong. . Please."
Hinila ni Laurel ang kamay ko. "No Frey, we need to go. We can't help him."
Patuloy kong hinakbang ang mga paa ko. Tumakbo kami papalayo sa putukan at sa lalaki. I can still hear his voice. Begging for help. I just closed my eyes and continued to run.
Hindi pa rin kami nakalalayo. Rinig na rinig pa rin namin ang mga sigawan at putukan. Tumingin ulit ako sa lalaki ngunit hindi ko na ito mahagilap. Hindi namin tinakbuhan ang lalaki because we are selfish. We ran away because we need to save our lives.
Napatigil kami ng magsalita ang isang lalaki mula sa speaker.
"Residents of Nexus 5 please proceed to . . ."
Suddenly, something exploded. Naramdaman ko nalang ang pagbasak ng likod ko sa sementadong daanan. My vision blurred. My ears started ringing. I looked for Horus and Laurel pero hindi ko sila makita. Nakaramdam ako ng tumutulong dugo. Sinubukan kong tumayo at halos matumba ako sa sakit mula sa tiyan ko. Itinaas ko ang damit ko at nakita ang isang pahabang bakal na nakatusok dito. Sinubukan kong alisin ngunit hindi ko kaya.
Isinigaw ko ang pangalan ni Laurel at Horus. Nagkalat ang mga katawan ng tao. Isinigaw ko ulit ang pangalan nila ngunit wala akong naririnig. I tried my best not to black out. Sinubukan kong maglakad sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Hinanap ko ang dalawa.
"Laurel! Horus!"
Bigla akong nakatisod ako ng katawan ng tao at natumba. Nakaharap ko ang bangkay ng isang lalaking hiwa ang kalahati ng ulo. Napapikit na lamang ako. Pinilit kong isigaw ang pangalan nina Laurel at Horus sa kabila ng nanghihina kong boses.