1

21 1 0
                                    

Sabi ng karamihan, para makamit mo daw ang tamang pagmamahal, kailangan mo daw hintayin ang tamang panahon o oras at ang tamang tao na magmamahal sayo ng tama.

Hindi yung may tama dahil sa sobrang kalasingan ha.

'Yun 'bang tinatawag nilang "perfect".

Naniniwala naman ako dyan at nakapaghihintay din ako para dyan.

Yung iba kasi, tamang pagmamahal sa maling panahon at maling pagmamahal sa tamang panahon.

Napakagulo lang diba? Hindi mo naman kasi malalaman kung sino ba yung tama at mali mong mamahalin at kung kelan na ba ang tamang panahon para magmahal ka.

"Mauuuuuurix!" Tinapos ko muna ang huling letra na tina-type ko para i-enter sa aking blog bago ko lingunin si Denise na long time bestfriend ko na nakatayo sa pinto ng kwarto ko.

"Ano nanaman?"

"Taray naman nento! Uy may bagong transferee daw ha. Tsaka ang gwapo jusko at ang yummy pa daw!" Napataas bigla ang kilay ko sa narinig ko.

Sabado ngayon kaya nandito kami sa bahay. Pero bagong transferee? Gwapo? Yummy? As if naman interesado ako sa mga ganyan. Si Denise lang naman ang over maka react kapag nakakakita ng gwapo "daw".

"Oh eh ano namang gagawin ko?"

Natawa 'ko sa ginawa niya kasi nag-pout siya bigla. "Wala. Grabe ka naman sinasabi ko lang sa'yo e, malay mo naman kasi diba? Diba? Diba?"

Sinisiko siko niya pa 'ko habang nangangasar pero mahina lang naman. "Nako tigil tigilan mo 'ko sa kakaganyan mo Denise ha. Alam 'kong alam 'mong hindi ako interesado sa mga ganyan."

Inirapan nalang niya ko pero narinig 'ko pa yung huli niyang sinabi kahit pabulong lang ito, "Bahala ka baka pagsisihan mo 'yang 'pang-i-snob mo kay Daryl."

Natawa nalang ako at humarap nalang ulit sa laptop 'ko.

Mabilis lumipas ang linggo kaya lunes nanaman ngayon.

Gigising ng maaga, maliligo, kakain, papasok, mag-aaral, uuwi. Wala namang bago, maliban nalang sa bagong transferee na sinasabi ni Denise na gwapo at yummy "daw".

Habang naglalakad ako sa hallway, rinding rindi na ko sa mga naririnig 'ko kasi yung bagong transferee nalang na 'yon ang usapan ng lahat ng mga babae sa buong campus.

Hindi ako makarelate mga 'te! At wala rin akong balak makirelate sakanila.

"Girl alam ko na section ni Daryl!"

"Talaga girl saan? Saan dali!"

"Sandali! Oh ito na, sa 4-A daw siya."

"Sayang naman girl, 4-C tayo e."

"Oo nga e hays. Tara na nga muna 'dun sa field, nandon daw si Daryl e."

Hindi ko sila sinasadyang marinig ha! Pero matalino pala yung Daryl? Kami nga ni Denise 4-B lang eh. Haynako baka may kapit lang 'yon dito sa school kaya napunta sa 4-A.

Sus! Alam ko na 'yang ganyang klase ng mga lalaki! The-oh-so-called "famous-handsome-yummy-varsity player-playboy" na mga 'yan?! Nako mag-ingat na mga babae sakanya.

Nevermind na nga. Nasan nanaman kayang lupalop nagpupupunta ang bruhang Denise na 'yon? Sandali, 'wag mo sabihin sa'king nasa field din 'yong bruhang 'yon at nakikigulo doon?

Haaaaaynako. Hayaan ko na nga lang siya 'don. Hihintayin ko nalang siya sa room 'pag tapos na siya sa kakapantasya sa Daryl na 'yon.

"Oh 'bat nakabusangot ka dyan?" Dumating na pala ang magaling kong bestfriend.

Inirapan ko muna siya bago sumagot. "Buti naisipan mo 'pang pumunta dito sa room noh?"

"Omg beeeeees! Ang gwapo talaga kahit kelan ni Darrrrrryl! Wala man lang pinagbago kahit katiting sa katawan eh."

Ha? Walang pinagbago? Ibig sabihin kilala niya na yung Daryl dati pa?

"Anong walang pinagbago? Magkakilala na kayo dati pa?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Ha? Hehehehe wala."

"Okay class goodmorning." Magre-react pa sana ako kaya lang bigla ng dumating yung first subject teacher namin kaya ngumiti nalang siya sa'kin.

Hindi 'ko nalang inintindi yung sinabi ni Denise at nakinig nalang ako sa buong lesson namin.

Tsaka bakit ko naman iintindihin 'yon? Diba nga una pa lang sinabi ko na na hindi ako interesado sa kung sino mang Daryl na 'yon.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon