Once upon a time, there was a girl who has everything. A big house, different cars, expensive clothes and shoes. Her life was indeed perfect and at peace with her parents. However, there's this one person who completed her life. it was the prince. Her protector, her knight in shining ar------
"Aray!" Aish! Kainis naman tong si besh! Batuhin daw ba ko ng unan. Ang ganda ganda ng panaginip ko eh. Wahhhh! Prinsesa daw ako. Tas ang yaman ko pa saka complete family! Hihihi. ikikwento ko to mamaya sa mga kaibigan ko este MAGIGING kaibigan ko. Sa ibang school na nga pala ko papasok. *sigh* Huhuhu. Baka mamaya apihin ako dun. Tas makipagbarilan si besh para lang ipagtanggol ako. Kawawa yung mga mang aapi sakin.Huhu wahhh!---
"Hoy, Daniella Astrid Reyes! Alas syete na! Kung gusto mo mag daydream maghapon eh wala akong pakialam. Pero kung gusto mo makaptapos ng pag-aaral eh simulan mo ng magligpit at maghanda para pumasok !"-- galit na sabi ni besh.Grabe naman tong si besh. Umagang umaga highblood. Susme! "Eh bakit ba ang OA mo Gwyneth Shin Perez? Dami mong sinabi. Alas syete pa lang nama--- WHAT? Mabilis kong nicheck ang orasan ko. Wahhhh! 30 minutes na lang at assembly na. Huhuhu. Kasalanan to ni besh eh. Andaming sermon eh yan tuloy.
"Oy, Ella wala ka bang balak maligo?-- nakakunot na yung noo ni besh. Tingnan mo tong babae na to. Ang kulet! " Eto na nga eh diba? Bumaba ka na. Saglit lang ako magprepare, okay? Baka mamaya may sermon ka pa rin habang naliligo ako? Ilang beses ko ba sasabihin na di kita nanay ha? Aish! Tsupi na dun!-- sabi ko habang tinataboy sya.Totoo naman kasi. Daig pa nya nanay ko sa pagsermon eh. Napakadaldal! And speaking of motherhood, unfortunately eh wala na akong nanay at tatay. Hayyy,basta mahabang kwento. Tanong nyo na lang kay author kung kelan nya balak ikwento. Hihi. Actually, kaya masaya ako kanina sa panaginip ko eh may complete family ako dun. Tas prinsesa daw ako na may bahay. Seriously speaking, di naman mahalaga sakin yung material things, ang akin lang eh gusto ko magkasariling bahay. Nakikitira lang kasi ako kila besh. Nakakahiya na nga minsan kila tito at tita eh. Ya know? Basta oo ka na lang.
Teka nga pala, ang sabi sa panaginip ko eh may prince daw ako. Hihihi * giggle* Pero malabo yung mukha. Wahhhh! Siguro si Daniel Padilla lang yon o kaya si Lee Min Ho. Kyaaaaahh!
Shin's PoV
Antagal naman ni besh! Adik talaga yong babaeng yon. Abe grabe mag daydream. Late na kami susko! Di ko na tuloy masusulyapan ngiti ni bab---- "I'm readyyyy!" -- sigaw ni besh mula kadulo-dulohan ng diaphragm nya.Here we go again. Buong araw na bunganga na naman nya kasama ko. Kinuha ko na yung bag ko sabay lakad sa may pintuan.
"Let's go." Sasakay na ko sa kotse nang magsalita na naman si besh, " Oyy, besh! Sandali lang naman. Di pa ko kumakain. Wala ka talagang awa. Pakinggan mo si tummybabes oh? Huhuhu"
Aba't ako pa ngayon walang awa? Parang baliw talaga tong si besh. Pinapakinggan pa talaga yung tiyan nya. Hahaha. Hinayaan ko na lang syang kumuha ng sandwich sa table. Nakalimutan ko palang banggitin, SUPER MATAKAW yang si Ella. Agawin mo na lahat, wag lang pagkain nya. Kasi nakooooooo.
---SCHOOL---
Ella's PoVLalalalalalala~~ Wahhhh! Ang laki ng school na to. Parang langgam lang ang mga estudyante. Sino kaya una kong magiging close friend bukod kay besh? Sana mabait at normal di tulad besh Shin. Hihihi.
"Besh, makinig kang mabuti ahh? Intindihin mong mabuti lahat ng sasabihin ko, okay? --- biglang sabi ni besh. Eto talagang babaeng to kahit kailan napakadaldal!
"Besh di ko alam na andami mo palang pangarap paglaki mo!Kanina nanay kita tas ngayon naman teacher. Yung totoo pinagpapapractisan mo ba ako? Ano yan OJT? Hulaan ko mamaya doctor ka naman noh?--mataray na sabi ko kay Shin. Grabeee. Gusto nya yatang humakot ng award sa dami ng pangarap. "Aray!" -- daing ko ng pitikin nya yung tenga ko.
BINABASA MO ANG
Fated To Be With Mr. Arrogant
Teen FictionShe's jolly He's too serious She's friendly He prefers being alone She's dramatic He's a cold hearted man She's a nobody He's almost perfect What if fate keeps on putting them in ONE situation Would they continue to hate each other or Would love b...