Her POV
Hi! I'm Shourtmae Termlia Lovenia. Senior High na ako. I mean Grade 10 na pala ako. Magsesenior High pa lang. Mayroon akong crush. Palagi ko siyang pinagmamasdan ngunit hindi niya alam 'yun.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
Pumunta na ako sa locker section and accident kaming nagkabangga. Tumungo lang ako saka nagpatuloy sa locker ko. Sinubukan niya ako hilain pero tinabig ko lang ang kamay niya at umalis na ng tuloyan.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
Isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos ng nangyari. At saka hindi ko na siya pinagmamasdan. nalaman ko rin na hinahanap niya at kung ano ang rason. 'Yung angvhindi ko alam. Saka may Gf na siya so what's the use, right? Akala ko makakamove-on na ako. Pero mas lala lang akong nainlove sa kanya
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
Nahanap niya ako kanina sa room. Kaya agad niya akong nilapitan. Umiwas ako. Ayoko ng atensyon. Pero hindi, nilapitan niya parin ako at dinala ako sa lugawan. Sa una nagbabangayan kami. Pero ng maglaon ay hindi na.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
Usang buwan na ang nakakalipas, ganun pa rin ang set-up. At unti-unti niya na rin akong binago. Nag-aayos na ako and with class na kung gumalaw.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
After 1 month, niligawan niya ako for 6 months saka ko siya sinagot. Legal kami. Kaso nga lang, parang may mali.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
Isang gabi, nakita ko siya sa bar. May nakakandong na babae sa kanyang mga hita and worst nakita ko silang naghahalikan. Sumakit ang mga mata ko kaya umalis ako.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
Hinintay ko siya sa kanyang apartment pero iba ang nangyari. Nakita ko siyang may kaakbay na babae, yung gf niya. Akala ko ba wala na sila. Ano 'to ngayon? Naghahalikan pa sila papunta sa apartment niya. Napahinto silang dalawa sa ginagawa nila ng makita ako. Lumapit ako sa kanilang dalawa saka binigyan ko sila ng tig-isang malulutong na sampal at hindi pa ako nakukuntento. Binalibag ko pa ang babae. At nilayasan ko sila.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
One week akong nagkulong. One week kong pinarusahan ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko. Kung kailan hindi dapat pairalin ang katangahan saka pa umandar. and then I realize, bakit ko ba iiyakan ang isang walang kwentang lalaki? Haha. Bumaba na ako kaso andun siya. Hindi ko alam na pumunta pala siya. baka tinawagan siya nila Mama. Whatever. Lakas ng loob niyang magpakita sa'kin pagkatapos niya akong lokohin. Or from the start talaga is niloloko niya na nga talaga ako. Sinampal ko siya ulit ng pagkalakas-lakas sa harapan ng mga magulang ko. Ang lakas-lakas ng loob niya po para magpakita pa sakin. At may gana pa talaga siya magpakita at tumapak sa pamamahay ko. Sinampal ko siya ulit sa ka nakipagbreak. Wala akong oras sa mga lalaking walang kwenta. Second chance? Hindi ko 'yun ibibigay.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
Pumasok na ako sa school pagkalunes. Saka umupo sa dati kong pwesto. Binalik ko ang dating ako. Ayoko na. Ito ang napapala ko. Sana hindi mo na ako lumandi. 'Yan tuloy. Hahaha. Nakakatawa.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
"Alam mo ba kung bakit Shourtmae Termlia Lovenia ang pangalan mo!?", Sabi ng isang babaeng lumapit sa'kin dito sa Comfort Room ng Girls. Simula ng magbreak kami. Palagi na akong nabubully. Ito pala ang purpose niya? Ang makita akong napaparusahan? Hahaha.
"Kasi nga pang Short-Term Love ka lang!", sabay sampal sa'kin. Never pa akong sampalin ng mga magulang ko tapos nasampal nila ako?
Hinayaan ko na sila saka umalis namn rin sila. Napatawa na lang ako. Hahaha. Oo nga naman, oh? Ngayon ko lang narealize. Short cut yun ng pangalan ko. Wow. Hahahah. Letche. Shourtmae Termlia Lovenia. Haha! Tangina. Masasakit. Makakamove-on rin ako.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Lola: The End
Mel: Tapos na? Tragic naman ng kwentong binasa mo noon, Lola. Ang tragic ng ending!
Jamaica: Akala ko pa naman "Happily ever After" ang peg. Sus, hindi naman pala, Lola.
Lola: Haha-- hindi sa lahat ng Love story may happy ending. Real talk. Happy ending doesn't exist. Tandaan niyo 'yan. At wag kayong magpapaloko, okay?
Saka tumango na lang ang mga bata. Nakakatuwa namang isipin 'tong mga teenagers na ito. Haaaysss...
Minsan tinanong ko ang sarili ko. Nakamove-on na ba talaga 'yung babae hanggang ngayon? Nakamove-on na kaya 'yung babaeng niloko namin ng mahal niya. Yes, ako ang babaeng naging dahilan. Hindi niya ako gf. Kung iisipin niyo. I'm his bestfriend. Lasing lang kami kaya namin 'yun nagawa.
Kasalanan namin 'yun. Kasalanan rin namin kung bakit pumayag na lang si Shourtmae sa fixed marriage.
Kasalanan namin....... btw, I'm Destiny Wrecker. Ang bestfriend ng lalakong minahal ni Shourtmae.
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★
Bye! Thank you sa nagbasa nito!💋💋
-Black_Aster
BINABASA MO ANG
Short-Term Love
Teen FictionIsang pag-ibig na minsan ng naging kanya pero panandalian lang naman pala. Enjoy Reading. PerplexedHearts -Admin Black_Aster