Drizella

29 1 0
                                    

DRIZELLA

Delancy


One.

Tumakbo ako nang tumakbo kahit nakararamdam na ako ng sobrang pagod. Hindi ko na lamang ito ininda pagkat kailangan kong maabutan ang ambulansyang lulan ni Drizella. Gamit ang bimpong dala ay pinaraan ko na lamang ito sa aking noo na ngayo'y basang-basa na ng pawis.

Takbo ako nang takbo na para bang walang hanggan. Hindi ko manlang namamalayan na rumaragasa na pala ang luha kong kanina ko pa pilit na pinipigilan. No... I shouldn't cry... I shouldn't let this tears fell down in my eyes. I need to be strong... I need to be strong for her.

Hingal na hingal at pawis na pawis akong naka-pasok sa isang Private Hospital na pinagdal'han kay Drizella. Hinanap ko agad siya at napag-alaman kong kasalukuyan sine-set ang operation para sa kaniya. Sa pagod ay dali-dali na lamang ako umupo sa waiting area't nagdasal na lamang.

Walang katao-tao. Ako lamang ang nagsosolo sa lugar na ito kung kaya't hinayaan ko na lamang ang sarili kong humagulgol nang humagulgol. Nakakalungkot lamang na dahil sa sarili ko'y napahamak ang kaibigan ko. Sana, sana'y makaligtas siya sa Operasyong ito.

Nakarinig ako ng maraming iyakan di-kalayuan. Sa tapat ng Operation Room ay matatanaw ang Nanay at Kapatid ni Drizella na animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa. Maging ang tatay nito'y tahimik na umiiyak habang naka-upo sa sahig at nakasandal sa dingding.

Sino nga namang hindi iiyak? Maraming nagmamahal kay Drizella. She's always that good girl which makes her family to be proud of. She's always this friend that you can lean and count on. She's always this angel that every man want to claim as theirs. She's Drizella. And she's my bestfriend no matter what might happen after this. After that, I found myself sleeping uncomfortably. Hope this would do to release my tiredness. I have to be strong for tomorrow.

Two.

Sigawan at iyakan. Malabo kong naririnig ang mga iyon na siya ring naging dahilan ng pagmulat ng mga mata ko. Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at sinundan ang mga sigawan at iyakan na kanina ko pa naririnig.

Napatingin naman ako sa aking relo. Alas-dose pa lang ng madaling araw. Alas-syete nga pala ako natulog. Medyo nawala nga talaga 'yung pagod ko dahil sa pagtulog.

"Please, We'll pay for everything! Just save our daughter! Drizella! Drizella please fight for us! Anak!"

"Doc, do whatever it takes! She can't die... She can't die! Please, doc! I'm begging you!"

"Doc, Nagsisinungaling ka lang, 'di ba?! Please save my angel! Please! Please!"

Napahawak ako sa bandang sentido ko. Medyo nananakit ang ulo ko. Siguro'y dahil ito sa kakulangan ng tulog kaya't babalik na sana ako sa pagtulog nang may mapagtanto.

Boses iyon ng pamilya ni Drizella...

Dali-dali akong lumingon muli sa Operation Room. Nakita kong nakaupo na sa lapag ang Nanay ni Drizella habang ang kapatid naman nitong si Devishia ay hinihimas ang likuran ng ina. Ang Tatay naman ni Drizella ay sinusuntok ang nananahimik na dingding. What happened? Nagising na ba si Drizella?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Pabigat ng pabigat ang aking nararamdaman habang papalapit nang papalapit sa kanila. Hindi ko alam. Siguro, natatakot lang akong malaman ang totoo. Ang totoong kinahinatnan ni Drizella.

DrizellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon