Akala ko naka-move on na ako kay kuya management. Yun pala, akala ko lang...
WAAAAAHHHHH!!! OH MY GOSH!!!!
Wait let me hinga first. wooooh.
Okay ganito kasi yan.
Dumating si mama dito kahapon. So, dahil may pasok ako kaya si mama ang nagbayad sa bills ko. Pagdating niya doon sa management office, (ohmygosh diz iz it) bumungad sakanya si ate Joana, yung isa pang finance chuchu ewan di ko alam. Yung inuupuan ko ate Joana is ang dating pwesto ni kuya management. Lumipat na si kuya management sa kabilang table, pero nandoon parin siya. Binati ni mama si ate Joana at binati din siya. So eto na...
Iaabot palang ni mama yung statement of bill kay ate Joana, alam na daw agad ni ate Joana yung unit # ko. She was like, “Ay *my unit #*” Sabay sulyap daw kay kuya management then parang iaabot daw niya kay kuya management yung statement of bill ko. Kaso sa side ng mata ni mama, nakita niya daw na yumuko si kuya management.And then, hindi pa diyan nagtatapos. Nag observe daw si mama habang ginagawa daw ni ate Joana yung bill chuchu namin. Nakita niya daw sila ate Jet, yung kasama pa nila doon at yung isa pa na sumusulyap kay kuya management then ngumingiti ng patago. Y'know that “inaasar-face”. Ganern!!
So okay na. Lumabas na si mama ng management office. Hindi pa daw nakaka-layo si mudrakels, rinig na rinig niya daw na tumawa ng malakas sila ate Jet then inaasar daw nila si kuya management!!!!!!!!!!!! OH MY!!! WAIT LANG. WHAT THE HECK!!!! ANO YERN?!!!!!
Pagsakay ni mama sa elevator, nakita niya daw na mali yung nasulat ni ate Joana na date. Kaya bumalik siya. Well, nalito ata. Hahaha!
Pagbalik niya daw doon, bigla daw tumahimik silang lahat. Tapos napapasulyap nanaman daw sila kay kuya management.
And then, pag-alis nanaman daw ni mama. Ayun! Nagasaran nanaman daw sila. Narinig ni mama yung boses ni kuya management, ang sabi niya “Uy wag kayo ganyan.” Pero inaasar parin daw siya.
OKAY SO...
1st- Nagtaka ako, bakit alam agad ni ate Joana yung unit ko nung nakita niya si mama? Eh 2nd time palang naman nila nagkita.
2nd- Bakit nung nakuha na ni ate Joana yung paper mula kay mama, gusto niya ibigay kay kuya management, at bakit bigla siyang ngumiti na parang nang-aasar kay kuya. DIBA?
3rd- Bakit pag-alis ni mama, bigla nilang inasar si kuya management? As in, narinig ni mama yung mga “kilig” sa tono ng boses nila.
4th- Hindi masama magkamali pero nasa trabaho ka, hindi ba dapat alam mo ang date at dapat seryoso ka kasi nasa trabaho ka nga eh. Pero bakit nagkanda-mali-mali si ate Joana ng date? Tapos hindi niya mapigilan ang ngiti niya at pasulyap sulyap klpa kay kuya management.
5th- Pag-alis ulit ni mama, inasar nanaman si kuya management. Oh ano? Nung dumating naman si mama, hindi naman daw sila nag-aasaran ah. At isa pa, pwede naman pagpasok ni mama nung 2nd time nag-tatawanan pa sila at titigil lang sila kasi nandoon si mama, like, “ay sorry ma’am nagkakatuwaan lang po.” ganern. Pero nung dumating ulit si mama, as in, parang naging robot sila sabay tahimik eh. Bakit?
Lastly, bakit ganoon sila? Hindi ba ganoon ang mga kaibigan kapag alam nilang nandiyan ang crush mo or parents ng crush mo? Sila pa ang kikiligin kesa sa’yo?
So, what’s happening now?
Kuya management, do we have the same feelings?
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA!! Wooh! Midterms! Mag-aral muna bago landi! Ukin.
Goodnight <3
BINABASA MO ANG
The Aya Files
HumorThis is not a story. This is like a diary to me. I put my everyday(?) happenings here. I just wanna share and compile this para sa future may mababasa ako. I hate writing kasi sa journal. :D Please don't judge me. Date started: Feb. 16, 2016